Evil PLAN

1501 Words
THIRD POV. "Anak, sigurado ka bang okay ka lang dito? Mababagot ka king dito ka lang nagkukulong sa silid." Nag-aalalang saad ni Frida. Lumipas ang tatlong araw, magaling na si Liam. Narito lang siya sa sa loob ng silid at hindi lumalabas. Kahit sa ihin ng kan'yang Ina na lumabas ito kahit sa umaga at kahit maghapon na siyang nagkukulong. "Mama, okay lang po ako rito. Iguguhit na lang po kita ng larawan mo mama. Pero bakit po parang lalo kang sumeseksi mama sa suot niyo?" Puna ni Liam. Kahit din si Frida ay hindi rin alam ang kung bakit umiigsi ang kan'yang suot na uniporme. "Ahmm... Okay lang ito anak. Dito lang naman ako sa loob ng mansyon nagtatrabaho. Hindi naman ako pwedeng magsuot dito ng pambahay lang dahil isa akong empleyado rito. Saka isa pa, palaging may mga bisita si Senyora kaya dapat lang na lagi akong nakasuot ng ganitong uniporme. Alam mo naman diba na iba rin ang mga suot ng ibang mga nagtatrabaho rito. Iba rin sa mga guards kaya naka-depende lang sa mga unipormeng suot namin kung ano ang trabaho namin dito." Paliwanag ni Frida. "Pero mama, ang hot at ang seksi niyo po. Hindi po ba kayo mababastos niyan?" Nag-aalalang sabi ni Liam sa kan'yang mama. "Hindi ba't sabi ko sayo na okay lang ito sa akin baby. Wala naman siguro mambabastos sa akin dito. Sige, papasok na ko sa kitchen. Kainin mo na yang breakfast mo okay." "Okay mama," sabay nguso nito. Pansin ni Frida na malungkot ang kan'yang anak kaya naman nag-aalala ito. Alam niya na kung ano ang iniisip nito. Tahimik na umalis si Frida habang kumakain ng almusal si Liam at ngayon ay patungo na siya sa kitchen para magluto ng pang-umagahan ni Senyora Eleonor. Sa pagdaan niya sa pool ay naroon si Axel na naliligo. Nais niya sanang pasalamatan ito dahil sa pagbili niya ng gamot sa dis oras ng gabi pero nahihiya itong maistorbo niya ito sa paglalangoy nito. Nang lagpasan niya ang pool ay doon na naman sumipol ang manyak na apo ni Senyora Eleanor. Nagpipigil lang sa inis si Frida dahil may utang na loob pa ito sa kan'ya. Ayaw naman niyang maging bastos sa kan'ya pero siya naman ang nababastos. "Hi sexy lady," bati ni Axel mula sa pool. Huminto naman si Frida at binigyan niya ito ng pekeng ngiti. "Hmmm ... H-Hello," bati rin nito na muntikan na itong mabulol dahil sa paglunok nito ng laway nang makita niyang naka-ahon na ito sa tubig na naka-brief lang. Kinakabahan siya at baka makita lang sila ni Liam at baka kung ano pa ang isipin ng kan'yang anak at hindi makapag-timpi. Galit siya rito dahil sa pagkalunod niya. Ang paliwanag ng bata kay Frida ay pabaya si Tito Axel dahil sa pag-iwan ng tug boat sa pool kaya naman pinilit niya itong kuhanin na nagsanhi ng pagkahulog sa tubig. Nakita niya kasi ito na tumatama ang tug boat sa semento at nag-aalala ito dahil baka masira ito at pagbintangan na naman siya ang nakasira. "Hmmm .. Lagi kang sumeseksi sa suot mo ngayon ha. Does Lola provide you that kind of uniform o ikaw ang namimili ng unipormeng susuotin mo?" Pang-aasar na tanong ni Axel. Humugot ng malalim na hininga si Frida. Siyempre naiinis na naman ang buong mukha niya sa pang-aasar nito sa kan'ya. "Alam mo, wala ka rin pakialam sa suot ko. Bakit? Makukuha mo ba ang katawan ko? Pwes! Hindi... Manigas ka dahil hanggang tingin ka na lang sa mga legs ko." Asik nito.. "Siya nga pala, salamat sa pagtulong mo kay Liam." Saka niya ito tuluyang iniwan dito sa pool dahil naabala na yung oras niya sa kan'yang trabaho. Napailing lang si Axel habang pinapanood niya ang papalayong likod ng babaeng gusto niyang asarin araw araw. "Ma, who is she?" Tanong ng mommy ni Axel kay Senyora Eleonor habang nakavideo call sila. Narito kasi sa tabi ni Senyora Eleanor si Frida kaya naman kitang kita niya sa kan'yang tabi habang kumain ito. "She's my personal cook. She's Frida," pakilala nito kay Lucy kaya naman simpleng ngumiti ito nang itutuok ni Senyora Eleanor ang camera sa kan'ya. "Hmmm... Why she's wearing that kind of uniform?" At natawa si Senyora. "That's okay for her. Sanay na siya sa gan'yan dahil isa siyang sales lady rati." Paliwanag ni Senyora sa kan'yang anak. "Hmmm... Can I talk you mom without in your side? This is an important matter." Sabi pa nito. "Okay," sagot nito kaya naman