FRIDA POV.
"MAMA, bakit ang sexy po ng suot niyo?" Takang tanong ng aking anak.
Ako rin ay hindi ko alam kung bakit ganito ang binigay na uniporme sa akin ni Senyora Eleonor. Nabasa kasi ni Senyora sa Bio data ko na isa akong sales lady rati kaya naman ganito rin ang pinasuot niya sa akin. But okay lang dahil kering keri ko naman at nasanay na ko.
"Anak, hayaan mo na. Ang mahalaga ay may trabaho na ako. At isa pa ay dito lang naman sa loob ng mansyon ang pagsusuot ko ng ganito. Sanay na rin ako magsuot ng ganito dahil isa akong sales lady noong kapanahunang dalaga pa ko." Paliwanag ko.
"Wow, parang sa mall mama? Parang nagtatrabaho ka na rin sa hotel mama." Na biglang may sumagi sa aking isipan. Doon nangyari ang isang bagay na hindi ko malilimutan sa tanang buhay ko. Pero nagpapasalamat pa rin ako dahil dumating sa buhay ko si Liam.
"Oo anak," sabay tango ko. "Oh siya, dumito ka muna ha. Kung naiinip ka. Magbasa ka lang diyan o kaya magsulat. Nariyan yung pangdrawing mo at may crayons na rin diyan. Tignan mo na lang sa cabinet. Yung mga bilin ko ha huwag mong kakalimutan. Kung gusto mo kong puntahan nasa kitchen lang ako. Huwag kang pupunta kung saan saan lalo na sa pool. Huwag mong susubukang maligo roon dahil malalim 'yon. Malulunod ka lang doon. Hindi ka pa naman marunong lumangoy." Bilin ko sa aking anak bago pa ko tumungo sa mansyon. Narito kasi sa likod ang quarters maid at malapit lang ang pool rito kaya sinasabi ko na sa aking anak para paalalahanan siya.
"Sige po mama. 6:30 na po, go ka na po sa kitchen. Ako na po ang bahala rito." Saka nito tinungo ang cabinet kung saan nakatago roon ang mga gamit niyang pang-drawing.
Tipid na ngumiti lang ako rito dahil napaka-masunurin ng aking anak. Ako naman ay iniwan na siya at patungo na rin ako sa kitchen para magluto.
Pagkarating ko rito ay ngiting bumungad sa akin si Prising.
"Magandang umaga sayo Frida? Grabe naman yang suot mo. Napaka-seksi mo naman." Puna nito sa akin habang naghahanda na rin siya ng pang-umagahan at ako naman ay maghahanda na rin sa aking lulutuin.
"Oo nga eh. Hayaan mo na, kay senyora lang naman ako magtatrabaho. At okay lang na ganito ang suot ko dahil sanay na ko." Saad ko.
"Ano ba ang work mo dati?" Tanong nito sa akin.
"Isa akong sales lady noon sa mall. Mas maigisi pa nga ang suot ko roon eh kaysa rito."
"Pero bakit kailangan pang may slit ang suot mong palda?" Halos fitted na sayo niyan ha. Mabuti at hindi tuluyang mabiyak ang palda mo." Puna pa nito.
Oo nga noh! Napansin ko rin naman ito. Pero okay lang dahil dito lang naman ako sa loob ng mansyon. Mas marami pa ngang tao roon kaysa rito.
"Hindi 'yan. Matibay naman siguro itong tela." Sagot ko. "Ano ba ang niluluto mo ngayon?" Tanong ko rito.
"Ahmm... Itong breakfast ni sir Hugo. Mahilig iyon sa steamed vegetables. Tapos mamaya ay ipagpriprito ko siya ng itlog at ham. Minsan ay hindi naman niya inuubos ang mga niluluto ko. Ewan ko ba, parang hindi siya nasarapan sa mga luto ko."
"Hugo? Sinong Hugo?'" Takang tanong ko rito.
"Ahmm... Si sir Axel. Dalawa pangalan niyon eh. Axel, pangalan mula sa daddy niyang si Sir Alexander at yung Hugo ay pinangalan naman ng mommy niya. Kaya iyon Axel Hugo Dawnson ang buong pangalan niya." Paliwanag ni Prising.
"Ohws... Nasaan naman ang mga magulang niya?" Tanong ko.
"Naroon sila sa ibang bansa. Marami silang business doon at si sir ang nag-iisang anak nila. Hindi ko ba alam kung bakit dito siya nakatira sa Lola niya. Hindi mo ba alam? Single pa rin si sir hanggang ngayon." Kinikilig na saad nito.
Napangiwi ako rito. Ano naman ngayon kung single siya? Wala akong pakialam sa kan'ya dahil napakayabang niya. Sobra siyang mapangahas. Pati bata ay gusto niyang patulan.
"Wala ba siyang gf?" Tanong ko dahil wala naman akong ibang katanungan tungkol sa kan'ya. Hindi ko rin alam kung bakit tinanong ko pa ito eh.
Pigik itong natawa. "Marami siyang gf. Pero sakit lang siya sa ulo ng kan'yang mga magulang. Sa edad niyang 34 ay wala pa itong pinapapakilalang gf kay Lola. Ni wala pang inuuweng babae rito eh. Eh Ikaw, nasaan ang ama ng bata? Bakit parang inabandona kayo?" Balik na tanong nito sa akin.
Suminghap ako rito. "Sasabihin ko sayo ito pero ipangako mong huwag mong ipagsasabi sa iba."
"Sure naman. Maaasahan mo ko. Safe ang sikreto mo sa akin."
"Sige.." At ako'y huminga ng malalim. "Twenty years old ako noon nang mabuo si Liam dahil sa one night stand ko sa sugar daddy ko na nakilala ko lang sa dating site." Saad ko rito na tila may ibang nakikinig dito sa ingay na galing dito sa kusina.
Bigla kaming natahimik ni Prising dahil sa gulat naming pareho. Narito si Axel Hugo na hindi namin napapansin ang pag-parito niya. Dumadagundong sa kaba ang aking dibdib nang tumingin siya sa akin kaya naman inabala ko agad ang sarili ko sa pagluluto at hindi siya pinansin.
"Good morning sir. Gusto niyo po ba ng kape?" Tanong ni Prising sa amo niya na nabasag ng katahimikan. Hindi ko naman siya amo kaya hindi ko na siya binati dahil si Senyora lang amo ko rito
"Kape, ipagtimpla mo ko ng kape." Utos ni Hugo sa kan'ya.
"Sige sir, ihahatid ko na lang sa terrace." Sabi ni Prising na naghahanda na itong magtimpla ng kape.
"No, I like it here." Sagot niya na parang natameme si Prising ako naman ay pakiramdam ko ay hindi makakilos. Feeling ko kasi na nakatingin siya sa akin. Hay naku! Huwag mo na lang siyang isipin dahil hindi ka naman niya type. Sa loob loob ko.
"Okay sir," sagot ni Prising.
Habang abala ako rito sa pagluluto ay bigla siyang sumipol. Parang nangilabot ang aking katawan sa pagsipol niya. Kinakabahan na ko rito at hindi ko alam kung saan galing ang pagsipol niya. Tiningnan ko siya sa gilid ng aking kaliwang mata. Saktong nahuli niya kong sumulyap sa kan'ya.
"I like your outfit dress. Nice," sabay irap ko naman sa kan'ya. Sabi ko na nga ba na ako ang sinisipolan ng manyak na ito. Hindi ko siya pinansin kaya naman nagsalita ito. "Anyway, bagay mo but I don't like petite!" Pang-aasar niya rito na tila lumaki na naman ang mga butas ng aking ilong.
Hold on Frida. Huwag mo siyang pansinin. Sayang ang 50k kada buwan kaya huwag mo siyang papansinin. Alam kong inaasar lang niya ko para lang inisin. Pwes! Kung balak niya kong inisin at asarin para mapatalsik dito. Hinding hindi ako susuko.
Pekeng ngumiti lang ako sa kan'ya. "Salamat sa magandang komento mo. Masaya ako at napapansin niyo pa rin ang kagandahan ko." Sabay flip ko ng aking hair kahit nakasuot ako ng hairnet.
"Tsk!" Singhal nito na parang nainis siya sa sinabi ko. Hindi na ito nagsalita pa dahil humihigop na siya ng kape. Ako naman ay tapos na rin magluto. Ipreprepare ko na lang yung pagkain ni Senyora sa tray at nang matapos ko na itong iprepare ay binitbit ni na ang tray. Idadala ko ito sa labas dahil doon mag-uumagahan si Senyora. Hindi kasi sabay kumain ang dalawa dahil need kasi ni Senyora na uminom ng gamot kaya nauuna itong kumain.
Krek!!
Nanlaki ang mga mata ko nang marinig kong tila napunit ang aking slit ng palda nang lagpasan ko si Axel. Tipid itong natawa sa akin na tila nang-aasar pa ito.
"See, I told you na bagay talaga sayo 'yan," Ani niya habang nakasunod siya sa akin.
"Axel, kung wala kang magawa ha. Pwede bang mamaya mo ako asarin. Nagtatrabaho ako," saad ko.
"Okay, may masama ba sa sinabi ko? If you don't want to talk to me. Ignore me... That's it!" Sagot niya kaya naman ang ginawa ko ay inignore ko siya. Hanggang sa marating ko ang gazebo ay dito ko na inilapag ang tray na hawak ko.
"Good morning Senyora," bati ko rito. Tipid siyang ngumiti.
"Good morning." Segundang sagot nito. "Oh... What happened?" Tanong niya sa aking palda. Nakita siguro niya ito kaya ito nagtanong.
"Senyora nasira po. Hayaan niyo po at tarahiin ko po ito mamaya."
"No, papalitan natin 'yan ng bago. I'm sorry kung hindi gaanong fit sayo ang uniporme na yan. Gamit pa yan ng dati kong taga-luto. But bago pa 'yan dahil hindi naman niya gaanong nagamit dahil isang araw lang ang itinagal niya rito. Hay naku!" Sabay singhap niya na kinailing nito. "My grandson, ewan ko kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa ito nag-aasawa. He's 34, at kahit anong gawin kong pamimilit sa kan'ya na mag-asawa na siya ay siya naman ang may ayaw." Na tila stress na siya sa kan'yang apo.
Gusto ko sanang tanungin kung bakit stress siya sa apo nito pero huwag na dahil wala akong pakialam sa kan'ya. Ano siya VIP?
"Hmmm. .. Ang sarap ng luto mo ha. I like it," saad nit Senyora na nagpagaan sa aking loob.
"Thank you po Senyora." Nakangiting sabi ko at ngayon lang ako nakarinig ng paghanga mula sa ibang tao.
"Nasaan ba ang anak mo? Gusto ko siyang makilala."
"Nasa silid po, nagguguhit ng larawan. Doon po siya mahilig at minsan po ay nagbabasa ito ng libro." Sagot ko.
"Wow, very interesting to know about your son. Nasaan ang kan'yang ama?" Napalunok ako sa sarili kong laway dahil kinakabahan ako kung ano ang isasagot ko sa kan'ya. Ayaw ko naman sabihin na nabuo ang bata sa lalaking sugar daddy ko noon. No, hindi ko sasabihin 'yon kay Senyora dahil ayaw kong masira ang kinabukasan ng aking anak.
Kahapon kasi ay hindi na nakilala ni Senyora ang aking anak dahil nakatulog din agad kahapon si Liam nang makita niya ang aming silid at ngayon ay ayaw na nitong lumabas. Sabi kasi niya sa akin kahapon ay baka hindi niya matansiya si Axel kung ako raw ay babastusin niya.
Tumingin sa akin si Senyora na alam kong kanina pa ito naghihintay ng sagot. Hindi pala dapat ako magsinungaling dahil nasabi ko na rin ito kay Prising kanina at hindi ko rin alam kung narinig ba iyon ni Axel. Isang sekreto lang kasi iyon dahil ayaw ko naman magtanong sa akin si Liam pagdating ng araw.