ONE NIGHT STAND
SIMULA
Napapalibutan ng maraming bulaklak ang buong paligid. Kay-ganda ng tanawin at tugtugin na nababagay sa dalawang taong nagmamahalan. Habang hinihintay ang pagdating ng kan'yang minamahal ay unti unting nakakaramdam ng panghihinayang ang lalaking nakapormal na kasuotan. Isang video ang kan'yang natanggap mula sa kan'yang nobya.
"I'm sorry, I can't accept your proposal. Mahal kita pero mas mahal ko siya. I won't marry you. I'm sorry."
Isang makapagdamdaming araw para sa kan'ya nang marinig mula sa babaeng minamahal na siyang makapagbabago sa kan'yang katauhan. Gusto niyang maghiganti at iyon ay kan'yang sisimulan sa mga babaeng inosente.
AFTER A MONTHS
"Anak, sinisingil na tayo sa mga nagka-utangan natin. Paano tayo makakabayad nito kung sakto lang para sa atin ang sahod mo? Nanghihinayang talaga ako sa pwesto ko sa palengke. Kung hindi lang ako nagkasakit ay hindi tayo magkaka-ganito. Pasensiya na anak kung naging pabigat na ko sayo." Nangangambang saad ng kan'yang Ina. Tatlong buwan kasi hindi bumalik sa pagtitinda ang Ina ni Frida kaya naman yung pwesto nila ay kinuha ng iba.
"Mama, huwag niyo pong sasabihin 'yan. Mahalaga kayo sa akin ang iyong kalusugan. Okay lang po ako mama at hayaan niyo pong ako ang gagawa ng paraan para mabayaran yang 20k.
Sige po, aalis na po ako." Paalam ni Frida.
"Sige mag-iingat ka anak." Bilin ng kan'yang Ina at tipid na ngumiti si Frida bilang pagtugon.
Pa-alis na ito at papunta na ito sa kan'yang trabaho. Malapit lang naman ito kaya naman. nakarating na agad siya within 10 mins. Sumasakay siya ng tricyckle papunta sa mall ngunit namamahalan siya masyado sa 20 pesos na pamasahe. Kung pwede lang niya ito lakarin kaso hindi pwede dahil sa sobrang igsi ng kan'yang uniporme bilang sales lady sa mall.
Pagkarating niya sa boutique ay naratnan niyang narito na ang kan'yang kaibigang si Helen.
"Oh, bakit ang tamlay mo?" Puna ni Helen kay Frida dahil hindi maipinta ang mukha nito.
"Paano kasi, maagang nagpunta sa bahay yung naniningil sa amin." Malungkot na saad ni Frida.
"Gusto mo bang makaahon sa kahirapan? Try mong maghanap ng sugar daddy." Saad ng kaibigan ni Frida. Nag-aalala kasi si Helen dahil nalaman nitong maraming utang ang kan'yang kaibigan.
Sales lady sila sa isang mall na malapit lang sa kanilang lugar. Walang magawa ang mga ito dahil wala naman maraming customer.
"Afam ang gusto ko. Ayaw ko ng Filipino." Pabirong sagot naman ni Frida.
At dahil sa pagbibiro ni Frida ay agad na naghanap ng Afam si Helen mula sa site. Wala nga silang ginagawa ngayon kaya naman ginawaan ni Helen si Frida ng account sa site na maraming makikilalang Afam.
Matapos niyang gumawa ng account ay naglagay siya ng caption doon sa kan'yang bio.
I NEED SUGAR DADDY. MEET ME NOW.
"Yan, hintayin natin kung may mag-padala ng email sayo." Saad ni Helen na kinakunot ng noo ni Frida.
"Anong email ang sinasabi mo?" Takang tanong ni Frida.
"Yung sugar daddy mo. Wait natin at incoming na siya sa inbox mo."
"Ano? Nasisiraan ka ba? Binibiro lang kita Helen. Bakit mo naman tinotoo. NIMAL ka talaga. Anong sinabi mo roon?" Kinakabahang saad ni Frida. Hindi pa naman siya sanay na makipag-talk sa mga inglesero dahil bobo siya sa English.
Napangiwi si Helen. "Sorry na, akala ko naman kasi seryoso ka. Gusto ko lang naman makatulong eh. Wait lang, edit ko na lang yung caption doon."
Nilabas ni Helen ang phone nito saka nito binuksan ang dating site kung saan doon naka-rehistro ang pangalan niya at larawan ni Frida. Laking gulat na lang ni Helen na bumabaha ang inbox nito dahil sa daming email ang dumating.
"Oh maygad!" Bulalas ni Helen na kinataka naman ni Frida.
"Anong nangyari?" At napatingin na rin si Frida sa hawak na cp ni Helen. Halos gusto nilang makipagkita ngayon kay Frida at ang iba ay hinihingi ang PAYPAL account ni Frida para mapadlhan ito ng pera.
"Shitek! Magpapadala na raw siya ng pera ngayon. Pero payag ka bang makipagkita sa kan'ya ngayon?" Saad ni Helen na may halong pagkaba sa kan'yang dibdib. Hindi kasi ito makapaniwala na magpapadala agad ito ng 2k US dollars.