inutusan niya sa Frida na umalis na muna ito. Umalis naman si Frida. Babalikan na lang niya ito kapag tapos na itong kumain. Nag-usap ang dalawang mag-ina about kay Frida. Gusto ng anak ni Senyora na makilala pa niya ng lubusan si Frida. Sinabi naman ni Senyora na may anak na ito. Kaya naman Hindi nagdalawang isip ang anak ni Senyora gagamitin niya si Frida para kay Axel. At kung gumana ang kan'yang plano ay paghihiwalayin niya rin silang dalawa. Pero tutol si Senyora sa nais ng kan'yang anak. "Mom, it's just money so she will accept my offer to her." Giit pa ni Lucy. "Lucy, I can't accept this kahit na sabihin mong may anak siya. Paano kung mahulog ang loob ni Axel sa kan'ya? Masasaktan siya sa gagawin mo." Giit pa ni Senyora. "Matagal na siyang nakalimot sa nakaraan kaya huwag mo ng ibalik na siya'y masaktan muli." Pigil ni Senyora sa Plano ng kan'yang anak. "No mom, hindi siya yung tipong babaeng magugustuhan ni Axel. Sa tingin niyo po ba? Magkakagusto ba siya sa isang single mom? I think, wala sa vocabularyo ni Axel ang umibig sa babaeng may anak na. (Na nagalaw na ng ibang lalaki.)" Na ikinailing ni Senyora. "Gawin mo ang gusto mong gawin Lucy. Lubayan mo ang aking apo." Saad ni Senyora. "Mom, you can't do this to me. Alam kong maraming taon na ang nakalipas na hindi mo kayang ipagtapat kay daddy. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam kung legal niya kong anak o hindi. Mom, kung hindi kayo papayag sa gusto ko. Sasabihin ko kay dad na hindi niya ko tunay na anak." "No Lucy! No... Huwag mong gagawin yan sa daddy mo. Ginawa ko lang iyon para gumanda ang buhay niyong lahat. Kapag nalaman niya ito, Paano ang mga ibang kapatid mo sa Probinsiya?" "Mama, mayaman po ang asawa ko. Siya si Erick Dawnson at kabilaan ang kan'yang mga trabaho. Isang bilyonaryo ang asawa ko at kayang kaya kong ibigay ang mga gusto ng kapatid ko. Pero please ma, hayaan mo kong gawin ito sa anak kong si Axel. Siya lang nag-iisang tagapag-mana ng mga ari-arian ng mga Dawnson. Gusto ko lang naman na bumuo na siya ng pamilya. Sinusubukan ko lang tulungan si Axel ma kung may natitira pa bang pag-asa para mag-mahal siya. Pero kung mangyari man iyon na umibig siya kay Frida, naka-depende pa rin kay Frida kung tatanggihan niya si Axel." Turan ni Lucy ang mommy ni Axel. "Hay naku! Huwag kang mag-aalala anak. Pagdating niyo rito, aaminin ko na sa kan'ya ang lahat. I'm sorry for what I did to him." Saad ni Senyora Eleanor. "Mom, next week ay uuwe na po kami. May ime-meet kasi si Erick na kaibigan diyan. Don't tell him na uuwe kami. We want to surprise my son." Saad ni Lucy. "Okay, he's waiting but your plan is not acceptable." "Mom I know that na hindi kayo papayag sa gusto ko. I can handle this situation kung sakaling dumating yung araw na pinakahihintay kong mangyari." "What do you mean Lucy?" Matigas na saad ni Senyora. "I want to stay in the Philippines as long as I want. Gusto kong makita kong paano gugulong ang buhay pag-ibig ng aking anak. I hope na matatanggal niya na ang pagiging babaero niya." Inis na saad ni Lucy dahil last time na nakausap nito ay galing sa bar. Kahit nasa ibang bansa siya ay nakakarating pa rin sa kan'ya kung ano ang mga pinaggagawa ng kan'yang anak. Gusto niya ng matigil na ang gawaing pang-bibiktima ni Axel dahil may nakapag-report na sa pulisya ang mga nangyaring nawawalang mga babae. Ayaw naman ni Lucy na si Axel ang maging lead nila. "Okay, bahala ka. Anak mo naman siya. Pero kung masaktan si Axel dahil diyan sa gagawin mo. Huwag mo sanang sisisihin ang sarili mo." Paalala ni Senyora. "Yes mom... Don't worry, I know what I'm doing." Sabi nito. Matapos nilang mag-usap ay siya naman pagdating ni Frida. Tapos na rin kumain si Senyora. Pansin ni Frida na tila masakit yata ang ulo nito at hindi rin gaanong naubos ang pagkain. " Senyora, madakit po ba ang ulo niyo?" Pag-aalalang tanong ni Frida nang makita niyang hinihilot hilot ang noo. Matamlay na tumingin siya rito. "Hindi naman Frida. Where's your son? Pwede ko ba siyang makausap ngayon?" "Nasa silid po siya. Nag-guguhit. Saglit po at tatawagin ko." Sagot nito at lihim na natuwa si Frida dahil tila nagiging close na rin sila sa isa't-isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD