Naglagay ako ng ilang damit at ilang gamit ko sa aking malaking tote bag. Mabilis ang kilos ko dahil finally, pwede ko ng makita si Inpherno sa ospital. Wala akong pasok sa bukas kaya magi-stay ako roon buong gabi. Gusto kong nandoon ako pag nagising na siya. Ilang araw na rin kasing lumilipas at wala pa siyang malay. Ang sabi naman ng doctor na ligtas na siya at kailangan siyang i-monitor for infection dahil sa burn wounds niya. Hindi ko pa siya nakikita mula nang last na puntahan niya ako sa bookstore. Kasama si Flair, umalis na kami at nagpunta na sa ospital. Nadatnan namin roon ang ilang kasama ni Inpherno sa trabaho. Nandoon rin si Blayz at kumaway siya sa amin nang makita niya kami. Lumapit kami sa kanila at binati sila. Tumingin ako sa private room kung nasaan si Inpherno. May sal

