Bumalik ako sa track kung saan laging tumatakbo si Koahl. Ngayon naman ay kasama ko si Lumina na gusto daw magbawas ng timbing kaya ko siya niyaya na tumakbo. Pasimple akong tumingin sa mga taong naroon at napangiti ako nang makita ko na nga ang lalake. Napamura ang aking kasama nang bigla ko na lang hinila. Tumakbo na kami at nasa likod lang kami ni Koahl.
I fasten my pace para makalapit pa ako sa kanya. Malapit na ako sa kanyang likod nang bigla na lang may humarang na babae na mas matangkad sa akin. Matalim ko itong tiningnan na gusto ko pang patirin. Lumapit pa ko sa babae at napansin ko na parang inaamoy niya si Koahl. Napa-roll eyes ako at itutulak ko sana, pero may naunang bahagyang tumulak sa akin. Napatingin ako kay Lumina na nakataas ang isang kilay habang nakatingin sa akin.
“Ano bang ginagawa mo?” tanong niya sa akin habang tumatakbo pa rin kami. ”Sabi ko na nga ba at hindi pagtakbo ang pakay mo rito. How long have you been stalking him?”
“It’s none of your business, Lumina.” sagot ko at napabuntong hininga. “Kahit naman matagal na akong nagi-stalk sa kanya, hindi niya ako napapansin.” malulungkot kong sabi. “Baka nga nakalimutan na niya ako after niya akong niligtas. Akala ko pa naman may moment na kami.”
“Wala naman kasing magagawa yang pagsunod-sunod mo sa kanya. Dapat may impact siya, hindi mag-stalk.” napalabi lang naman ako. “Gusto mo ba talagang mapansin ka niya?” tumingin ako sa aking kaibigan at tumango-tango. Pilya siyang ngumiti at napatili ako nang pinatid niya ang aking paa at bumagsak ako sa semento. Nahigit ko ang aking hininga at napuno ng sakit ang buo kong katawan.
“OH MY GOSH! EMBERLYN!” sigaw niya at dinaluhan ako. Malakas kong pinalo ang kanyang hita at nakikita ko na pinipigilan niya ang kanyang tawa. “Ang clumsy mo talaga! Sinabi ko naman sa’yo na hindi ka pa ready na tumakbo dahil sa nangyari a few weeks ago! Di ba sinabi ng doctor naka-inhale ka ng maraming usok!” malakas niyang sabi na pinagtaka ko. Ano bang sinasabi ng babaeng ito? “Bakit nakatunganga ka lang dyan? Umarte ka, girl…” bulong niya sa akin. Napakurap ako tapos ay malakas akong umungol sa sakit.
“Aray… Ang legs ko… ang sakit…” daing ko. Tinulungan niya akong bumangon at may konting galos ako sa kamay. “Ouch…” naiiyak kong7 sabi nang makita ko na may sugat ako sa tuhiod na dumudugo pa.
“Huwag kang gagalaw, baka may nabali na sa’yo.” narinig ko sa malalim at nakakapanginig na boses na ‘yon. Natigilan ako, para akong naging estatwa nang makita si Vice Captain Koahl na lumalapit sa akin. He crouch in front of me at tiningnan niya kung anong lagay ko. Napaaray ulit ako nang mahawakan niya ang aking sugat. Nakatitig lang ako sa kanya at parang nag-aalala siya para sa akin. Nasa tabi lang naman si Lumina na gusto kong batukan sa ginawa niya. “May ibang masakit ba sa’yo bukod sa mga sugat mo?”
“I-I think so, but I can manage.” sagot ko sa kanya.
“May medicine bag ako sa aking sasakyan. I can treat you there if you want.” tumango ako.
“Kung hindi ako nakakaabala sa’yo…” tumango rin siya at nagulat ako nang bigla niya akong binuhat. Mabilis siyang naglakad papunta sa kanyang sasakyan at nakasunod lang sa amin si Lumina na nasa likod. Nag-thumbs up siya sa akin at pinandilatan ko siya ng aking mga mata. Nang makarating kami sa kanyang sasakyan, binuksan niya ang pinto ng backseat at inupo niya ako roon. May kinuha siya sa likod ng kanyang sasakyan at pagbalik niya, hawak na niya ang isang kit. Napangiwi ako nang simulan niyang gamutin ang mga sugat ko.” Pasensya ka na, Sir… naabala talaga kita.” tumigil siya at tinitigan niya ako.
“It’s fine… sa susunod mag-iingat ka na. Bakit ka nga pala nandito. Hindi ba dapat nagpapagaling ka muna?”
“Ha? Yeah… pero nababagot na rin kasi ako sa bago naming dorm. Ayoko rin na mag-stay buong maghapon dahil may mga kasama na kaming lalake.” natigilan siya ulit at napakunot noo siya.
“Lalake? Bakit naman kayo may kasama na lalake?” tanong niya at parang tumigas ang boses nito.
“Kasi ano… Sa boys dorm na kami nagi-stay ngayon. Pinagsama na lang kami habang nire-repair pa ang dati namin na dorm. Ang lakas pa naman ng trip ng mga lalake roon.”
“Oo nga, lagi nga kaming pina-prank, eh.” sabi naman ni Lumina na nakatingin lang sa amin. Narinig ko ang kanyang pagbuntong hininga. “Although, we can handle it naman.”
“Wala ba kayong ibang mapuntahan? Like renting a house or something?” bahagya akong napatawa.
“Kung may pera lang kami, Sir.” sabi ko ulit at napansin ko ang pag-click ng kanyang jaw. Hindi na siya nagsalita pa at tinapos ang kanyang ginagawa. Naghahatid ng init ang nahahawakan niyang balat ko. He was so focused in cleaning and treating my wounds kaya malaya ko siyang natitigan. Every part of him is just too attractive na hindi ko mapigilan na humanga pa lalo. Gentle siya sa kanyang ginagawa at sinisigurado niya na hindi ako nasasaktan pa. Nang okay na ang lahat inalalayan niya akong bumaba. “Thank you sa tulong mo, Sir, sa susunod mag-iingat na ko.” tumango siya ulit.
“Here, take this.” sabi niya at binigay sa akin ang ilang pepper spray. “This is for protection pag kinulit kayo ng mga kasama niyo sa dorm. Ang mabuti pa ihatid ko na lang kayo. Mukhang mahihirapan ka na maglakad niyan.”
“Hindi na, Sir! Kaya ko na!” napa-tsk siya at sa seryoso niyang titig, pumayag na rin ako. Sumakay kami ni Lumina sa backseat at sumakay na rin siya. Malapit lang naman ito sa dorm namin pero mahihirapan talaga akong maglakad. Nagpasalamat ulit kaming dalawa nang maihatid na niya kami. Kumaway pa kaming dalawa nang papalayo na ang sasakyan nito.
“Lumina! Grabe ka sa akin!” sabay palo ko sa kanyang braso. Napaaray siya at napahawak pa roon. Bahagya rin siyang lumayo sa akin. “Muntik na kong mabalian sa ginawa mo!”
“Hindi naman, diba? Tsaka at least napansin ka na niya. Kahit nasaktan ka na, I’m sure tuwang-tuwa ka habang ginagamot ka niya.” pinaningkitan ko lang siya ng aking mga mata at paika-ika akong lumakad papasok sa dorm. Sumunod naman siya sa akin at inalalayan niya ako. “Napansin mo ba ang reaction niya kanina nang binanggit mo na may kasama tayong mga lalake? Tumigas ang panga, girl. Tapos sobra pa siyang nag-alala sa’yo kanina habang patakbo siyang lumalapit sa’yo. Mukhang may pag-asa ka!” tuwa niyang sabi sa akin. Hindi ko naman maiwasan na ngumiti dahil napansin ko rin ang kanyang mga reaction.
“Sana nga genuine ang kanyang reaction. Pero ayokong umasa, Lumina. Sobrang taas niya at nandito lang ako sa lupa. Baka naman naawa lang siya sa akin dahil alam niya na biktima ako sa sunog ng dorm natin.”
“Base sa itsura niya kanina, I don’t think so. Tsaka if he really didn’t care, baka hindi ka pa nga niya nakilala, eh. Tsaka magpasalamat ka sa akin dahil mukhang may balak ang babaeng humarang sa’yo na magpapansin sa kanya.”
“Sinasabi ko na nga ba at ito ang plano ng mandi na ‘yon! Hinarangan ba ko at inaamoy pa niya si Koahl! Muntik ko na ngang itulak. Pero nakarma yata ako agad sa kagagawan mo.”
“Sorry na! You seem so desperate na mapansin ka niya. Kaya ito ang naisip kong paraan. No worries. Ililibre kita ng lunch mamaya.”
“Sinabi mo yan, ah!” nagkatawanan kaming dalawa at nagpatuloy sa paglalakad patungo sa aming kwarto. Lihim naman akong nagdidiwang dahil finally nakita ko ulit si Koahl at napalapit pa ako sa kanya kahit saglit lang.
Alam ko naman na out of my league ko siya, but I want to try kung may pag-asa nga ako sa kanya. Hindi ko na pakakawalan ang pagkakataon na ito. Hindi pa ako nakapagpasalamat sa panliligtas niya sa akin kaya may reason ako na puntahan siya sa firehouse. Nagulat na lang kaming dalawa ni Lumina nang makauwi na si Hera. sinabi niya kasi sa amin na titira na siya kay Blayz! Ang swerte ng kaibigan ko at gusto ko siyang sabununtan sa inggit. Pero mukhang umaayon sa akin ang panahon dahil pag may something na sila ni Blayz, baka lagi ko pang makikita si Koahl! Oh my gosh! Magsisimula na ang exciting part! Go lang Emberlyn! This is my chance, finally!