BAKASYON

1520 Words
FRIDA'S POV. Kinabukasan, napakaaga pa para gisingin kami sa kasarapan ng pagtulog namin at pati anak kong si Liam ay naabala na rin ang kan'yang pagtulog. Paano ba naman kasi ay umagang umaga ay napakalakas niyang manggising. Pinapatawag kaming lahat ng mga empleyado para sa meeting. Kahit wala ng hila-hilamos at pagpapalit ng damit ay hindi ko man lang nagawang ayusin ang aking sarili. Ganun din naman ang iba kong mga kasama na tila antok na antok pa rin. Hindi pa naman ako nakakapagsuot ng bra ko dahil sa tuwing gabi ay tinatanggal ko talaga ang suot kong bra upang makahinga ako ng maayos sa pagtulog. Si Prising naman ay tila nakanganga pa rin at parang gusto niya pang ituloy ang naudlot na pagtulog nito. Mag-susuot pa sana ako ng bra kanina bago lumabas kaso hindi naman pwedeng magpahintay dahil halos nagmamadali ang lahat. "Alam kong inaantok pa kayong lahat dahil hindi pa oras ng trabaho ngayon. Pinatawag ko kayong lahat para ihanda niyo ang mga sarili niyo dahil aalis tayong lahat ngayon," na tila nagising ang kanilang mga diwa. "Ho? Totoo po ba 'yan Madam?" Tanong ng isang katulong na si Erma. "Oo, Erma... Pupunta tayo sa Dawnson HR at sa loob ng isang oras ay dapat nakapag-handa na kayong lahat para sa pag-alis. Pero siguraduhin niyong kompleto kayo sa mga gamit para sa gagamitin niyo sa loob ng isang linggo." Turan ni Madam Lucy kaya naman nagtatalon sa tuwa ang mga kasama ko. Tila nagising ang aming mga diwa sa narinig dahil magbabakasyon kami ng isang linggo at tiyak na matutuwa rin si Liam kapag nalaman niya ito. "Halika na Frida... Exciting tong magaganap sa atin ngayon. Hindi ko akalain na matutupad ang kahilingan namin na makapunta sa Land of the Dawnson paradise. Maganda roon at malawak ang lupain nila doon. Grabe! Maraming mga torista doon at tiyak na makakahanap na ako roon ng foreigner na jojowain." Tumitiling saad nito na agad namang nagsialaisan ang iba para sa pag-iimpake ng mga gamit habang kami ni Prising ay patungo kami sa quarters maid na kami lang ang nagmamay-ari ng silid na iyon. Iba rin kasi ang quarters maid ng mga kasama namin rito kaya naman hindi ko masabi na sobrang yaman ng pamilya Dawnson. Napasinghap na lang ako nang maalala ko ang aking nakaraan noon. Yung gusto kong maghanap ng jojowaing mayaman at guwapo noon ay hindi ko naisipang kakainggitan ako ni Helen. Binigay nga sa akin si Ibrahim pero hindi ko akalaing aagawin sa akin ni Helen ang lalaking pinangarap ko na magka-jowa ng mayaman. Halatang may kinalaman nga siya sa mga nangyayari sa akin dahil nang tanungin ko siya kung nasaan si Ibrahim ngayon ay hindi na ito sumasagot. Palaging naka-off na rin yung kan'yang phone at hindi ko na rin siya makausap. Ang sabi niya sa akin nung last na nakausap ko siya ay magwowork na siya rito sa Maynila bilang sekretarya. Pinagmayabang pa niya sa akin yung trabaho niya na mas maganda yung work niya kaysa sa work ko ngayon. Ano naman ngayon kung naka-high heels siya? Ano naman ngayon kung sa mataas na building siya nagtatrabaho? Ano naman ngayon kung maganda ang uniporme niya? At ano naman ngayon kung 50k ang kan'yang sahod kada buwan? Saan ako huhugot para kainggitan siya? Kung tutuusin ay mas blessed pa ko sa kan'ya dahil mababait ang aking mga amo at tanggap na tanggap nila ang aking anak na si Liam. Hindi ko ba alam sa kaibigan ko kung bakit naging mayabang na siya ngayon or pinapainggitan lang niya ko. Alam ko naman noon na pangarap din niyang magka-jowa ng mayaman at guwapo. Habang sabay kaming nangangarap ni Helen noon, iniisip namin na sana ay magkaroon kami ng mayamang bf na forever kaming mamahalin. Pagkarating namin sa aming mga silid ay agad na nag impake kami ngunit ang aking anak ay natutulog pa rin. Naku naman, hindi ko tuloy alam kung ano ang aking idadala dahil konti lang naman kasi ang aming mga dalang mga gamit namin dahil ang hirap kasi magbiyahe kapag maraming dalang gamit. Sobrang nakakapagod lalo na't hindi ako sanay bumiyahe ng malalayong lugar. Lumipas ang ilang minutong pag-iimpake ko ay may twenty minutes pa ko para mag-ayos ng aking sarili. Sakto namang gising na si Liam at ganun na lamang ang pagkagulat niya nang makita ang isang malaking bag na malapit lang sa pinto. Pupungas pungas pa ito ng mga mata niya nang makita niya ito. "Ma, pinapalayas na po ba tayo rito?" Tanong ng aking anak. "Hindi anak, bumangon ka na riyan at mag-ayos dahil magbabakasyon daw tayong lahat sa lupain ng mga Dawnson." Nakangiting saad ko na parang hindi siya natuwa. "Anak bakit? Bakit ka napasimangot? Hindi ka ba masaya na magbabaksyon tayo?" "Masaya po ako mama. Nalulungkot lang po ako dahil magbabakasyon po tayo samantalang si Lola at tita sa Probinsiya ay hindi sila masaya." Parang may biglang kumurot sa aking puso dahil hindi ko inaasahang maalala niya ang kan'yang Lola at tita. Naku naman parang nakonsensiya naman ako. "Anak, next time kapag nakaluwag luwag tayo. Magbabakasyon din tayo kasama ang Lola at tita mo. Sa ngayon ay kailangan munang pag-ipunan dahil hindi biro ang mga gastusin sa pagbabakasyon. Sige na anak, tulungan mo na ko dahil mamaya ay aalis na rin tayo." Utos ko rito at wala talaga nagawa ang mga paliwanag ko para siya ay sumaya. Kumilos naman ang aking anak. at ako naman ay inaayos ko na rin ang aking sarili. Habang mabilis kaming kumikilos ay bumibilis din ang takbo ng oras. Tumunog ang aking alam clock at saktong alas sais na rin kaya naman may biglang kumatok sa pinto at si Prising na siguro 'yan. Tinungo ko ang pinto at sa pagbukas ko ay bumungad sa aking harapan si Axel. He has a confidence smile while he staring at me. "Let's go!" Saad nito habang napapalunok naman ako ng laway rito dahil sa suot niyang bumagay sa kan'ya. Napatingin siya sa aking anak ganun din ako. "Anong nangyari sa kan'ya?" Takang sabi nito dahil pansin niya ang pagsimangot nito. "Ahmm..." Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil sa siningitan ako ng aking anak. "Hindi na po ako sasama mama." Malungkot na saad nito. "Anak, akala ko ba ay okay na tayo? Akala ko ba ay naiintindihan mo ang mga paliwanag ko? Diba sabi ko naman sayo na next time na lang." Na parang medyo tumaas ang aking boses. Hindi ko na rin kasi napigilan ito eh. Naiintindihan ko naman ang nararamdaman ni Liam na gusto ring maranasan nila ang mga nararanasan namin dito. Alam ko rin naman na pangarap ni Liam na mamasyal kami at magbakasyon na kaming magpapa-pamilya kahit hindi niya na raw makasama ang kan'yang totoong ama. Nasasaktan din naman ako dahil sa nangyari sa akin na parang naghahanap na ng katanungan si Liam kung sino nga ba ang kan'yang ama. Hindi ko siya masagot dahil hindi ko rin alam kung sino ang ama niya. "Frida, tell me what's going on?" Naguguluhang tanong ni Axel. Umiling ako saka ako yumuko dahil hiyang hiya ako. Hindi ko naman pwedeng iwan na lang dito si Liam dahil isang linggo ang bakasyon doon. Mahirap na pilitin si Liam ngayon kung alam naman niyang may nalulungkot na ibang tao. Hindi ko alam kung bakit naapektuhan siya sa kalagayan nila sa Probinsiya. Ang gusto ko lang naman ay i-enjoy ni Liam ang sarili niya rito pero hindi naman niya ito magawa. "Hindi na rin ako sasama sir." Hiyang sagot ko at hindi ko na din nagawang ipaliwanag kung ano ang pinagtatalunan naming mag-ina. "Why? Anong dahilan na naman kung bakit hindi kayo sasama sa pagbabakasyon? Walang maiiwan dito kundi mga guwardiya ang makakasama niyo rito." Paliwanag ni Axel. " Sir! Aalis na raw po tayo!" Sabi ni Prising at tila nakahanda na nga ito. Suminghap si Axel. "Isang tanong isang sagot. Kumbinsihin mo nga ako Frida kung bakit hindi kayo sasamang dalawa ni Liam. Ayaw niyo bang mag-enjoy?" "Sir, ganito kasi yan. Iba kasi ang gusto ni Liam. Gusto kasi ng anak ko na sumaya rin ang kan'yang Lola at tita sa Probinsiya. Ayaw niyang mag-enjoy kung may inaalala siyang ibang tao. Iyon ang dahilan kaya hindi na rin ako sasama. Hindi ko naman ho pwedeng iwan ko siya rito at mahirap na rin pong pilitin siya kung ganyang nalulungkot siya." Paliwanag ko na sana ay makumbinsi ko siya. Kinakabahan din ako rito at baka tawanan na naman niya ko. "So, hindi rin ako papayag na hindi kayo sasama sa amin." Saad nito sabay hawak niya sa kamay ni Liam na kinatingin naman nito. "Uuwe tayo ng Probinsiya okay. Isasama natin ang Lola at tita mo." Saad nito saka niya tuluyang binitbit ang maletang naka-impake rito. Napanganga lang ako rito habang papalayo ang dalawa. "Ano pa ang ginagawa mo diyan? Huwag mong sabihing gusto mo ring magpabuhat!" Sigaw nito na ikina-iling ko naman rito. Sumunod naman ako sa dalawa. Totoo nga ba itong mga sinasabi niya na uuwe kami ng Probinsiya? Naku! Kapag umuwe kami kasama si Axel. Marami na namang kapit-bahay ang maiinggit kapag nakita nila si Axel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD