Matapos ang aking duty, pakanta-kanta pa ako nang lumabas ako ng aking truck nang mai-park ko na ito sa basement ng condo building. Kinuha ko ang aking duffle bag at maging ang bag na naglalaman ng books na binili ko sa bookstore kung saan nagtatrabaho si Sohlar. Sana nagustuhan niya talaga ang binigay kong food sa kanya para hahanap-hanapin na niya ako. Masaya akong lumakad papunta sa elevator pero bigla na lang akong nawalan ng malay nang may malakas na pumukpok sa aking ulo. What is this? My ears are ringing… I feel so hot na para akong sinisilaban ng apoy… My head hurts… “f**k!” sigaw ko. Unti-unti akong nagising at hindi ako makagalaw. Blurry ang nakikita ko at first hanggang sa lumilinaw na. Namilog ang aking mga mata dahil nandito ako sa aking unit pero nasusunod ito. Nagbabagang

