bc

Proxy

book_age18+
6.3K
FOLLOW
26.1K
READ
second chance
arrogant
boss
drama
sweet
straight
bold
witty
realistic earth
like
intro-logo
Blurb

Cady never cares about love. Having a relationship with guys was not belongs to her vocabulary. She was a workaholic, and an ideal daughter who willing to accept whatever her parents plan for her life. Kaya tinanggap niya ang pinagkasunduan ng parents niya at ng may-ari ng kakompitensiyang kompanya. Pumayag siyang pakasalan ang bagong presidente ng 2R food corporation na si Rue Torres.

Nang makilala niya nang personal ang lalaki ay wala siyang nagging problema dahil mabait ito, tahimik at mukhang conservative. Kaya iniisip niya na mamamatay siyang virgin wife. But after marriage, she’d noticed Rue’s unexpected behavior. Na para bang ibang tao ito. Parang may mali. The conservative guy turns bold, arrogant, and a goddess?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
ANG sabi ng iba, ang maikasal ay isa sa pinakamakasaysayan at exciting na pangyayari sa buhay ng isang babae. Pero para kay Cady, ang kasal ay katulad din ng sugal, you couldn’t assure how lucky you are after marriage. You may win or lose. Sometimes marriage was not enough to be contented and comfortable with the relationship you have. Sa edad na biyente-singko ay naging abala si Cady sa responsibilidad bilang nag-iisang anak at tagapagmana ng kumpanyang ipinundar ang mga magulang niya. Nang magtapos siya ng pag-aaral sa kursong Bachelor of Science in Psychology ay pormal na inilipat sa kanya ng mga magulang niya ang rights ng C&F manufacturing corporation, kung saan ang mga produkto nila ay can goods at iba pang processed food na may mga sangkap na karne ng manok, baka, baboy at seafood. Namana rin niya ang ten hectare farm lot kung saan ay inaalagaan ang mga hayop na pina-process. May tiwala ang parents niya sa kanyang kakayahan kaya maagang nagretiro ang mga ito sa negosyo. Gayunpaman ay nakaalalay pa rin ang mga ito sa kanya. At para sa mas ikauunlad ng business, tinanggap ng mga magulang niya ang hinihinging pabor ng may-ari ng dating kakompitensiya nila sa negosyo na noo’y business partner nila. Palubog na ang 2R food corporation kaya nagdesisyon ang mga ito na sumandal sa kanila upang mapanatiling nakatayo ang negosyo ng mga ito. Binili nila ang shares ng mga umalis na investors at sila na rin ang sumalo sa milyong utang ng naturang kumpanya. May tiwala ang parents niya sa bagong prisedente ng 2R Food Corporation, at sa kakayahan nitong mamahala ng higanteng kumpanya. Kaya nakombinsi ang mga ito sa arrangement na hinihingi ng kabilang panig. Para sa tuluyang pagkakaisa ng dalawang kumapanya ay humantong ito sa marriage arrangement. Nang makilala nang personal ni Cady ang twenty-six year old na apo ni Mrs. Marcela Torres, walang pag-aalinlangang tinanggap niya ito. Rue Torres was an ideal man she thinks, based on her first impression when the first time they met. Mabait at seryoso ang binata sa unang impresyon niya. Katulad niya’y business din ang priority nito. Pagkatapos ng engagement party nila ni Rue, ay nagpaalam ang binata na magbabakasyon muna sa California ng tatlong buwan. Aasikasuhin daw nito ang mga naiwan nitong mga credential sa university kung saan ito nagtapos ng pag-aaral. Pero bago ito umalis ay naayos na nila lahat ng kailangan sa kasal. Mayroon nang schedule, venue at iba pa. Pagbaba ni Cady sa bride’s car ay nagtataka siya bakit hindi pa pumapasok sa loob ng simbahan ang ibang bisita, na dapat ay nakaabang na ang mga ito sa pagdating niya. May dalawang babae na umaalalay sa kanya dahil sa mahabang wedding gown niya. Sinalubong kaagad siya ng daddy niya. “Dad, what happening here?” nagtatakang tanong niya. “May problema tayo, hindi pa dumarating si Rue,” balisang sagot nito. “What? Ano ba ang huling sinabi niya noong tinawagan n’yo siya?” aniya. Kinabahan siya. Mukhang mauudlot pa ang kasal niya. “Ang sabi niya on the way na siya,” sagot nito. Hindi siya mapakali. Naisip niya, baka nahimasmasan si Rue at na-realize na hindi pa ito handang magpakasal. Pero maayos naman ang nangyaring engagement party at masaya pa nga ang binata. Maya-maya ay may humaharurot na itim na sports car at huminto sa tapat ng simbahan. Napatingin ang lahat sa kararating na sasakyan na bumulabog sa alikabok. Kumakabog ang dibdib ni Cady habang inaantabayanan ang bababa na sakay ng sports car. Walang kurap na tumingin siya sa bumabang lalaki, na siyang lulan ng kotse. Likod pa lang ay kilala na niya ito. Nakasuot ito ng puting tuxedo. Nang humarap ito sa direksiyon nila ay napawi ang kaba niya. It was Rue. Nagpagupit ito ng buhok. Ang dating isang dangkal na haba ng buhok nito ay may isang pulgada na lang at clean cut, kaya lalong lumitaw ang kaguwapuhan nito. Napansin din niya na mas pumuti ang balat nito’ng makinis. Attractive lalo ang taas nito’ng malapit na sa anim na talampakan. Napansin niya na mas lumapad ang katawan nito at mas lalong naging matipuno, hindi katulad noong huling pagkikita nila na mukha itong stress at nangangayayat. Mukhang mas hiyang nito sa California. Malalaki ang hakbang nitong pumasok sa simbahan. Hindi man lang sila napansin. Marahil ay dahil sa pagmamadali kaya hindi na nito pinagkaabalahang pagmasdan ang nasa paligid. Nang maayos na ang lahat ay lumakad na siya papasok ng simbahan kasama ang kanyang ama. Natatanaw na ni Cady ang kanyang groom na nag-aabang sa altar. Para sa kanya, ang nagaganap ay isa lamang patalastas ng kanyang buhay. Paglipas niyon ay magiging normal lang ang takbo ng buhay niya at walang anumang magbabago. Sa palagay naman niya’y balewala lang kay Rue ang kasal na iyon. But for the sake of their business, they need to learn to accept each other. Their marriage was genuine, and they need to act as husband and wife. But having a child was not yet settled. Ayaw pa niya. Siguro ay maiintindihan siya at rerespituhin ni Rue. Hindi na siya nag-iisip sa mga ibang bagay na kailangan nilang pagtuunan ng pansin pagkatapos ng kasal. Nang ipagkatiwala na siya ng daddy niya kay Rue ay kaagad siyang kumapit sa kaliwang braso ng binata. Sandali niyang pinagmasdan ang guwapong mukha ng kanyang groom. He smiled at her sweetly with full of confidence. “You’re such a gorgeous bride I’d ever met,” he said in a husky voice. Pilit ang ngiting itinugon niya rito. Pagkuwan ay sabay na silang humakbang palapit sa altar. Nang magsimula ang seremonya ay walang ibang laman ang isip ni Cady kundi ang future niya. Naisip niya, hindi naman obligadong magkaanak sila ni Rue. She couldn’t even think about her s*x life. Sharing a night with Rue on the bed was not a big deal for her. Sa palagay naman niya ay wala pa sa plano ni Rue ang pagbuo ng anak. “And now, I pronounce you husband and wife. Mr. Rue Torres, you may now kiss the bride,” anunsiyo ng pari. Humarap si Rue kay Cady. Inihanda ni Cady ang sarili sa pagtanggap sa halik ng kanyang asawa. At nang siilin ni Rue ng halik ang kanyang mga labi ay nasorpresa siya nang pukawin ng mainit na halik nito ang natutulog na init sa kanyang kaibuturan. Ang halik nito ay hindi pilit, sa halip ay puno iyon ng pasyon. Tumugon siya sa halik nito pero hindi iyon nagtagal. Umugong ang palakpakan ng mga tao. Kaagad silang naghiwalay at hinarap ang mga tao. Sabay silang naglakad palabas ng simbahan.   