Ang Unang Liham
Ako si Rosa. 21 years old. Taga Lazi, Siquijor.
Kung hindi mo alam kung saan yun, okay lang. Marami din naman sa Manila hindi alam. Malit na isla lang kami. Pag sinabi kong Siquijor, sasabihin agad ng tao, “Ay yung may mangkukulam?” Hindi ah. Hindi totoo yun. Mabait mga tao dito. Tahimik lang. Masyado lang tahimik.
Dito sa amin, alas sais pa lang ng gabi, parang hatinggabi na. Wala nang dumadaan na tricycle. Patay na ilaw sa poste pag brownout, which is madalas. Signal? Naku. Kailangan mo pa umakyat sa may puno ng niyog para lang magka isang bar. Kaya keypad lang phone ko. Yung tig 500 sa palengke. Pang text lang at pang tawag kay nanay pag nasa bukid sya.
Third year college ako sa Siquijor State College. Education course ko. Gusto ko maging teacher. Pero minsan tinatanong ko sarili ko, paano ako magtuturo ng English eh ako mismo hirap mag English?
Kaya nung nag announce si Ma’am Delos Reyes na may program daw na “Letters to Manila”, sumali agad ako.
Sabi ni Ma’am, may mga volunteer daw sa Manila na tutulungan kami gumaling mag English. College students daw, mga working professionals. Magpapalitan kami ng sulat. Hindi chat ah, sulat talaga. Yung sa papel. Ipapadala through school. Parang old school.
Tumawa pa nga mga kaklase ko. “Rosa, 2026 na penpal pa rin? Mag t****k ka na lang!” Pero ewan ko, na excite ako. First time ko magkaka kaibigan sa Manila. Lagi ko kasi pinapangarap makapunta Manila. Sabi nila may Jollibee daw dun na 24 hours. Dito sa amin, pag gusto mo ng Jollibee, kailangan mo pa sumakay ng bangka papuntang Dumaguete. Dalawang oras. Pag na-late ka sa bangka na alas otso, bukas ka na makakaalis.
Kaya ayun, sumulat ako.
“Hello! My name is Rosa. I am from Lazi, Siquijor. I am 21. I want to be a teacher. I like reading. I hope you are kind. Thank you.”
Ang pangit no? Pinagpawisan ako kakasulat nun. Paulit ulit kong binura.
After two weeks, may dumating na reply. Brown envelope. Galing Manila. Nasa likod bahay ako non, naglalaba ng uniform. Amoy araw yung sinampay. Tapos sumigaw si nanay, “Rosa! May sulat ka! Galing Maynila!”
Jusko, nabitawan ko yung planggana.
Tumakbo ako. Ang bilis ng t***k ng puso ko. First time ko makatanggap ng sulat na hindi galing sa munisipyo o sa electric bill.
Binuksan ko dahan dahan. Ang ganda ng sulat kamay. Lalaki magsulat pero malinis. Hindi tulad ng sulat ko na parang kinahig ng manok.
“Hi Rosa,
Thank you for your letter. My name is Gil. I am 26. I am also studying here in Manila. I hope I can help you with your English. Your dream to be a teacher is beautiful. Teachers are heroes.
Don’t worry about your English. It’s already good. You just need confidence.
What is life in Siquijor? Is it true that the sea is very clear there? I have never been to the beach for a long time. Please tell me more.
Your penpal,
Gil”
Gil.
Paulit ulit kong binasa pangalan nya. Gil.
Hindi ko alam bakit pero napangiti ako. Ang bait nya magsulat. Hindi sya nagyayabang na taga Manila sya. At nagtatanong sya tungkol sa dagat namin.
Kaya sumagot agad ako kinabukasan. Hindi na ako nahiya.
Sinulatan ko sya tungkol sa Lazi. Sabi ko sa kanya, oo malinaw dagat dito. Pero malungkot pag gabi kasi walang ilaw. Sabi ko sa kanya yung ulam namin madalas lato at ginamos na galing sa tiya ko. Sabi ko pangarap ko makita yung LRT sa Manila. Yung tren daw na nasa taas.
After one week, may reply na naman sya. Mas mahaba na ngayon. Dalawang page na.
