“Oh, bakit tumatamabay ka pa rito after ng class mo?” tanong sa akin ng aking kaibigan habang ako ay nasa dorm room nila at nakahiga sa kama nito. Nakatulala lang ako na nakatingin sa kisame. “May problema ba?” tanong nito at kinapa nito ang aking noo. “Hindi ka naman mainit, ah. Meron ka ba ngayon?” “Wala, katatapos ko lang habang nasa ospital si Koahl.” mahina kong sagot. Bigla akong bumangon at malakas akong bumuntong hininga. “My boyfriend is sexually frustrated at lagi niya akong nilalandi.” sabi ko. Natigilan silang dalawa at namilog ang kanilang mga mata. “Hindi ko alam ang gagawin ko. Ang hirap pigilan. Ayoko siyang tanggihan pero kailangan dahil injured siya.” “Hindi ka ba natutuwa at unli keriboomboom na kayo?” sabi ni Lumina na binatukan ko. “Aray naman! Nagsasabi lang naman

