RUN

1704 Words
THIRD POV. "Mama, hindi ko po kayo maintindihan kung ano ang mga sinasabi niyo. Hayaan niyo po, uuwe rin po ako riyan kapag day off ko at saka na natin pag-usapan ang tungkol diyan." Saad ni Frida. Wala na siyang ginagawa ngayon dahil natapos niya ng pakainin si Senyora Eleonor. "Oh sige anak, hihintayin kita. May pera ka na bang ipapadala ngayon? Kailangan ko kasi magbayad ng kuryente bukas. Eh yung mga pautang ko rito sa tindahan. Tinakbuhan na at hindi na nabayaran. Paubos na rin yung laman ng tindahan ko dahil puro utang. Kapag hindi mo naman pinautangan Ikaw pa ang pagsasabihan ng madamot. Kung hindi lang daw sa ka-chat mo noon. Hindi tayo makakapagpagawa ng bahay." Sumbong ng kan'yang Ina. Ganito palagi ang mga sinasabi ng kanilang kapit-bahay. Kaya Minsan ay bihira na lang lumalabas ng bahay si Frida. Yung kapatid naman niyang babae ay hiyang hiya na rin sa tuwing nadaan ng tindahan. Tambayan ng mga tsismosa. Kung anu-ano raw ang tsismis na kan'yang naririnig tungkol sa kan'yang ate. Na kesyo raw malandi kaya nabuntis at iniwan ng lalaki. Well, Hindi naman nagsisisi si Frida sa nangyari sa kan'ya. Hindi naman niya pwedeng isisi kay Liam kung ano ang mga nagawa niya. Oo, aminin niyang may ka-chat siya noon pero hindi naman iyon ang naging dahilan para isisi ang sarili niya. Nakatulong naman iyon para sa kan'ya at kung tutuusin nga ay hindi naman masarap matulog kapag tinuluan ka ng ulan sa kasarapan ng pag-tulog. Sa tuwing umuulan ng malakas ay natulo ang kanilang bubungan kaya nababasa sila sa loob ng bahay. Kailangan din niyang gawin iyon para mabayaran sa dami ng kanilang mga utang. Kahit pagtsismisan sila ng mga tao ay ni minsan ay hindi sila nakatulong sa kanila kundi puro pagpupuna at paninira sa kapwa ang kanilang ginagawa. At ngayong may malaking tindahan na sila ay sila pa yung utang ng utang. Tapos hindi rin magbabayad sa araw ng paniningil. Palaging sinasabing sa katapusan ng buwan na lang magbayad dahil wala pang sahod. Hanggang sa umabot na ng tatlong buwan ay tuluyan na nilang kinalimutan. Saan pa mapupunta ang tindahan kung mauuwe lang sa pagkalugi ng kanilang negosyo? Nahihirapan tuloy si Aling Emily na patulan ang mga kapit-bahay na tsismosa. Mangilan-ngilan na lang talaga ang matitinong kapit-bahay ngayon at doon palaging stress ang Ina ni Frida. "Ma, sige po. Magpapadala po ako ng 30k ngayon. Itatabi ko po yung 20k para kay Liam. Balak ko pong dito mag-aral si Liam sa susunod na pasukan." Paalam ni Frida. Saka yung 50k na sinahod ni Frida ngayon ay buong binigay ni Senyora Eleonor at nagtataka nga siya kung bakit napaaga ang pag-sahod niya. Mahigit isang linggo pa lang siya rito ay hawak niya na ang tumataginting na 50k. At kung kulang pa daw iyon sa kan'ya ay dadagdagan ni Senyora. Pero Hindi pumayag si Frida dahil nalalakihan na siya sa sahod niya. Feel niya ay parang nagtrabaho siya sa ibang bansa dahil alam niya na katumbas lang sa sahod niya ang sahod ng mga OFW doon. "Wow! Ang laki niyan ha." Tuwang saad ng kan'yang Ina. "Ipadala mo na ngayon 'yan para makapag-grocery na ko at kailangan na rin makabili ng gamot ang kapatid mo. Tatlong araw na siyang nilalagnat eh hanggang ngayon ay hindi pa gumagaling." "Po? Baka po napaliguan na naman niya ang sarili niya habang nireregla?" Takang sabi ni Frida. "Oo, napaliguan niya nga. Sabi ko naman kasi sa kan'ya na huwag maliligo kapag sa unang araw ng regla. Eh hindi makatiis dahil mainit daw." Saad ng kan'yang Ina. Ganito ang nangyayari sa kapatid niya kapag napapaliguan ang sarili niya sa unang araw. "Sige po kayo na ang bahala sa kan'ya. Kailangan ko na rin pong umalis ngayon habang maaga pa. Tatawagan ko na lang po kayo kapag naipadala ko po yung pera." Paalam ni Frida. "Sige, mag-iingat ka." Matapos nilang mag-usap ay agad na umalis si Frida. Naka-fitted short na maong ang suot niya at naka-white fitted t-shirt na may tag na (IM PRETTY SEXY). Hindi na siya nagsuklay ng buhok dahil maayos naman ang buhok niya. Nagpahid na lang siya ng collogne sa leeg nito kahit hindi naman siya amoy mabaho. Wala naman siyang alalahanin kay Liam dahil naroon ito sa silid ni Senyora Eleonor. Natutuwa nga si Frida dahil nakita niyang masaya ito kanina habang naglalaro ng playstation. "Oh, saan ka ba pupunta? Bakit naman ang sexy mo ngayon?" Puna ng guwardiya na si Albert. "Magpapadala ako ng pera kay mama ngayon." Sagot ni Frida. "Aba eh mag-aalas singko na ah. Maabutan ka pa ng closed doon." Sabi ni Albert. "Sa mall na lang ako. May Cebuana naman doon ah." "Mag-gcash ka na lang." Sabi pa ni Albert. "Malaki ang fee kapag sa gcash eh." Sagot ni Frida. "Magkano ba ang ipapadala mo?" Nainis na si Frida dahil ang daming niyang tanong. "Huwag kang tsismoso kuya Albert." Singhal ni Frida kaya naman napakamot ng ulo si Albert habang tinatawanan naman siya ni Lito. Mula sa terrace ng kan'yang silid ay nakita naman niya si Frida na aalis ito. Kanina pa siya naroon pero naiinip na siya kaya naman naisipan na naman niyang asarin ito. Pa-alis na si Frida at naglalakad ito patungo sa may labasan. Nasa subdivision kasi sila kaya naman sa labas na lang siya mag-aabang ng sasakyan. Pagkarating niya sa highway ay agad siyang pumara ng sasakyan. Nakasunod lamang sa kan'ya si Axel habang nakasakay ito sa mamahalin nitong mustang. Kalaunan, narating din ni Frida ang mall. 5:00 na rin at mabuti na lang ay naabutan pa niyang nakabukas ang Cebuana. Pagkababa niya ng sasakyan ay may isang lalaki ang bumangga sa kan'ya. Sa bilis ng pangyayari ay biglang nawala ang sling bag nito. Doon na lamang nagsisisigaw si Frida nang mawala ang kan'yang bag. Humihingi siya ng tulong kaya naman hinabol agad ni Axel ang lalaking nagnakaw ng kan'yang bag. Hinayaan lang ni Axel ang kan'yang sasakyan sa gilid ng kalsada. Hindi naman niya maipasok ang sasakyan sa eskinita dahil masikip na ang pinasukan ng lalaking nagnakaw sa bag ni Frida. Iyak ng iyak si Frida dahil naroon yung 30k na ipapadala niya sa kan'yang Ina. May sakit pa man din ang kan'yang kapatid kaya naman todo ang panghihinayang niya kung sakaling mawala ang perang ipapadala niya sa Probinsiya. Ang gusto sana ni Frida ay mag-aabot na lang siya ng pera kada day off nito. Pero need na kasi nila ngayon ng pera upang may panggastos ang mga ito. Naireport na sa pulisya ang nangyari sa pagnanakaw ng kan'yang bag. Halos natulala si Frida dahil iniisip niya yung pera. Kasalukuyan namang nakikipag-basag bungo si Axel sa taong nagnakaw ng bag ni Frida. Nakuha nga niya ito ngunit dumami naman ang kan'yang mga kalaban. "Sh!t! Sh*t! Sh*t!" Sunod sunod nitong mura dahil may hawak pa itong mga balisong. Nanggagalaiti ang mukha ni Axel sa hindi mabilang na kalaban niya kaya naman napatakbo siya habang hawak ang bag ni Frida. "Run!" Sigaw nilang lahat habang hinahabol nila si Axel. Ang haba pa naman ng pasikot sikot na eskinita at hindi malaman kung saan ang labasan. Tumakbo pa siya ng mas mabilis. Hindi siya kailanman natinag kahit sobrang dami nilang naghahabol sa kan'ya. Nasa mukha pa rin niya ang mabalasik na mukha habang tumatakbo siyang tumatakas. Hindi pwedeng dito siya mamamatay dahil alam niyang hindi pa niya natatagpuan si kamatayan. Ang kasamaan niya ay hindi dapat na matapos sa ganitong paraan kaya naman naisip niya si Frida. Si Frida na pagbubuntungan niya ng galit. "Run! Dito ka na mamamatay!" Sigaw ng mga humahabol sa kan'ya. Ngunit nakarinig agad sila ng tunog ng siren ng pulis patrol kaya naman nahanap agad ni Axel ang labasan. Nakita agad niya si Frida nang bumaba ito ng sasakyan kaya naman agad niya itong nilapitan. Napatiim-bagang si Frida sa ginawa sa kan'ya ni Axel dahil sa paghila nito sa kan'ya. "Ano ba?! Bitawan mo nga ko Axel! Nasasaktan ako." Saad ni Frida habang nagpupumiglas. Patungo silang dalawa sa sasakyang naiwan ni Axel. "I won't do that!" Na mas lalong humigpit ang hawak niya kay Frida at baka makatakas ito. "Bakit nasa iyo ang bag ko? Anong ginagawa mo rito? Sinusundan mo ba ko ha?!" "Will you shut up! I don't want to hear your noise!" Mabalasik na na saad nito dahil naiinis siya sa babaeng maingay. "Oo na!" Hindi na nga umimik si Frida hanggang sa marating nila ang ford mustang ni Axel. Walang habas na tinulak niya si Frida papasok sa loob ng sasakyan. "Ano ba?! Nakakasakit ka na ha. Hindi kita bf o asawa para ganituhin mo ko!" Ngunit nagulat lang siya sa pagsarado ng pinto. Pumaikot sa kabila si Axel at pumasok na rin ito mula sa driver seat. "Akin na yang bag ko. Pwede?" Kinunutan siya ng noo ni Axel. "Yan kasi ang problema sayo eh. Nagsusuot ka ng gan'yan. Narito ka sa Manila Frida. Hindi mo alam kung sino ang mga makakabangga mo rito. Look!" Sabay tawa pa nito. "I'm pretty sexy! Motherf*cker!" Mura pa nito habang inaasar siya ni Frida. "Ano ba ang mali sa suot ko at sa pananamit ko? Meron din namang nagshoshort na pumupunta ng mall ha." Giit ni Frida. "Na naka-tsinelas? Pwede naman siguro sa mga Probinsiya pero rito ay ibahin mo. Manila ito at tignan mo nga ang mga ibang tao kung gaya sayo ang suot nila sa suot mo?! You are wearing cheap clothes. Probinsiyana ka nga talaga. Here!" Sabay abot nito sa bag ni Frida. Padabog na kinuha naman iyon ni Frida sa kamay niya. "Salamat... Ibibigay mo na nga lang itong bag aasarin mo pa ko." "Saan ka ba pupunta ha?" Singhal ni Axel. "Dito Sa mall. Magpapadala lang ako ng pera sa Probinsiya." Sagot ni Frida. "How much?" Napangiwi si Frida. "Bakit mo ba ko tinatanong ha?" "How much nga?!" Giit ni Axel habang nakatingin kay Frida. "30k," nahihiyang sagot ni Frida. "I-gcash mo na lang. Ako na ang bahala sa fee." "Ngee! Sigurado ka ba?" takang sabi ni Frida. "Bakit ayaw mo?" "Gusto," nahihiyang sagot ni Frida at bigla itong natahimik dahil naalala lang niya si Ibrahim nung panahong pinapadalhan pa siya ng pera. Nasaan na kaya siya ngayon? Sa loob loob ni Frida.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD