Chapter 3

2609 Words
HULING araw ng honeymoon ay maghapon na nakatutok lang sa kanyang laptop si Cady. Samantalang si Rue ay abala sa pagsu-surfing sa karagatan. Naroon siya sa beranda at mula roon ay natatanaw niya si Rue na nagpapatangay sa alon sakay ng surf board. Tanging itim na boxer ang suot nito. Nadi-distract siya sa tuwing sumisigaw si Rue. Tuwang-tuwa ito sa malalaking alon. Alas-tres na ng hapon. Kumakalam na naman ang sikmura niya. Halos lahat ng kakainin nila ay si Rue ang nagluluto. Palagi kasi siya nitong nauunahan. Maaga itong nagigising kaya pagbangon niya sa umaga ay nakahanda na ang mga pagkain. Hindi siya nakatiis. Tiniklop niya ang laptop saka siya nagtungo sa kusina. Naglaga siya ng tatlong perasong itlog na gagawin niyang palaman ng sandwich. Kahit papano ay may alam naman siyang gawing meryenda na hindi kailangan ng mabusising proseso. Nang maluto ang itlog ay binalatan niya ang mga ito at dinurog. Pagkuwan ay nilagyan niya ng mayonnaise at tinimplahan ng paminta at asin. Nilagyan din niya ng lettuce at pipino ang sandwich niya. Nagtimpla rin siya ng orange juice. Dinala niya sa beranda ng kuwarto ang meryendang ginawa niya. Nang tumingin siya sa dalampasigan ay wala na roon si Rue. Mamaya ay narinig niya ang pagbukas ng pinto at dagli ring nagsara. Naubos na niya ang isang sandwich. Umupo siya sa racking chair habang nakatanaw sa malawak na karagatan. Nakakaidlip na siya nang may kamay na humaplos sa nakahantad niyang balikat. Pink sleeveless blouse lang ang suot niya at puting pajama. Nagmulat siya nang mga mata. Namataan niya si Rue sa kanyang kaliwa. Nababalot lamang ng puting tuwalya ang ibabang bahagi ng katawan nito. Bumabandera ang matipunong katawan nito. “Magmeryenda ka na,” sabi niya rito. “Tapos na,” tugon nito. Nang tingnan niya ang plato na pinaglagyan niya ng sandwich ay wala na iyong laman. Mukhang ginutom ang kanyang asawa sa kaka-surfing. Tumayo siya at lumapit sa barandilya. Lumanghap siya ng sariwang hangin. Maya-maya ay naramdaman niya ang mainit na mga kamay ni Rue na humuhubog sa kanyang baywang. Dumapo ang mainit nitong bibig sa kanyang batok. Nang simulan nitong pasadahan ng bibig ang kanyang leeg ay awtomatikong nagsikip ang kanyang dibdib sa suot niyang damit. Kumislot siya nang dumapo ang isang kamay nito sa kanyang dibdib. “Hindi ba sinabi ko sa ‘yo na huwag kang magsuot ng underwear habang magkasama tayo sa private place?” bulong nito sa kanya. “You can’t force me to do what you want, Rue,” aniya. “Come on, call me, honey. Ikaw rin ang mahihirapan kapag hindi ka susunod sa akin.” Tumawa siya nang pagak. Mamaya ay nagulat siya nang biglang baklasin ni Rue ang kanyang blouse. Nagtalsikan ang botones ng damit niya. Marahas siyang humarap dito. “What the hell?!” hasik niya ngunit tinakpan ng bibig ni Rue ang kanyang bibig. Ang pangahas nitong halik ay unti-unting tumutupok sa kanyang katinuan. Makapagyarihan ang halik nito at nahirapan siyang tutulan. Pagkuwan ay hinatak siya nito papasok sa kuwarto at dagli siyang isinandal sa dingding. Hindi manlang nito pinagtiyagaang alisin nang maayos ang kanyang bra. Hiniklas nito iyon at dagling hinapuhap ng halik at pinong kagat ang kanyang dunggot. “Uhhh!” daing niya. Itinulak niya ito. Napaatras si Rue pero kaagad siyang binalikan. Pinihit siya nito patalikod dito at iginiit siya sa gilid ng lamesa. Niyapos siya nito buhat sa likuran. Dagling humubog ang mga kamay nito sa kanyang malulusog na dibdib. Naramdaman niya sa kanyang pang-upo ang pagdaiti doon ng nakalaya nitong sandata. “Just tell me if you want me to stop. But think that it’s hard to stop at this point, honey. I know you don’t want to kill me in this way. Is your wound still sore?” wika nito habang ang bibig ay nasa puno ng kanyang tainga. Mabilis siyang nadarang sa init at kung uutusan niya itong tumigil ay masasaktan din siya. She just felt her instant arousal. She wants to come right away. “No, just do it,” pagkuwan ay sabi niya. “Hm. You’re such a nice girl, Cady.” Pagkuwan ay hinila nito pababa ang nalalabi niyang saplot. Umungol siya nang haplusin ng kamay nito ang nakahanda nang kaselanan niya. “s**t! You’re about to come, honey. I need to make it fast,” atat na sabi nito. Itinulak nito ang likod niya kaya bahagya siyang napayukod. Nagsunod-sunod ang pagdaing niya nang maglabas-masok ang ilang daliri ni Rue sa kanya, habang napanaka-nakang lumalasap ang bibig nito sa kanyang dunggot katuwang ang isang kamay nito. Maya-maya pa’y bigla siya nitong inangkin. Nasaktan pa rin siya sa pangalawang pagkakataon. Pero hindi na iyon kasing sidhi nang una. Mabilis na pinagharian ng nakahihibang na sarap ang kanyang sistema nang dagling umulos sa kanya si Rue. “Uhh! Aaahhh…” walang humpay niyang halinghing habang mahigpit ang kanyang kapit sa labi ng lamesa. Walang espasyo rin ang paglabas-masok ng sandata ni Rue sa kanya, habang maya’t-maya ang paghubog ng mga kamay nito sa umaalog nang husto niyang dibdib. Sa lakas ng pagbayo ng katawan nito sa kanya, pakiramdam niya’y malulumpo siya. Labis ang pangangatal ang kanyang mga tuhod. Mabuti na lang nagdesisyon si Rue na lumipat sila sa kama. Doon ay inihiga siya nito saka ito pumaibabaw sa kanya at muli siyang inangkin. Habang tumutulin ang pagkilos nito ay dumadalas din ang pagpapalaya ng halinghing nito na nakikipagpaligsahan sa ingay niya. Nang tuluyang gupuin ng bayolenteng init ang kaibuturan niya ay napakapit siya nang mahigpit sa mga braso ni Rue. Sandali siyang nakalimot nang lamunin ng walang kawangis na sarap ang sistema niya. Hindi rin niya inaasahan ang bilis ng pagkamit niya ng kanyang sariling orgasmo. Samantalang kasunod niya’y nagpahiwatig din si Rue ng tagumpay nito. Subalit hindi pa ito nakontento. Ilang sandali lang itong nagpahinga at muling binuhay ang namahingang pagnanasa niya. Naramdaman din niya ang muling pagkabuhay ng p*********i nito habang angkin pa rin siya. Hinatak siya nito paupo sa kandungan nito. Kumapit naman siya sa mga braso nito. Umigtad siya nang isubsob nito ang bibig sa kanyang dibdib. Mariing lumalasap ang mainit nitong bibig sa bawat tunggot niya. “Come on, just move, honey. Just move up and down, whatever you want,” hinahangos na utos nito sa kanya. Para siyang robot na dagling sumunod sa gusto nito. Kumilos siya at marahang umangat-baba sa kandungan nito. Sa pagsisimula niya’y mas iniinda niya ang kirot, subalit nang sabayan ni Rue ang kilos niya ay natuklasan niya ang mas exciting na emosyon. Nagugustuhan na niya ang kanyang ginagawa. “Oohh… harder, honey. Keep moving. Ohhh…” aliw na aliw na utos ni Rue sa kanya. Ganoon din ang pagsusumikap niya na maibigay rito ang gusto nito. Walang tigil sa paghubog ang mga kamay nito sa katawan niya habang halinhinang nilalasap ng mainit nitong bibig ang dunggot ng kanyang dibdib. Sa bilis ng kanyang pag-indayog ay para silang lumilipad. Nang makontento si Rue ay pinihit naman siya nito padapa saka siya inangkin buhat sa likuran. Lalo siyang nagpakawala ng hibang na tinig nang pakiramdam niya’y pinanawan siya ng katinuan dahil sa labis na kaligayahan. Lalo lamang bumilis ang pagkilos ni Rue, na tila bibigay ang kamang kinalalatagan nila. “Aahhh… Ahhh…” hindi natimping daing niya. Bahagya pang iniangat ni Rue ang ibabang bahagi ng katawan niya. Napaluhod siya at itinukod ang kanyang mga kamay sa kama. Doon ay komportableng umulos sa kanya si Rue habang mahigpit ang kapit sa kanyang baywang. Pakiramdam niya’y inihahambalos siya nito sa tuwing umuulos ito nang todo sa kanya. Nang hindi niya kinaya ang lakas nito ay bumagsak siya sa kama. Dagli naman siya nitong ipinihit pahiga at itinuloy ang kalbaryo. Sa pagkakataong iyon ay mas naging komportable siya. Saka niya na-realize na maling-mali ang expectation niya sa lalaking pinakasalan niya. She expected s****l intercourse between them after marriage but she didn’t expect Rue’s behavior especially his wildness. Parang sanay na ito at malawak na ang karanasan, bagay na wala sa impresyon niya. Kahit ang katulad niyang walang interes sa usaping sekswul ay nagawa nitong hibangin at naungkat nito ang natural na pagnanasa sa kanyang katawan. Malakas ang dating ni Rue sa kanya lalong-lalo na ang s*x appeal nito. Pero hindi niya inaasahan na magiging masunurin siya rito sa ganoong aspeto. Para siyang sumasailalim sa hipnotismo habang angkin siya nito. Nablanko ang isip ni Cady nang muli siyang dalhin ni Rue sa nakasasabik na tugatog. Kamuntik pa silang magpang-abot ni Rue sa sukdulan sa kalagitnaan ng pag-ulos nito. Mabuti at mabilis nitong nahunos ang sandata mula sa kanya. Katulad niya’y hindi pa handa ang lalaki na magkaanak sila. Hindi na siya nga-abalang alamin ang dahilan nito. Nagkalat na naman ito sa kanyang puson. “Sorry, I think I need to wear protection next time. Magdadala dapat ako kaso binukatkat ni Lola ang bag ko at kinuha niya ang baon kong proteksiyon. Hindi raw kailangan ‘yon sa honeymoon,” sabi ni Rue nang makaupo na ito sa tabi niya. Nanatili siyang nakahiga habang nakapikit at hindi siya nagbigay ng komento sa sinabi nito. Nang kumalma ang kanyang kalamnan ay tumayo siya at sana’y magbibihis pero mabilis siyang pinigilan ni Rue. Nagtatakang tiningnan niya ito. “I said, don’t wear underwear,” sabi nito saka siya sinuutan ng roba. Pagkuwan ay nagsuot din ito ng roba. “You’re crazy,” kunot-noong sabi niya. Ngumiti ito. “You must be aware, honey. My wildness was still under control at this moment because I know it’s your first time. But next time, expect my more intense performance from me,” sabi nito. Humalukipkip siya habang walang isang dangkal ang agwat niya sa kanyang asawa. “You know, sometimes I’m thinking about your weirdness. Noong unang nakilala kita, mukha kang inosente. Ni hindi mo magawang hawakan ang kamay ko. Kaya iniisip ko na mamamatay akong virgin kahit pa kasal ako sa ‘yo,” palatak niya. Tumawa nang pagak si Rue. “Kailan mo ba mare-realize na nagkamali ka? Gaano ba tayo katagal na nagkakilala? Mga dalawang beses lang ata tayo nagkita. Una; sa meet-up during marriage arrangement with your parents and my grandmother. Pagalawa; sa engagement party. Kaya huwag mo sabihin sa akin na kaagad mo akong nakilala,” anito. “Nakalimutan mo ata na nagkita tayo sa farm namin, noong bumisita kayo ni Lola Marcela. Nag-stay tayo ng ilang oras sa kural ng mga baka. Hinalikan kita sa labi. Simpleng halik lang ‘yon pero ramdam ko na nanginig pa ang labi mo,” paalala niya rito. Natigilan si Rue. Napalis ang ngiti nito. “Uh, oo nga pala. N-noong time na ‘yon, masama ang pakiramdam ko,” pagkuwan ay sabi nito. “I thought so. Obvious na hindi ka komportable sa akin noong magsolo tayo. Kaya nasorpresa ako sa ipinapakita mo sa akin ngayon.” “Bakit ba ipinipilit mo ang first impression mo? Dapat ay matuwa ka dahil hindi ka mamamatay na virgin,” sarkastikong sabi nito. Inirapan niya ito saka siya tumalikod. Nagulat siya nang bigla siyang haklitin ni Rue sa balikat saka siya marahas na ipinihit paharap muli rito. Nawindang siya nang bigla nitong siilin ng halik ang bibig niya. Nang akmang huhubarin nito ang roba niya ay marahas niya itong itinulak. “Enough! Subukan mong bulabugin ako, tatadyakan na kita!” hasik niya rito. Biglang tumawa ang lalaki. “Mukhang takot na takot ka, ah. Wala ka rin namang magawa kapag angkin na kita,” pilyong sabi nito at muling tumawa. “Anyway, magpahinga ka muna. I think we need to cook for our dinner first.” Naiirita siya. Sa halip na magpahinga ay nagpumilit siyang magluto. Gusto niyang mainis ito kapag natikman nito ang luto niya. Pinabayaan naman siya nito. Hindi siya sanay na walang underwear kaya nagpumilit siyang magsuot pero binantayan siya ni Rue. Itinago nito ang underwear niya. Sa inis niya’y inalatan niya ang timpla ng niluto niyang adobong manok. “s**t! Kumuha ka ba ng tubig-dagat at pinagsabaw rito sa adobo?” reklamo ni Rue nang matikman ang luto niya. Saging lang at patatas na nasa adobo lang ang kinain niya at kaunting kanin. “Pumayag kang pakasalan ako kaya dapat makontento ka sa kung ano ang kaya kong gawin,” aniya. Magkaharap sila sa lamesa. “Galit ka ata sa asin o sa akin?” tudyo nito. “Both,” mariing niyang turan. “You should eat. Huwag ka nang magreklamo.” Inirapan niya ito. “You’re so unfair, honey. Kapag ako ang nagluluto, nag-e-effort ako para makakain ka ng masarap. Hindi naman kita pinipilit magluto dahil alam ko’ng hindi ka marunong. Ang sa akin lang, maging mabait ka sa akin. Huwag mo akong iirapan at pagtaasan ng kilay. Huwag mo rin akong bubulyawan.” “Maging mabait ka rin sa akin, Rue, magkakasundo tayo,” aniya. “Please don’t call me in my name. Just call me honey. We’re married at dapat maging effective iyon sa lahat ng pagkakataon. Pilit na nga lang ang kasal, pilit pa ang pagsasama natin. And I think we’re just compatible in bed. Komportable ka lang sa katawang-lupa ko.” Hindi na siya umimik. Nagpatuloy siya sa pagsubo. Napansin niya na sinasawsaw ni Rue ang karne ng manok na maalat sa ketchup. Siguro para mabawasan ang alat kaya iyon ang naisip nito. Mautak din ito. Pagkatapos ng hapunan ay si Rue ang naghugas ng pinagkainan nila. Nagpahinga lang siya nang ilang minuto saka nagtulog-tulugan. Dahil itinago ni Rue ang kanyang underwear, pumuslit siya ng brief nito saka isinuot. Hindi baleng wala siyang bra. Pagkuwan ay nagsuot siya ng nighties at nagtalukbong ng kumot. May kalahating oras nang nakatalukbong si Cady pero hindi pa rin siya makatulog. Mamaya ay naramdaman niya ang presensiya ni Rue na pumasok. “Honey? Yoho! Tulog ka na ba?” narinig niyang sabi ni Rue. Hindi siya kumibo. Mamaya ay naramdaman niya ang paglundo ng kama.  Kumislot siya nang hablutin ni Rue ang kumot. Nang haplusin nito ang binti niya ay tinadyakan niya ito sa puson. “Ouch! Bakit ka naninipa?” reklamo nito. “Natutulog na ako, huwag kang istorbo!” asik niya. “Palusot ka pa, eh. Come on, let’s enjoy our last night of honeymoon,” sabi nito habang gumagapang palapit sa kanya. Nang makalapit ito sa kanya ay hinampas niya ito ng unan. Hinuli nito ang unan at hinatak kasama siya. Hindi siya nakahuma nang yakapin siya ni Rue at inihiga. Nang hubaran siya nito ay nagulat ito nang makita ang suot niyang underwear. “Hey! That’s my underwear,” sabi nito at biglang hinablot pababa ang isinuot niyang brief nito. “Ano ba!” asik niya at akmang sisipain niya ito ngunit ginapos nito ang mga paa niya saka siya kinaibabawan. “Mautak ka rin, ah,” anito. “Stop! Hindi mo ako puwedeng pilitin kung hindi ay ididimanda kita ng s****l harassment!” protesta niya. Tumawa si Rue. Mabuti nakakaintindi rin ito. Nilubayan siya nito. Humiga ito sa tabi niya. Pumihit naman siya patalikod dito. Mamaya’y bumangon si Rue at nagtungo sa beranda. Nagsuot muli ng damit si Cady at pinilit na makatulog. Subalit hindi siya pinatulog ng konsensiya niya dahil sa pagkait niya sa kagustuhan ni Rue. Iginiit na lamang niya na nagbibiro lang si Rue at sinusubukan lang ang pasensiya niya.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD