Habang sakay ako ng ambulance kasama ang mga kaibigan ko, hindi ko maiwasan na kiligin. Niyakap ko ang aking sarili at feel na feel ko pa rin ang matitigas na braso ng vice captain ng firefighter crew na tumulong sa amin kanina. Para masigurado na wala kaming natamong injury, dadalhin pa rin kami sa ospital. I mean the fire was so big at akala ko mamamatay na ko. Mas lalo pa akong natakot dahil nakulong ang isang kaibigan sa kwarto namin. Madali akong bumaba para humingi ng tulong pero hindi ko naman akala na bubuhatin ako ng isang Koahl Rosta, and Vice captain ng Firefighter Crew na naka-assign sa lugar namin.
Malapit lang ang kanilang fire station sa University na pinagpapasalamat ko kaya nakapunta sila agad. Kaya lang mabilis malat ang apoy dahil na rin luma na ang building. Nagulat na lang ako kanina, hirap akong makahinga dahil sa usok at nananakit rin ang isa kong binti na napaso kanina. Bigla na lang ba niya akong binuhat. Parang na-soma ang brains ko ng konti dahil hindi ako makapaniwala na buhat niya ako. Isa pa, sobra akong kinilig at parang nakuryente ang buo kong katawan nang bigla niya akong niyakap. Hindi ko talaga mapigilan na kiligin!
“Ember, ano bang nangyayari sa’yo? Para kang kiti-kiti na gumigiling dyan? Naapektuhan na ba ang utak mo? May injury ka ba sa ulo?” sabi sa akin ni Lumina at matalim ko siyang tiningnan.
“Pwede ba, Lumina, huwag mo namang sirain ang pagkakilig ko rito.” inis kong sabi sa kanya at nag-roll eyes ito.
“Kinikilig ka pa talaga dyan after nating masunugan?” sabi naman ni Glowria na hindi makapaniwala ang mukha.
“Syempre hindi ko naman kagustuhan na masunugan tayo. Akala ko nga mamamatay na ko, pero dumating ang isang malaking knight in shining armour ko para iligtas ako.” kinikilig ko ng sabi at nagkatawanan ang iba kong kaibigan.
“Mabuti naman at hindi mo ko nakalimutan, besh.” sabi ni Hera at tumingin ako sa kanya.
“Ay sus! Para namang hindi ka kinikilig din nang nasa arms ka ni Captain Blayz…” sabay tusok ko sa kanyang tagiliran. Pinandilatan niya ako ng kanyang mga mata at tumawa lang ako.
“Tama ka na nga, Ember. Huwag mo akong idamay sa trip mo.” inis niyang sabi sa akin at tinukso ko pa siya lalo. “Teka, sino ba yo’ng knight in shining armour na sinasabi mo? Si Vice captain Koahl ba?” tanong nito at napatingin silang lahat sa akin.
“Yeeeeessssssshhhhhh!!!” tuwa kong sabi. “Mainggit kayo dyan! Ay wait, mainggit kayo sa amin ni Hera!”
“Baliw ka, akala ko ba humingi ka ng tulong para sa akin? Bakit my moment kayo ng masungit na Vice Captain? Mas inuna mo pa talaga na lumandi.” sabay kurot niya sa tagiliran ko.
“Girl! Nagmadali akong bumaba at muntik na akong matosta. Nahirapan lang akong huminga nang tuluyan na akong makababa. Hindi ko naman akalain na nandoon siya at bigla niya na lang akong binuhat. Dinala niya ako sa medic at sinabi ko sa kanya na nasa loob ka pa. Tapos… Tapos niyakap niya ako!” kinikilig ulit kong sabi sabay yakap ko rin sa aking sarili. “Magpasalamat ka pa nga sa akin dahil si captain Blayz ang nagligtas sa’yo.”
“Oo na… Thank you na…” pilit niyang sabi at napalabi lang naman ako.
“Pero mabuti na lang at ligtas tayong lahat. Magwawala talaga ako pag may nawala sa atin.” tuwa kong sabi at niyakap ko si Hera na katabi ko sa pagkakaupo. Napansin ko na nakayuko si Sohlar at pinahiran niya ang kanyang mga mata. Yes, this was a scary night for us at dine-deflect ko lang ang takot ko sa paglilistas sa akin ni Koahl kanina. Actually, nawala ang takot ko nang makita ko siya. Feeling ko tukloy tinadhana kami para sa isa’t-isa. Well, kahit hindi man, gagawin ko ang lahat para mapansin niya ako at maging kami.
Nang makarating kami roon, ang daming mga babaeng students na nasa ER na chine-check ng mga doctor at nurses. Nandoon rin ang aming dorm manager, ang Dean, at maging ang President na rin. Sabagay, students kami ng University at kung may mangyari man sa amin na masama, sila ang responsable. Naghintay kami na nakaupo sa bench hanggang sa may nag-asikaso na rin sa amin na nurses. Nagsagawa sila ng test at full body exam na rin. Okay naman kaming lahat pero pinaghintay pa rin kami. Wala naman kasi kaming mapupuntahan pa.
After a few hours, may bus sa labas ng ospital para sunduin kaming lahat. Dinala ulit kami sa university pero dinala kami sa auditorium para magpalipas ng gabi. They provided us with some sleeping bags, extra na damit at toiletries. Nagulat nga ako dahil naihanda nila lahat ang mga ito. Magkakatabi kaming natulog at walang nakatulog sa amin dahil traumatic ang nangyari. Bigla ba namang nasunog ang dorm at buti na lang gising kaming lahat. Yon nga lang, mabilis kumalat ang apoy. The good thing is walang malubhang nasaktan sa amin. The bad news is, baka abo na lang ang madadatnan na gamit namin roon.
Ilang araw ang nakalipas at bumalik kami sa aming routine bilang students. Nag-close ang aming University ng ilang araw. Ang ginawa namin ay pumunta sa dorm nang sabihan kami na safe na at binalikan namin ang aming mga gamit. Halos sunog ang mga clothes ko at ang iba naman ay basang-basa na. But I salvage some of them at nilabhan na lang namin ang aming mga damit sa isang laundromat.
Ang ayaw ko lang ay pinagsama na kami sa male dorm kaya naging co-ed na. Kami ang nasa second floor habang ang mga lalake ay sa remaining top floors. Mas konti lang kami kaya habang nirerenovate ang dorm, dito muna kami. Nakakainis kaya ang mga lalake lalo na at mahilig silang mag-prank. Kahit nga nakahiwalay kami, lagi kaming pina-prank roon. Nagyon pa kaya na kasama namin sila sa iisang building.
Magkasama kaming tatlo sa iisang kwarto, habang ang ibang kaibigan namin ay sa katapat lang namin na kwarto. Pero madalas, magkakasama kaming anim at nagsisiksikan ang sa aming kwarto. But it’s okay dahil mas safe ang feeling namin pag magkakasama. Matagal na kaming magkakaibigan at ito na rin ang last year sa college. Tinadhana yata kaming magkakakilala dahil na rin pare-pareho kaming orphan.
Wala na kaming magulang at wala na ring pakialam sa amin ang aming kamag-anak. Umaasa kami sa scholarship at sa mga trabaho namin. Isa akong waitress sa isang restaurant na malapit lang rito. That’s how I get by day by day. Maswerte na lang ako at mababait lahat ng staff roon. Pero hindi naman forever na waitress ako. I want to be a preschool teacher. Mahilig din naman talaga ako sa bata so I think that fits me.
Ang pagkakapareho pa namin ay lahat kami ay may may crush sa firefighter crew na malapit lang sa university. I mean sino bang babae na hindi kung super duper hot nilang lahat especially ang Vice Captain nila. He’s so big, and strong, parang si Hercules! Pero sa akin lang naman ‘yon dahil iba-iba rin naman kami ng type. Pangarap ko na mapansin niya ako and I hope na nag-leave ako ng impression sa kanya nang iligtas niya ako. Sana magkita na kami ulit!