PAGKATAPOS ng salo-salo na ginanap sa Green Paradise resort sa Laguna ay tumulak ang bagong kasal patungong Tagaytay kung saan ang venue ng honeymoon. Pinagamit sa kanila ni Mrs. Marcela Torres ang private resort nito. Nakalaan para sa honeymoon nila ang villa house nito na katapat ng dagat. Napagod sa halos magdamag na party at sayawan si Cady kaya alas-otso na ng umaga siya nagising. Kagabi pagdating nila sa venue ng honeymoon ay kaagad siyang nakatulog. Walang ibang tao sa villa kundi silang dalawa lang ni Rue. Bumangon siya dahil tinatamaan na siya ng sikat ng araw na tumatagos mula sa nakabukas na sliding door patungo sa beranda at nakaharap sa beach area. Isinasayaw ng hangin ang puting kurtina na nakatakip sa pinto. Tanging puting nighties dress ang suot niya at puting underwear. Naglakad siya patungong beranda. Lumanghap siya ng sariwang hangin mula sa dalampasigan. Saka niya na-realize na iyon ang unang araw ng kanyang honeymoon. Maya-maya ay narinig niyang bumukas ang pinto ng kuwarto at kaagad ding sumara. Naramdaman niya ang yabag na papalapit sa kanya. Kumislot siya nang may mga kamay na pumupupot sa baywang niya. Marahas siyang pumihit sa kanyang likuran. Namataan niya si Rue na halos isang pulgada lamang ang pagitan ng mukha nito sa kanyang mukha. “Good morning, my dear wife,” bati nito sa malamig na tinig. He smiled a bit. Humugot siya ng lakas saka ito itinulak. Nang pakawalan siya nito ay naglakad siya palabas ng kuwarto. Kaagad naman siya nitong sinundan hanggang komedor. Nasorpresa siya nang makita ang mga pagkaing nakahain sa lamesa. Sino ang nagluto? “Are you hungry? We should eat first while foods are still hot,” kaswal na sabi ni Rue. Pinaghila pa siya nito ng silya. “Sino ang nagluto?” tanong niya. “Your husband,” nakangiting tugon nito. “Alam ko namang hindi ka marunong magluto. Mabuti na lang sinabi sa akin ng mommy mo na hindi ka marunong magluto,” he said with a hint of irony. Nakaramdam siya ng hiya kay Rue. Ini-expect niya na hindi rin ito marunong magluto dahil spoiled ito ng lola nito. Kuwento pa ni Lola Marcela, fifteen years old si Rue noong natuto itong maglaba ng sarili nitong underwear. Nabanggit din sa kanya ng matanda na mas maraming alam na trabaho sa bahay ang kakambal ni Rue na si Ruki, na nag-migrate na sa California. Identical twin sina Rue at Ruki pero maraming pagkakaiba ang mga ito sa ugali at mga hobby. Mas seryoso sa buhay at business-minded si Rue, habang si Ruki naman ay playful, mas gustong makipagsapalaran sa iba’t-ibang larangan katulad ng pagmo-modelo at sports. Noong pinakita sa kanya ni Lola Marcela ang litrato ng kambal ay talagang magkamukha ang dalawa. Kahit palaging magkahiwalay ang mga ito ay close pa rin ang mga ito sa isa’t-isa. Pero inamin ng matanda na mas gusto nito si Rue, dahil masunurin at mapagmahal na apo. Samantalang si Ruki ay ayaw tumanggap ng responsibilidad sa pamilya. Umupo sa silya si Cady. Presentable ang mga pagkaing nakahain at halatang may passion ang nagluto. Hindi siya makapaniwala na marunong magluto si Rue. “I thought you don’t know how to cook,” aniya. Lumuklok sa katapat niyang silya si Rue. “Who told you that? Si Lola?” anito. “She didn’t mention it. Obvious kasi. Para sa businessman na katulad mo, ang oras sa pagluluto ay masyadong maaksaya. You have to invest more time and effort to do it,” sabi niya. “You’re right but since I decided to marry you, naisip ko na kailangan kong matutong magluto para maging compatible naman tayo. Mahirap kasi kung pareho tayong walang alam sa pagluluto,” tila nang-iinsultong sabi nito. Nagsalubong ang katamtamang nipis niyang mga kilay. “Pumayag kang magpakasal sa akin kaya dapat mong tanggapin kung ano ang kaya kong gawin,” mataray na sabi niya. Ngumisi ang lalaki. “I know. Pero hindi naman puwedeng ako lang ang mag-adjust. At bakit ba tayo narito? It’s our honeymoon. Ini-expect mo ba na magtitigan lang tayo sa loob ng tatlong araw?” simpatikong sabi nito. Nag-init ang bunbunan niya. Mali ata ang expectations niya. “Nagkamali ata ako ng first impression sa ‘yo. Noong una tayong nagkita ay tahimik ka lang at seryoso,” sabi niya pagkuwan. Ngumiti ito. “Usually sa first impression tayo madalas nagkakamali. Of course, you have to expect some unexpected things, especially while we’re together. And don’t act like an idiot na hindi alam kung ano ang coverage ng marriage.” “Hindi ako ipinanganak kahapon,” giit niya. “Good. Anyway, let’s eat and prepare for our first day of the honeymoon.” “We’re not obligate to do the traditional honeymoon.” Napansin niya ang pilyong ngiti ni Rue. Hindi siya mapakali. Pakiramdam niya’y hindi si Rue ang kasama niya. She’s not aware of his boldness. PAGKATAPOS ng almusal ay nagpakaabala si Cady sa pag-monitor ng business sa pamamagitan ng kanyang laptop, kung saan na-a-access pa rin niya ang system na ginagamit niya sa kanyang opisina. Pagsapit ng hapon ay naligo siya sa dagat. Natatanaw niya si Rue sa beranda ng kuwarto at pinapanood siya. Nakasuot lang ito ng puting short pants at puting polo na hindi nakabotones kaya nakahantad ang dibdib at puson nito. Hinahangin ang damit nito kaya lalong bumabandera ang katawan. May limang dipa lamang ang layo niya rito kaya alam niya na sa kanya ito nakatingin. Nakasuot lang siya ng ternong itim na underwear kaya malaya itong pagmasdan ang kanyang katawan. Hindi niya alam kung ano ang tipo ng babae ang gusto ni Rue. Sa palagay naman niya ay pasado siya sa standard nito dahil may maibubuga siya kung katawan lang din ang pag-uusapan. Pinagpala siya ng malulusog na dibdib at pang-upo. Ipinagmamalaki niya ang vital status niya na thirty-six, twenty-six, thirty-six. Mahahaba rin ang kanyang biyas at katamtamang pitog na mga hita. Katamtaman ang kanyang kaputian at makikinis ang kutis. Nakadadagdag charm din sa kanya ang ga-baywan niyang buhok na aalon-alon at natural ang blondeng kulay. Namana niya sa kanyang lolo na Spanish-Filipino ang kanyang light brown na mga mata, matagos at manipis na ilong, at katamtamang nipis na mga labi. May limang talampakan at limang pulgada ang tangkad niya. Hinintay ni Cady na lumubog ang araw bago siya pumasok sa villa. Binalot lamang niya ng tuwalya ang kanyang katawan. Nang makita niyang pumasok sa kusina si Rue ay kaagad niya itong sinundan. Kahit gustuhin niyang magluto para sa hapunan nila ay wala ring silbi dahil papalpak lang siya. Baka mapahiya lang siya. “What do you want for dinner?” tanong ni Rue. “Huwag ka nang magpagod. Okay na sa akin ang corned beef with potatoes,” sagot niya. Tumawa nang pagak si Rue. Binato niya ito ng mahayap na tingin. “Honestly I didn’t eat processed foods,” anito. “Produkto rin ng business ninyo ang processed food. Of course you have to be loyal with your own product. Isa pa, maayos at malinis ang pagproseso ng mga produkto kaya hindi ka dapat nababahala. Ang mga stocks na can goods at ibang pagkain dito ay mula sa inyo. Wala tayong cook dito kaya magtiyaga tayo sa easy to cook food,” litanya niya. “Okay, kung ‘yan ang gusto mo. Magbanlaw ka na sa banyo. Ako na ang magluluto,” sabi na lamang nito. “Mamaya na ako magbabanlaw after dinner. Ako na ang magbabalat ng patatas,” aniya. “Do you know how to peel potatoes?” nagdududang tanong nito. “Of course!” mariing sagot niya. Kinuha niya ang tatlong perasong patatas saka binalatan gamit ang peeler. Binabantayan nito ang kilos niya. Maya-maya ay inagaw nito sa kamay niya ang kutsilyo at ito ang naghiwa ng patatas sa maliliit na kuwadrado. Nagbalat na lamang siya ng sibuyas. Hindi niya napigil ang pagluha dahil sa sibuyas. Si Rue na rin ang naghiwa ng sibuyas. Marunong naman siyang maggisa ng corned beef pero kapag tumatasik ang mantika ay sumusuko kaagad siya. Napansin niya na hindi na nilagyan ni Rue ng mantika ang kawali. Inihulog na lang nito deretso ang laman ng isang latang corned beef maging ang mga sangkap at patatas saka nilagyan ng kaunting tubig at tinakpan. “Ganyan ka ba magluto?” tanong niya. “May sariling fats ang beef kaya hindi na kailangan ng mantika. Hintayin na lang natin na mag-dry saka haluin para maghalo ang lasa at saktong malambot na ang patatas,” sabi nito. Hindi na lamang siya komontra. Ang natirang kanin ay ginawang sinangag ni Rue.              

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
72.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
90.5K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.1K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook