She was like a whirlwind na bigla na lang pumasok sa bahay ng aking boyfriend. Pareho kaming nagulat ni Koahl sa bigla niyang pagsulpot. At mas lalo akong nagulat nang nilapitan nito ang aking boyfriend, niyakap at hinalikan ang buong mukha niya. I was stunned at hindi ako na kagalaw sa kinatatayuan ko lalo na at nakikita ko na hindi man lang ito pinipigilan ni Koahl sa ginagawa nito. Hindi ko alam kung aong nangyayari. Sino ang babaeng ito na bigla na lang sumugod dito sa place namin. Habang tinititiigan ko ang babae parang pamilyar siya. Then naalala ko na siya ang nakabanggan ko ilang araw ng nakakalipas. “My gosh, Koahl! Sobrang nag-alala talaga ako sa’yo! Okay ka lang ba? Pinuntahan kita sa ospital pero wala ka na doon.” sabi ng babae na hawak ang mukha niya. Nasa tabi lang naman ak

