TENSYON

1722 Words
"Yehey!" Tuwang saad ni Liam. Mula sa tapat ng mansyon ay nagtatatalon sa tuwa si Liam nang marating nila ang sinasabing pagtatrabahuan ni Frida. Hinatid sila ng isang pick up van galing agency na pinag-aplayan niya. Noong isang araw pa dapat sila nakaluwas kung hindi lang umulan ng malakas. Gustuhin man sana ni Frida na huwag isama ang kan'yang anak ngunit natatakot siya at baka tumakas lang ito sa kan'yang Lola. Anim na taon na si Liam ay hindi naging sakit sa ulo ang kan'yang anak. Mabait, masunurin at higit sa lahat ay sobrang guwapo ng kan'yang anak. Tipid siyang ngumiti rito habang tinitigan ang kanyang anak dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ito naghahanap ng ama. Nagpapasalamat na rin siya dahil hindi naging pabigat ang anak nito dahil nakakatulong na ito sa pang-araw araw nilang gastusin. Maabilidad ang bata kung tutuusin ay mas daig pa nito ang matatanda. Marunong sa diskarte sa buhay at naitatawid pa rin nila ang kahirapan kahit gaano pa kahirap ang kanilang kinakaharap. "Oh paano Frida, handa ka na ba sa unang trabaho mo? Alam kong magugustuhan ka ng mgiging amo mo. At dapat, sa pagluluto ka lang naka-focus at hindi sa ibang gawain." Saad ng babaeng naghatid sa kan'ya galing agency. "Oo naman, pero natatakot ako at baka hindi nila kayang tanggapin ang aking anak." Mahinang saad ni Frida. "Hindi 'yan... Ang pagkakaalam ko ay mahilig sa mga bata ang Lola ng amo mo. Saka isa pa, mabait naman ang anak mo." Sabay tingin ni Frida sa kan'yang anak na ngayon ay kinakausap niya na ang dalawang mga guard. "Liam," tawag ni Frida sa kan'yang anak. Tumingin naman ang kan'yang anak na kinangiti niya. Sobrang pogi niyang tignan sa suot nitong blue hoodie jacket at naka sombrero pa ito na kulay puti. Nakakadagdag guwapo pa sana kung suot niya ang black shade nito. "Anak, inunahan mo naman si tita Jacky mo." Tanong nito pagkalapit nilang dalawa at dinig naman iyon ng dalawang guards. "Okay lang Miss beautiful," saad ng guard na kinatawa ni Jacky. Napanguso naman ang kan'yang anak samantalang si Frida ay napakeme lang. "Hoy, umayos kayong dalawa ha. Bawal ligawan si Frida rito. Bawal ang magkakagusto sa kan'ya dahil mahirap na at baka matanggal siya sa kan'yang trabaho. Kaya kung may balak kayong ligawan siya, huwag sa single mom. May anak siyang binubuhay at kayo itigil niyo na ang pagnanasang 'yan." Turan ni Jacky. "Handa naman kami ni Lito na magpaka-ama sa bata kung papayag siya." Saad ni Albert. "Mama, pasok na po tayo sa loob." Saad ni Liam at hawak na nito ang kamay ng kan'yang mama saka niya hinilang papasok sa loob. Dinaanan lamang nila ang dalawang guard habang si Jackie naman ay sumunod na rin ito na hindi na pinapansin ang mga guards. "You may sit," ani ng matandang nasa 60's. Nasa loob sila ng opisina nito habang nanginginig naman sa nerbiyos si Frida. Ang akala niya ay hindi na siya iinterviewhin dito pero may final interview pa pala rito sa loob ng opisina ng mansyon. "Hello po," nanginginig na saad ni Frida habang nakangiti ang mga labi nito. Kinakabahan siya dahil first time niyang ma-interview ng ganito. "Pinatawag kita rito dahil may nais lang akong ipaalala sayo. This is not about your Bio data. This is about your job." "Okay po Senyora." Nanginginig na sagot ni Frida. Hindi ba niya alam kung bakit sobrang kaba