Sabi nya, natawa daw sya sa kwento ko tungkol sa pag akyat sa puno para magka signal. Sabi nya parehas kami, kasi sya din daw matagal na hindi nakakakita ng dagat. Sabi nya nasa maliit lang daw syang kwarto sa Manila, at pag sumusulat sya sa akin, parang nakakapunta sya sa Siquijor.
Doon ako kinilig. Yung line na yun.
“Pag sumusulat ako sayo, parang nakakapunta ako sa Siquijor.”
Hay naku Rosa, kinikilig ka na naman. Sabi ko sa sarili ko.
Pero totoo, araw araw ko na hinihintay sulat nya. Mas excited pa ako kesa sa pagdating ng allowance ko na 500 pesos.
Si Ma’am Delos Reyes nga nagtataka, “Rosa, ang sipag mo na sumulat ah. Gumagaling ka na sa English.”
Hindi nya alam, hindi lang English habol ko.
Si nanay din napapansin. “Rosa, sino ba yang taga Manila na yan? Bakit ngiting ngiti ka pag may sulat?”
“Kaibigan lang nay, sa school program lang,” sabi ko. Pero namumula mukha ko.
Isang buwan na kami nag susulatan ni Gil. Apat na sulat na nya natanggap ko. Tinatago ko lahat sa ilalim ng unan ko. Amoy Manila daw sabi ni nanay, amoy papel na bago.
Sa pang apat na sulat, may sinabi sya na medyo kinabahan ako.
“Rosa, can I be honest? I am not really a college student like you think. I am in a different kind of school here in Manila. A small place. But I am learning a lot. I hope you will not judge me. I really value our letters. You are the only person outside who talks to me like I am normal.”
Nakunot noo ko binasa yun. Anong ibig sabihin nya? Different kind of school? Small place?
Gusto ko sya replyan agad. Gusto ko itanong anong ibig sabihin nya. Pero biglang nag brownout. At naisip ko, baka naman alternative school lang. Baka TESDA or ganun. Huwag ako mag isip ng masama.
Kaya sumulat ako ulit. Sabi ko, “Gil, hindi kita huhusgahan. Kahit anong school ka pa. Basta mabait ka.”
Hindi ko alam, yun na pala yung huling sulat na matatanggap ko ng isang buwan.
Kasi kinabukasan, nag announce si Ma’am Delos Reyes.
“Class, may bad news. Yung Letters to Manila program, may problema daw sa Manila side. Yung partner organization nila, hindi na daw nag ooperate. Kaya wala na muna tayo penpal.”
Parang binuhusan ako ng malamig na tubig.
“Ma’am, pati po si Gil? Wala na?” tanong ko. Lakas ng boses ko, lahat napatingin sa akin.
Tumingin sa akin si Ma’am, medyo naawa.
“Rosa, si Gil… yung organization nya daw kasi is from… sa correctional. Sa may Muntinlupa. Prison Education Program daw. Mga inmates na nag aaral ulit. Kaya siguro natigil.”
Prison?
Inmate?
Natulala ako.
Yung Gil na ka penpal ko na ang ganda magsulat. Yung Gil na nagsasabing hindi sya nakakakita ng dagat. Yung Gil na nasa maliit na kwarto…
Preso pala sya?
Nasa loob ng Bilibid?
Yung sulat na hawak ko biglang nanginig. Yung apat na sulat sa ilalim ng unan ko… galing pala lahat sa loob ng kulungan?
Pero bakit ang bait nya magsulat? Bakit parang hindi sya masamang tao?
At bakit… bakit ang sakit ng dibdib ko?
Gusto ko malaman totoo. Kailangan ko malaman.
Kaya pag uwi ko, hindi ako nag laba. Kumuha ako ng pamasahe na tinatago ko pang project.
“Ma, pupunta ako Dumaguete. Tapos Manila,” sabi ko kay nanay.
“Manila? Anong gagawin mo dun Rosa? Wala tayo pera!” sigaw ni nanay.
“May pupuntahan lang ako nay. Si Gil.”
At kahit walang signal, kahit keypad lang phone ko, nag book ako ng bus papuntang Cebu. Tapos barko papuntang Manila.
Hindi ko alam address nya. Ang alam ko lang, Muntinlupa. Bilibid Prison.
Pupuntahan ko sya. Kailangan ko malaman kung sino ba talaga si Gil.
At kung bakit sa lahat ng tao sa Manila, sa isang preso pa ako nainlove sa sulat pa lang.