"Naku SCAM lang 'yan. Huwag kang magpapaloko diyan dahil hindi 'yan totoo." Saad ni Frida habang kinukompute ni Helen kung magkano ang 2k US dollars kapalit ng peso.
" Oh maygad! Ang laki na rin itong 120k plus ha. Jusko! Yayamanin ang AFAM mo." Namamanghang saad ni Helen.
"Naku, maniwala ka diyan. Scam lang 'yan." Giit ni Frida.
"Hey, wala naman masama kung i-try natin. Wait send ko lang PayPal account ko."
Napailing na lang si Frida at kan'yang inabala ang sarili nito sa pag-aayos ng mga paninda nila rito sa boutique. Maya-maya ng konti ay nagsisisigaw na agad si Helen na parang naka-jackpot ito dahil sa tuwa.
Natuwa na rin si Frida nang ipakita ni Helen ang amount na pinadala nito sa kan'yang PayPal account. Mamaya ay ipapalit na nila ito sa palitan ng pera pagka-out nila sa trabaho. Nagpasalamat naman si Helen sa Afam na nagsend sa kan'ya ng pera. Nagtanong na rin si Helen kung may kapalit ito. Pero ang sagot ng Afam ay hindi raw siya naghahangad ng kapalit.
Simula nang makilala ni Frida si Ibrahim ay palagi na silang nagkakausap. Marunong naman magtagalog si Ibrahim kaya hindi na mahihirapan si Frida na magsalita ng English dahil may lahing Pilipino ang kan'yang sugar daddy ngunit nasa ibang bansa ngayon si Ibrahim dahil sa sinasabing marami itong ginagawang trabaho.
Kada buwan ay nagpapadala ng pera si Ibrahim kay Frida. Tuwang tuwa naman ang mama ni Frida dahil unti-unting napapagawa nila ang kanilang nasisirang bahay. Nagagamit din nila ang pera sa pang-araw araw na pangangailangan nila. Nakapagtayo na rin siya ng sari-sari store at nakabili na rin sila ng kalabaw at kambing. Malaking tulong ang mga perang pinapadala sa kan'ya ni Ibrahim at tila umiibig na nga siya rito. Kaya naman naisipan niyang magtanong kung bakit ang bait nito sa kan'ya. Pero ang sagot ni Ibrahim sa kan'ya ay wala lang. Gusto lang niyang makatulong. Kaya naman hindi na namilit pa si Frida sa kan'yang nais na kapalit nito.
Habang lumilipas ang mga buwan ay hindi na pumayag si Frida na hanggang ganito na lang sila na nag-uusap sa online dating site. Inaya ni Frida si Ibrahim na magkita sila dahil may gusto lang aminin si Frida na may nararamdaman siya rito.
Sumagot naman ng oo si Ibrahim at pumayag itong magkita sila. Sa Isang taon na pagchachat nila ay nagtagpo rin sila. May striktong pagmumukha si Ibrahim at tila hindi kayang tumanggap ng anumang pag-aamin sa nararamdaman ni Frida. Ngunit ang pag-amin na minsang sinubukan ni Frida sa pagtatapat ng kan'yang nararamdaman ay tila isang rason para lumayo ang loob ni Ibrahim sa kan'ya.
Ang araw na iyon ay nasaktan si Frida. Dahil sa pagtatapat niya ay nareject siya ni Ibrahim. Ang rason ay parang anak lang ang turing nito kay Frida.
At nang gabing iyon ay nagpakalasing si Frida sa bar at doon din niya natagpuan si Ibrahim sa bar na umiinom din ng alak.
Nagpakalasing si Frida nang gabing ito at habang nagpapakalasing siya ay hindi niya namamalayang akay na siya ni Ibrahim. Kahit lasing si Frida ay alam pa rin niya ang ginagawa sa kan'ya ni Ibrahim. Walang malisya ang bawat hawak nito sa kan'yang balat dahil sa paggalang ni Ibrahim dito ay parang isang anak lamang.
Nagalit si Ibrahim sa paglalasing ni Frida na parang isang ama. Tumatawa lang si Frida at hindi niya na pinansin pa si Ibrahim dahil sa tama ng alak sa kan'ya at nahihilo na rin ito.
Hinatid ni Ibrahim si Frida sa hotel at dito niya ito dinala. Sa yunit 206 ay nadaanan pa nila na may nagkakasiyahan na tila nag-iinuman dahil sa siwang ng pinto. Nasa 208 naman ang yunit ni Frida. At dahil sa tulog na si Frida dala ng kalasingan nito ay doon naman iniwan ni Ibrahim si Frida.
Sa kasarapan ng pagtulog ni Frida, ay bigla siyang nagmulat ng mga mata niya nang naramdaman nitong may humahalik sa kan'ya.
"Sino ka?" Wala sa sariling sambit nito at nakuha pa niya itong tanungin kahit inaantok ang kan'yang diwa na parang isang alapaap lang.
Huminto ang lalaking humahalik sa kan'ya.