niya ngayon. Kahit hindi naman lalaki ang kausap niya ay kinakabahan pa rin ito. "Well, ako nga pala ang magiging amo mo. Ako si Eleanor Collins. Sa akin ka lang dapat naka-focus at hindi sa ibang tao o bagay. Ikaw ang aking naka-assign na tagapag-luto at iyon lang ang gagawin mo. Kung may ipag-uutos sayo ang aking apo. Never mind that. Maraming mga katulong dito na gagawa sa mga nais niyang ipagawa. And please, kung makita mo ang aking apo rito. Don't mind him. Hindi siya ang amo mo. Gaya ng sinabi ko, sa akin ka lang dapat naka-focus. Nagkakaintindihan na ba tayo?" "Yes po Senyora," magalang na sagot ni Frida. "Sige, ipapahatid na kita sa magiging silid mo. At siya nga pala, bukas ka na mag-umpisa sa trabaho mo. Ipahinga mo muna ang katawan mo ngayon at alam kong napagod ka sa biyahe mula pa kanina." Nakangiting saad ni Eleanor na ikinangiti na lamang ni Frida. Nawala ang konting kaba niya nang matapos nilang mag-usap. "Salamat po Senyora." Ngiting sagot ni Frida. "Prising, ihatid mo na siya sa magiging silid ni Frida." Utos ni Senyora Eleonor sa katulong na naghatid kay Frida rito sa opisina. "At ako ay susunod na rin. Mauna na kayo roon at ako ay saglit kong kakausapin ang aking apo." Sabay singhap nito at halata ni Frida na tila isang sakit sa ulo ang kan'yang apo. "Halika na Frida," pag-aya ni Prising kaya naman sumunod si Frida kay Prising. Patungo na sila sa magiging silid ni Frida mula sa quarters maid. Ngunit nahinto na lamang sila nang makarinig sila ng mga ingay na tila nag-aalitan. "Ang anak ko," sambit ni Frida nang makilala ang boses ng kan'yang anak. "Halika, nasa bandang pool ang ingay na 'yon." Na agad naman napatakbo ang dalawa patungo roon sa likuran. At nang marating na nila rito ay hindi alam ni Frida kung ano ang gagawin niya sa anak nito habang may kaalitan na lalaking nakatalikod mula sa kanila. Patakbo naman si Jacky mula sa gawi ni Frida nang makita niya ito. "Frida yung anak mo, nakakipag-sagutan sa apo ni Senyora." Naghihikahos na saad ni Jacky kaya naman napatakbo si Frida mula sa gawi ng dalawang nag-aalitan. "Oh com'on kid. Pay me back what you broke," dinig ni Frida sa lalaking nagsalita. Pinulot niya ang nasirang laruan na barko na ikinailing ni Frida. Nakaramdam siya ng kaba dahil unang araw niya rito ay may nangyari na hindi maganda. "Liam," sambit ni Frida sa kan'yang anak na halos suot na nito ang shade nito. Takang lumingon naman ang lalaking kasagutan ni Liam kanina nang marinig ang boses ng babaeng nagsalita. Nagpang-abot ang mga titig nila sa isa't-isa. Puno ng takot ang naramdaman ni Frida lalo nang makita niya ang lalaking ubod ng guwapo. He has a perfect jawline. Matangos ang ilong, namumula ang mga labi, ang mga mata nito ay matalim kung makatitig na kinadagdag sa kan'yang awra para maakit ang mga babae. Meron din perpektong balbas na bagong ahit lang nito. He is wearing blue polo na kitang kita ang namumutok nitong dibdib na tinernuhan pa nito na khaki short. Natulala si Frida na parang hindi na siya makagalaw sa kinatatayuan niya dahil sa lalim ng pagsasalarawan niya sa lalaking kaharap niya. "Mama," saad ni Liam nang papalapit ito at doon na lamang nagising ang diwa niya nang yakapin siya ng kan'yang anak. Ngunit bigla namang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Axel dahil sa babaeng Ina ng bata. "What are you doing here in my territory?" Mapangahas na saad ni Axel. "Liam, halika na. Umalis na tayo rito." Pag-aya ni Frida na kinatingin nila Jacky at Prising. "Did I tell you leave? What about the stuff he broke? Mahalaga ang bagay na ito sa akin." Na kinahinto nilang dalawa. Hinarap ni Frida ang lalaki at ngumisi ito. "Mas importante ang anak ko kaysa sa bagay na nasira niya. Hayaan mo, pagtatrabahuan ko ito para mabayaran ka." Singhal ni Frida na kinaigting ng panga ni Axel dahil sa pagsagot nito sa kan'ya. "Mama, nag-sorry po ako sa kan'ya but he refuse my sorry. Hindi raw po siya marunong tumanggap ng sorry, he said." Sumbong ng kan'yang anak. Mapangahas na tumingin si Frida kay Axel. "Totoo ba ang sinabi ng anak ko? Nag-sorry na pala siya sayo. Pero bakit ganun ang inasal mo sa bata? Mas may isip pa pala ang anak ko kaysa sa katulad mo na mas may edad." Singhal nito habang awat siya ng dalawa na sina Jacky at Prising. "Tama na Frida. Huwag mo siyang awayin. Siya ang apo ni Senyora." Saad ni Jacky habang nanginginig sa takot. "And so? You are the same, right? Ikaw Ang Ina na dapat binabantayan mo siya. Don't let your son interfere with things that don't belong to him. What brings you here? Are you spying me or narito ka para pagnakawan ang kainosentehan ni Lola?" Na halos lumaki ang mga butas ng ilong ni Frida dahil sa pang-babastos nito sa kan'ya. Umiling si Frida. "Sabihin mo na ang gusto mong sabihin. Dahil ni isa ay walang tumutugma dahil sa maling akala mo." "At gusto mong paniwalaan kita?" Nang-iinis na saad ni Axel. Gustong maiyak ni Frida dahil sa mali maling impormasyon nito. Puro panghuhusga ang sinasabi nito na kailanman ay hindi niya iyon kayang gawin "Paniwalaan mo na ang gusto mong paniwalaan. And please, huwag mo na ko kakausapin pa. Kailanman ay hindi ko hinangad na makita ka rito. Narito lang ako para magtrabaho at huwag mong hangarin na ikaw ang ipinunta ko rito. Kung alam ko lang na makikilala kita rito, nagsisisi akong dito pa ko dinala para magtrabaho. Hindi ko aabalahin o ipagpipilitan ang sarili ko na pumunta rito para lang sa lalaking katulad mo. Huwag ka ng umasa na magugustuhan pa kita." Hinanakit na saad ni Frida at hindi niya alam kung saan siya humugot ng lakas ng loob para sabihin 'yon. Ngumising nakakaloko ito. "Tsk! Huwag ka ring umasa na magugustuhan kita. You are not my type." Hindi na nakapag-salita pa si Frida dahil tuluyang umalis na ang mga ito. Pa-alis na sana ang mag-ina nang pigilan sila ni Senyora Eleonor "Anong nangyayari rito?" Naguguluhang saad ni Senyora nang makita niyang bitbit ni Frida ang kanilang mga gamit. Nagtataka ito kung bakit nag-aaway ang dalawa dahil kanina pa ito nakikinig. "Walang aalis dito Frida. Nag-usap na tayo kanina na sa akin ka lang mag-focus at hindi sa apo ko? At Ikaw Axel, huwag mong pakikialaman si Frida. I hired her to cook my dishes. What's going on? Bakit kayo nagkakasagutang dalawa? Magkakilala ba kayong dalawa?" Tanong ng Lola ni Axel. Nag-igting lamang ang panga ni Axel habang nakatingin sa bata. Iniisip niyang hindi na sila magkakasundo nito. "I'm gonna go Lola. I have an important meeting today," paalam ni Axel saka ito tuluyang umalis na dapat ay kanina pa ito nakaalis kung hindi lang naabala ng bata ang kan'yang oras.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD