CURIOSITY

1626 Words
THIRD POV. "Mama, good morning po." Bati ni Liam sa kan'yang Ina na si Frida. Sa apat na araw nila rito sa mansyon ay ngayon lang lumabas ang kan'yang anak mula sa quarters maid. Hindi na kasi nasilayan ni Liam na wala na sa kan'yang tabi ang mama nito kaya naman nagtungo si Liam rito sa kitchen kahit kagigising lang nito. "Good morning din anak. Mukhang inaantok ka pa ha. Gusto mo na bang mag-umagahan?" Ngiting sabi ng kan'yang Ina. "Opo mama... Pagkatapos ko pong kumain pwede po ba ako maglaro sa labas. Promise po, hindi po ako maglilikot." "Oo naman anak, pero iwasan mong magpunta sa pool ha." Paalala ni Frida sa kan'yang anak. Pumayag na rin si Frida na maglaro ito sa labas dahil apat na araw na rin itong hindi lumalabas. Gusto rin naman ni Frida na sumaya ang anak nito dahil hindi naman maganda para sa anak niya ang palaging nagkukulong sa silid. Isa pa, baka maisip niya ang bagay na ayaw niyang mapag-usapan. "Okay, mama..." Sagot ni Liam. Ngumiti lang si Frida bilang pagtugon dahil naghahanda na rin ito nang makakain ng kan'yang anak. Apat na slice bread ang inihanda nito na may palaman na salmon spread with mayonnaise and ham na may gulay na rin itong nakapaloob doon. Simula nang matikman niya ang slice bread na gawa ni Prising ay nagustuhan na iyon ni Liam. Lagi niya itong hinahanap-hanap kaya naman maraming slice bread na ginawa si Frida. "Wow, ang bango po mama. Yummy!" Natutuwang saad ni Liam nang ilapag ni Frida ang slice bread sa kan'yang harapan. "Ubisin mo lahat Yan baby para mabusog ka okay." "Opo mama, uubudin ko po ang lahat ng ito." Sagot ni Liam. Pinagtimpla na rin niya ito ng gatas na tiyak na mabubusog na naman ang kan'yang anak. Napailing na lang si Axel nang makita niya ang mag-ina sa kitchen. Nagtaka ito at ngayon lang niya nakita ang bata rito. Siguro nga natakot ang bata sa kan'ya dahil pinagalitan niya ito noong nasira niya ang boat nito. At sa unang tagpo nilang iyon ay hindi niya inaasahan na pagsalitaan siya na parang mas may isip pa ito sa kan'ya. Nagmukha tuloy siyang walang pinag-aralan dahil sa inasal nito sa bata. "Ahmm sir, kanina pa po nagriring itong phone niyo." Sabi ng katulong mula sa tabi niya. Medyo nagulat si Axel kaya hinila niya ang katulong palayo sa kitchen. Kamuntikan na silang makita ni Frida dahil sa pag-lingon nito. Nakaramdam ng pangamba ang katulong dahil halatang nagulat niya ang amo nito. "Manang, pwede niyo naman akong kalabitin eh." Napakamot ng ulo ang katulong. "Sir sorry po kung nagulat ko kayo." Hinging paumanhin nito kay Axel. Kinuha ni Axel ang kan'yang phone sa katulong at sinagot ang tawag mula sa kaibigan niya. "Yes Primo." Ani ni Axel. "Nagawa ko na yung pinapagawa mo. I'm coming." Sagot nito sa kabilang linya. Siya si Primo, ang kaibigan niya na tumulong sa kan'ya para siya'y magbago. Nagbago siya dahil na rin sa impluwensiya ng kan'yang Tito. "Okay, hihintayin kita sa labas " Sagot ni Axel. Patungo si Axel sa labas upang salubungin si Primo. Pagkarating niya rito ay sakto naman ang kan'yang pagdating. Hinintay pa niya ang pagbaba ni Primo sa sasakyan nito. Pagkalabas nito ay hawak niya na ang pinaayos niyang Tug Boat na nasira ni Liam. Pinaayos niya ito dahil ito ay may sentimental value para sa kan'ya. "Talagang love na love mo ang laruan na ito ha." ani nito nang iabot nito ang laruan kay Axel. "Don't mind me Primo. May pagbibigyan lang ako nito." Seryosong sabi ni Axel habang patungo sila sa loob. "Kanino?" Takang tanong ng kaibigan niya. "Malalaman mo rin." Tipid na sagot ni Axel. Nasa likod na sila ng mansyon. Tinesting muna ito ni Axel sa tubig kung nagana pa. Gumagana pa naman ito kahit 30 years na ang tanda nito. Regalo pa ito ng kan'yang Lolo na namayapa kaya naman hanggang ngayon ay iniingatan pa rin niya ito. Sa bahaging dulo naman ng halamanan, naroon si Liam habang pinag-mamasdan niya ang boat sa pool. Pangarap niyang magkaroon nito kaya naman hindi niya lubos akalain na masisira niya ito. Pero sa pagkakataong iyon na maranasan na makahawak ng totoong ganung klase ng laruan ay kailanman ay hindi niya na pinangarap na magkaroon pa. Pangarap kasi ni Liam na sumakay ng barko at pangarap niyang siya ang magiging kapitan ng barko. Inabala na lang ni Liam na ituloy ang kan'yang ginuguhit na larawan ng barko. Narito lamang siya sa garden gumuguhit habang nanonood siya sa dalawang lalaki mula sa pool. "Wow, nice... Nagana pa rin." Saad ni Primo. "Yeah... I hope na matutuwa siya kapag binigay ko ito sa kan'ya." Saad naman ni Axel habang tinatabi niya ang laruan sa gilid ng pool. Tinawag naman ni Frida si Liam para ipakilala siya kay Senyora. Iniwan