THIRD POV.
"Oh maygad! What time is it? Almost 10 pm na Axel Hugo! Hindi ka pa umuuwe sa Lola mo. Lagi mo na lang siyang binibigyan ng problema. Hindi na ko papayag na hanggang gan'yan na lang ang pagiging buhay binata mo. Pagdating namin ng Pilipinas ng dad mo. Papakasalan mo na si Michelle!" Galit na saad ng kan'yang mommy.
Kararating lang ni Axel Hugo rito sa mansyon nang tumawag ang kan'yang mommy ay halos puro pagsesermon ang narinig niya rito. Galing siya sa bar at heto ay lasing na naman. Nagka-ayayaan sila kasama ang mga kaibigan niya dahil may isa na naman silang gustong targetin. Ngunit wala ni isa ang kanilang nahuli. Titigil lang siya sa kan'yang ginagawa kung sawa na siya sa pagiging binata.
"Mom, I don't wanna marry her. Kapag ginawa niyo 'yan. I kill myself." Pananakot ni Axel na tila hindi takot mamatay.
"What? Nababaliw ka na ba? Axel look anak. Mahal na mahal ka namin ng dad mo. Don't do that okay. Alam kong hanggang ngayon ay hindi mo pa rin makalimutan ang nangyari sayo. Alam kong iyon ang naging dahilan para maging gan'yan ka. Okay, Hindi ko na ipipilit si Michelle sayo. Pero please, gusto ko lang malagay sa tahimik ang buhay mo. Gusto kong makita na may pamilya kang uuwian."
"Mom, gusto mo lang magka-apo. Don't worry, I have." Pabirong saad ni Axel at bahala na kung gustong paniwalaan iyon ng kan'yang mommy.
Tipid na natawa ang mommy niya. "Son, alam na alam mo na talaga ang gusto ko. Make sure na may apo ako na ko riyan. Pero kung wala, ako ang gagawa ng paraan para magka-apo. Uuwe na si Michelle diyan next week kasama ang Uncle mo. Matutuwa si Michelle kapag nakita ka niya. Lagi kitang kinukwento sa kan'ya. You know what, excited na siya to meet you." Natutuwang saad ng kan'yang mommy.
"Mom, I'm not interested to her. I'm gonna kill myself first before she meet me. Goodnight!" Na halos natulala ang kan'yang mommy mula sa kabilang linya.
Kinabahan ang mommy niya nang nawala ang linya sa kabilang linya. She felt terrified dahil iyon kayang gawin ni Axel.
Patungo naman si Axel sa pool. Habang naglalakd ito ay isa isa niyang tinatanggal ang mga saplot sa katawan nito. Tanging boxer short lang ang tinira nito. Tumalon siya sa tubig. Nagsanhi ito ng ingay. Nangunot naman ang noo ni Frida dahil gising pa naman ito sa oras na ito. Abala kasi siya pagchahat nila ni Helen. Tumayo siya at nakuryos sa na narinig niya mula sa pool. Alam niyang may tumalon sa tubig. Rinig niya iyon dahil bukas ang sliding window. Sumilip siya sa bintana. At dahil sa liwanag ng paligid ay kitang kita niyang may lumulutang sa tubig. Kinabahan siya gawa ng hindi na ito umaahon at halos lumulutang lang ito sa tubig. Lumabas siya mula sa quarters maid. Tumakbo siya patungo sa pool. Nakita niya si Axel na lumulutang na sa tubig. May ilang minuto na itong nakalipas kaya naman kinabahan siya at baka nalunod na ito. Tumalon siya sa tubig at kan'yang nilangoy patungo sa lumulutang na katawan.
"Axel!" Tawag ni Frida. Kinabahan siya dahil wala itong tugon. Hindi pa rin ito gumagalaw kaya naman tinulungan niya na itong maiahon sa tubig. Hindi pa man sila nakakalayo sa tubig ay biglang umungol si Axel. Tila may kung anong galak na naramdaman si Frida. Ang akala niya ay patay na ito dahil nakapikit na ang mga mata. Nagulat na lamang si Frida nang magmulat ng mga mata si Axel. Mas lalong kumabog sa kaba ang dibdib ni Frida habang nagtitigan sila. Unang umiwas ng tingin si Frida nang pumaibaba ang tingin ni Axel. "I'm sorry, ang akala ko ay nalulunod ka." Hinging paumanhin ni Frida.
"Bakit mo ito ginawa? Bakit kailangan mong gawin ito sa akin? Ano ba ang pakialam mo sa ginagawa ko? Can you please! Leave me alone!" Nanggagalaiting saad ni Axel na ikinailing ni Frida.
"Sensiya na. Concern lang ako sayo. Ang akala ko kasi nalulunod ka eh. Masama ba na gusto lang kitang tulungan? Bakit mo ba kasi ito ginagawa sa sarili mo? Bakit gusto mong sayangin ang buhay mo? Anong rason bakit mo ito ginagawa?"
"Wala kang pakialam sa buhay ko Frida. Pakialaman mo ang buhay mo. Huwag ako!" Singhal nito.
Napanguso lang si Frida dahil hindi talaga niya kayang tumanggap ng anumang pagmamalasakit sa kan'ya. Alam ni Frida na sa unang kita pa lang niya kay Axel ay hindi na talaga ito matinong tao. Ang minsang pagkatahimik ni Axel ay nakikita niyang hindi ito masaya sa kan'yang buhay. Anong nangyari sa kan'yang amo? Ano nga ba ang rason kung bakit ayaw nitong mag-asawa na iyon ang pinag-usapan nila kanina ni Senyora Eleonor.
"Sorry na, umahon ka na sa tubig." Nanginginig na saad ni Frida dahil giniginaw na siya sa lamig ng tubig. Halata ni Axel na parang giniginaw na ito.
"Ikaw ang umahon. Giniginaw ka na." Napayakap na lang siya sa sariling katawan si Frida nang maalala nitong wala pala itong suot na bra. Kaya pala kanina pa nakatitig si Axel sa kan'ya dahil sa bumakat sa damit niya ang n*pples nito.
Umiling lang si Axel at nakaramdam ng inis kaya naman umahon na siya sa tubig. Sumunod naman si Frida sa kan'ya at umahon na rin ito. Pinapanood lang ni Frida si Axel. Ang akala niya ay papasok na ito sa mansyon ngunit hindi pa pala dahil naupo lang ito sa gilid ng pool. Kumunot ang noo ni Frida dahil nag-iisip na naman siya. Habang tinitignan niya ang lalaking ito ay biglang may pumasok sa kan'yang isipan. Ang mga tattoo niya sa braso at katawan nito ay may pagkakahalintulad sa lalaking naka-one night niya gaya ng kay Ibrahim. Pero hindi, dahil marami naman siyang nakikitang may mga tattoo sa katawan at hindi lang siya. May tatoo rin si Ibrahim kaya imposible naman isipin ni Frida na siya ang lalaking 'yon. Napansin ni Axel na tila nakatitig sa kan'ya si Frida kaya naman ito lumingon. Salubong ang mga kilay niya kaya naman namula agad ang pisngi ni Frida dahil nahuli siya nito.
"Why are you staring at me?" Saad nito sa malamig niyang boses.
Umiling si Frida habang yakap ang katawan nito. "Wala, pumasok ka na sa loob at matulog ka na." Anas nito na parang asawa
"Sino ka para utusan ako? Are you my wife to command me like this?"
"Hindi naman sa ganun. Nag-aalala lang ako sayo dahil baka tuluyan mong lunurin ang sarili mo. Pero kung gusto mong magpakamatay. Bahala ka sa buhay mo. Buhay mo naman 'yan eh." Iritang saad nito Frida saka ito nag-walk out.
Naningkit ang mga mata ni Axel habang pinapanood niya ang papalayong likod ni Frida. Napangisi siya sabay iling nito dahil sa katambukan ng p'wet ni Frida.
Frida has a sexy body. Its height is 5 and 4 inches. Her waistline is 24 and her boobs are size 36. Iyon ang pagsasalarawan ni Axel sa babaeng petite na sinasabi niya. Nasabi lang iyon ni Axel dahil sa height nitong 6'2. Maliit para sa kan'ya si Frida but Frida is a beautiful woman.
Nangunot ang noo ni Axel nang maalala niya ang kan'yang dating kasintahan. Pinagpalit siya sa lalaking mas guwapo sa kan'ya. Niloko lang siya ng kan'yang dating kasintahan. At dahil sa karanasan niyang iyon ay binago niya ang sarili niya. Isa na siyang matatawag na BADBOY. Guwapong guwapo na siya ngayon at mas guwapo na siya sa lalaking pinalit sa kan'ya ng kan'yang kasintahan. Ito ang dahilan kaya naman hindi pa nag-aasawa si Axel. Gusto niya munang paglaruan ang mga babae. Gusto niya rin itong paiyakin. Gusto rin niyang iparamdam sa mga babae kung ano ang narasan niya noon. Mga simpleng babae ang kan'yang binibiktima. Mga virgin na babae ang kan'yang target. Marami na siyang niloko pero kulang pa iyon at hindi pa rin sapat iyon para sa kan'ya para siya'y tumigil sa kan'yang ginagawa. Masaya siya sa ginagawa niya. Masaya rin siya kung maraming babae ang nahuhumaling sa kan'ya ngayon. Forgiveness is not in his feelings. That's what Axel can't accept in his whole life because he only feels hatred and anger. His life was ruined because of the only woman he loved more.
Kinabukasan, abala si Frida sa pag-aasikaso niya kay Senyora. Kumakain na ito. Nasa tabi lamang niya si Frida.
"Alam mo Frida... Sa totoo lang, gusto kita." Lumapad ang ngiti ni Frida dahil sa paghanga sa kan'ya ni Senyora Leonora.
"Salamat po Senyora," sagot nito.
"I like you with my apo," sabay tingin ni Senyora kay Frida na kinagulat na lamang niya. Nablangko siya sa sinabi nito sa kan'ya at hindi niya alam kung ano ang isasagot niya.
Nahiya naman siya dahil alam niya sa sarili nito na hindi siya yung tipo ni Axel. May anak siya at isa pa single si Axel.
"Senyora, hindi naman po sa tumututol ako sa sinabi niyo. Hindi na po ako pwede at isa pa po may anak na ko." Ang alam kasi ni Senyora Leonora ay patay na ang ama ng bata. Hindi sinabi ni Frida ang totoo ang tungkol sa ama ng bata.
"Well, okay lang yan. Pwede naman siyang maging ama sa anak mo. Hay siya nga pala, hindi ko nakikita ang anak mo mula pa kahapon. Gusto ko siyang makita. Kung nag-asawa na sana si Axel ay may apo na rin sana akong kinakarga ngayon. Ewan ko ba sa apo kong 'yan kung bakit ayaw mag-asawa. Pero hanggang pangarap ko na lang yata na magka-apo. Matanda na rin ako at mabuti na lang malakas pa ko sa edad kong ito."
Si Senyora ay nasa edad 75, na hanggang ngayon ay dinadasal niya na sana ay mag-asawa na ang kan'yang apo na si Axel Hugo.