"I am your worst nightmare and I will always be." Baritonong boses na anas nito na hindi niya gaanong maaninag ang mukha pero alam niyang may mga tattoo ito sa braso at katawan gaya ng nakita niya kay Ibrahim nang magkita sila. He's wearing white fitted polo na bukas ang ilang mga butones sa suot nito kaya kita niya ang mga tattoo nito. Tipid na ngumiti si Frida rito. Hinayaan na lang ni Frida na halayin siya ng lalaking ito dahil hinihila siya ng matinding antok, hilo at parang pagod na ang kan'yang katawan.
Kinabukasan, nagising si Frida at nakaramdam ng pananakit ng kan'yang katawan. Napatingin siya sa kan'yang katawan na halos wala na siyang anumang saplot sa ilalim ng kumot. Halos Hindi na rin siya makagalaw rito dahil parang nabugbog ang kan'yang katawan. Sobrang hapdi rin ng kan'yang ibabang parte ng katawan nito ngunit pinilit pa rin niyang kumilos para makaalis na rin sa lugar na ito. Hindi inaasahan ni Frida na makukuha lang ang kan'yang iniingatang dangal sa taong hindi naman siya kayang mahalin. Hindi niya alam na da huli ay ito ang kailangan ni to sa kan'ya. He fvcked her kahit lasing siya.
Lumipas ang mahigit isang buwan. "B-Buntis ako." Hindi niya mapigilan ang paghikbi nang makita niya ang resulta sa kan'yang PT. Nagbunga ang gabing panghahalay sa kan'ya ni Ibrahim. Kahit hindi niya ito nakita nang magising siya ay alam niyang siya ang gumalaw sa kan'ya dahil siya ang naghatid sa hotel. Kaya't simula nang iwan siya ni Ibrahim ay nawala na ang koneksiyon nilang dalawa. Simula niyon ay inalis niya na sa kan'yang isipan ang lalaki na ang turing lang sa kan'ya ay isang anak.
Lumipas ang ilang taon, anim na taon na si Liam. Hindi naging hadlang sa kan'ya ang pagiging dalagang ina dahil isa ito sa pinaka-magandang blessing na kan'yang natanggap nang dumating sa buhay niya ang kan'yang anak.
"Mama, excited na po ako magpunta ng Maynila. Salamat po mama at isasama niyo po ako sa pag-alis niyo," sabay hilig ng kan'yang ulo sa braso ng kan'yang Ina.
Nag-iimpake na ang mga ito ng kanilang mga gamit na dadalhin nila sa Maynila.
Hinagkan naman ni Frida ng yakap ang kan'yang anak. "Siyempre naman baby, hindi ka naman pwedeng iwan dito ni mama dahil mamimiss ka niya eh." Sabay gulo ng buhok nito.
Ngumiti lang si Liam at tila may iniisip. Malakas pa naman ang ulan ngayon kaya naman masarap na naman ang tulog nito.
"Frida, nariyan si Helen. Gusto ka raw niyang makausap." Tawag ng kan'yang Ina.
"Sige inay, susunod na po." Sagot ni Frida. " Anak, matulog ka na okay. Ako na ang mag-aayos ng mga gamit mo. Kausapin ko lang si ninang Helen mo."
"Sige po mama. Goodnight po," sabay halik ni Liam sa pisngi ng kan'yang mama.
"Goodnight baby. Huwag kakalimutan magdasal bago matulog ha." Paalala nito nang magtungo si Liam sa kan'yang kama na halos cars ang tema nito.
"Yes mama," sagot ni Liam at nag-umpisa na rin itong magdasal.
Patungo naman si Frida sa sala. Ngumiti agad si Helen nang magkita sila.
"Gabing Gabi na ha. Ano ang nagdala sayo rito at narito ka?" Takang sabi ni Frida dahil alas otso na rin nga gabi at umuulan pa. Tinabihan niya ng upo si Helen.
"Eh kasi, may tsismis akong nasagap sa social media. Si daddy Ibrahim mo, narito ulit siya sa Pilipinas. Grabe, hindi ko inaakalang siya ang nagmamay-ari ng pinakamalaking bangko rito sa Pilipinas at yung Ibrahim Hermes Corporation. Sa kan'ya rin 'yon. Jusko! He is a billionaire!" Nanlalaking saad ni Helen.
"Eh ano naman paki ko sa sugar daddy mo! Pwede ba, huwag na natin siyang pag-usapan." Nanggagalaiting saad ni Frida.
"Naku! What if na magkita kayo ulit sa Maynila? Malay mo, tanggapin ka na niya dahil may anak na kayong dalawa."
"Helen please! Ayaw ko ng mapag-usapan 'yan. Tapos na sa amin ni Ibrahim. Walang love na namagitan sa aming dalawa dahil anak lamang ang turing niya sa akin. Ako lang ang nagmamahal sa kan'ya at hindi niya iyon matanggap. At sa oras na magtagpo ang aming landas, ituturing ko na lamang siyang isang alaala bilang isang ama." Saad ni Frida dahil wala na siyang anumang nararamdaman dito kahit siya pa ang ama ng kan'yang anak.