muna niya saglit ang drawing book sheet niya sa garden. Pagkasunod ni Liam sa mama niya ay nagtungo naman ang dalawa sa garden. May mga upuan rito kaya naman takang napatingin sila sa book sheet dito na naiwan. May lapis at crayons silang nakita rito. Kinuha iyon ni Axel at binuklat nito isa-isa. Namangha siya sa mga drawing na narito. "Ano 'yan?" Tanong ni Primo dahil natameme lang si Axel sa hawak niyang book sheet. Halos mga iba't ibang klase ng drawing ang narito. Drawing ito ng mag-ina at may nakalagay na caption na (Me and my Mama forever). Napaisip si Axel kung nasaan ba ang ama ng bata. Umiling siya at nakuryos kung bakit walang ama ang bata. Sa pagkakaalam niya ay may naka-one night ito nang marinig niya ang usapan nila ni Prising. Nakuryos siya sa narinig niya. Hindi kaya isa siya sa mga nabiktima ko? Iyon ang pumapasok sa isipan ni Axel ngunit wala siyang maalala na Frida ang pangalan. He taught that the girl she use in hotel was name Kitty. Iyon ang sabi ng kan'yang mga kaibigan. Pero lahat ng mga babaeng binibiktima niya ay kinalimutan niya na. Past is past. "Wow" na halos mamangha si Primo sa mga drawing na narito. "Ang galing at ang husay niyang mag-drawing." Dagdag pa nito na halos walang masabi si Axel sa mga drawing na narito sa book sheet. " Kanino ba 'yan?" "I don't know?" Pero ang nasa isipan ni Axel ay pagmamay-ari ito ng anak ni Frida na si Liam. "Pero ang husay ng pagkakadrawing niya parang si Tito Ibrahim lang." Saad nito at sa pinakahuling drawing nito ay doon na naging emosyonal si Axel dahil sa barkong drinawing nito. Binasa niya ang caption na nakalagay roon. (Dati, pangarap kong maging kapitan ng barko.) Tapos ang sumunod nito ay may sad emoji sa dulo nito. Dating pangarap ito ni Axel na maging kapitan ng barko noon. Gusto niyang maglakbay sa iba't ibang lugar. Pero hindi iyon natupad dahil nasira ang mga pangarap niya nang lokohin siya ni Anika. His first love but hurt him too much. Biglang bumuhos ng malakas na ulan kaya naman pumasok muna sila sa loob. Pagkapasok nila ay nakita nilang dalawa na natataranta si Frida. Nilagpasan lang siya ni Frida na kinataka naman ng dalawa. "Hey, why are you hurry?" Takang tanong ni Axel dito. "Yung anak ko kasi lumabas siya kaya hinahabol ko siya. May kukunin lang daw sa labas. Eh kinakabahan ako dahil umuulan pa ng malakas." Nagkatinginan ang dalawang magkaibigan. "So ito ba ang hinahanap niya?" Tanong ni Axel sa hawak niya. "Oo 'yan nga. Pero yung anak ko. Kailangan kong ipaalam ito sa kan'ya." Nagmamadaling saad ni Frida ngunit pinigilan siya ni Axel. "Ako na ang titingin sa kan'ya." Saad ni Axel kaya naman nagtungo na si Axel sa labas at kan'yang hinanap si Liam kahit bumubuhos pa ito ng malakas ng ulan. Nakasunod lamang si Frida at Primo kay Axel subalit napamura siya nang makita niyang nalulunod na sa pool si Liam. Tinakbo niya ito papuntang pool at tumalon siya sa tubig. "Liam anak!" Napasigaw naman si Frida sa anak niya nang takbuhin niya rin ito sa pool at pati rin siya ay basang basa na rin ng ulan. Nanginginig na ito sa takot dahil sa anak niyang nalulunod sa tubig. Naihaon naman agad ni Axel ang bata. Wala na itong malay kaya naman dinala na lang ni Axel sa lilim upang doon isagawa ang pag CPR. Kita ni Axel kung paano mag-alala si Frida sa kan'yang anak kaya naman ginawa niya ang lahat ng makakaya niya para mailigtas lang ito. "Liam anak, please gumising ka naman," umiiyak na saad ni Frida habang sini-CPR ito ni Axel. Si Senyora naman ay dali daling tinungo ang likod nang malaman niya kay Prising ang nangyari. "What happen to him?" Nag-aalalang tanong ni Senyora habang inalalayan siya ni Prising at baka ito ay madulas. "Lola, nalulunod po siya sa pool," sagot naman ni Primo. "Aba eh ano pa ang ginagawa niyo rito? Dalhin na siya sa hospital." Kinakabahang saad ni Senyora na parang siya pa ang aatakihin sa nerbiyos dahil sa nangyari sa bata. Ilang segundo pa ay narevive rin ni Axel si Liam. Inubo ito habang may inilalabas itong tubig sa bunganga. "He's okay now.." Saad ni Axel saka naman ito umalis at nagtungo sa pool para kuhanin ang boat doon. Sobra ang pag-aalala ni Frida sa anak niya kaya naman napayakap na lang ito habang umiiyak. Kinagabihan, matamlay si Liam nang magising ito. Napatingin siya sa kan'yang mama habang may ginagawa ito. "Mama, ang init po ng mga mata ko." Pagkasabi niyon ni Liam ay agad na lumapit si Frida sa kan'yang anak. Sinapo niya ano noo nito at naramdaman niyang mainit ang kan'yang anak. "Oh no! Nilalagnat ka anak." Na halos mataranta na si Frida dahil wala pa naman siyang gamot dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD