THIRD POV.
"Do you think na ako ang may gawa niyon?! That's bullshit!"
Halos magulat ang dalawa sa kusina. Umagang umaga ay rinig nila ang tinig mula sa labas. Sa Isang malaking sliding door ay naroon lamang si Axel habang may kausap sa kan'yang cp. Nagkatinginan ang dalawa at hindi malaman kung ano ang nangyayari sa apo ni Senyora. Takang taka naman si Frida dahil palaging narito sa mansyon si Axel. Sa gabi lang ito nalabas at wala naman siyang pakialam kung sa gabi ang paglabas niya.
"Anong nangyayari sa kan'ya?"
"Hindi ko rin alam eh. Wala naman akong alam tungkol kay sir." Sagot ni Prising.
"Wala ba siyang trabaho? Kasi laging narito siya sa mansyon." At pigik na natawa si Prising.
"Bakit mo naman natanong 'yan Frida? Bakit kailangan niya pang magtrabaho kung pwede naman niya iutos sa iba. Naku! Kung ako sayo ay huwag na natin pakialam si Sir Hugo."
"Axel nga!" Giit ni Frida dahil ayaw niya ng Hugo.
"Ikaw Axel ako Hugo ang gusto kong itawag sa kanya. Saka pareho lang iyon noh." Giit naman ni Prising at bigla na lamang silang nagulat dahil sa galit na galit si Axel. "Oh saan ka pupunta?" Tanong ni Prising nang patungo si Frida sa labas na may inis sa mukha. Natutulog pa man din ang kan'yang anak at baka mabulabog niya ang natutulog niyang anak na si Liam. Panay mura pa naman niya at baka hindi na matansiya ni Frida ang bunganga ni Axel.
Sumunod si Prising kay Frida at handa na nga itong sumabak sa giyera. "Hoy Frida! Ano ba ang gagawin mo?" Saad ni Prising habang kinakabahan. Naiwan tuloy nila ang kanilang mga gawain sa kusina.
"Sir Axel!" Pag-galang na saad ni Frida na kinalingon naman ni Axel sa kan'ya. Hindi naman natinag si Frida kahit mapangahas ang mga titig sa kan'ya ni Axel.
"What?!"
Ngumisi si Frida. "Bakit po ba ang ingay niyo sa umaga? Pwede po bang pakihinaan ng konti ang boses niyo dahil natutulog pa ang aking anak. And please lang... Huwag kayong mao-offend sa sasabihin ko. Huwag naman po sana kayo panay sa pag-mumura niyo dahil may batang makakarinig sayo at baka gayahin niya kayo."
Malamig ang pag-ngisi ni Axel. Malamig din ang kan'yang mukha. "I don't fvcking care of your son. Bahala na siya kung gusto niya kong gayahin. Right? Kailangan pa bang ako ang mag-adjust sa atin dito? At sino ka para ako'y pagsabihan mo ng gan'yan? You are a maid. A sexy maid I've ever seen Frida." Sabay hawak ni Axel sa pisngi nito na kinalaki ng mga mata ni Prising kaya naman ito'y napatakbo at agad na sinabi nito kay Senyora tungkol sa nangyayari sa dalawa.
Iwinaksi naman ni Frida ang kamay ni Axel. Saka niya tinitigan ito ng masama ngunit napangisi naman si Axel.
" It really hurts in my eyes if you stare at me like that. It's like I'm on fire with your eyes Frida." Saad nito sa matamis niyang salita na kinaasar ni Frida. Kahit English ito ay naintindihan pa rin niya ito.
"Hoy sir, ang sa akin lang. Kahit wala kang pakialam sa aking anak. Konting respeto na lang sana. Alam kong naging bata ka rin minsan na alam kong tinuruan ka ng mga magulang mo sa magandang asal. Or siguro nga, hindi ka tinuruan dahil hindi ka marunong sa salitang respeto. kalalaki mong tao, wala ka pang galang." Matapang na saad ni Frida at walang takot na nakipagtitigan ito kay Axel.
Natahimik si Axel habang nakatitig siya kay Frida dahil natamaan siya sa sinabi nito. Walang nagtangka o nangahas na magsabi sa kan'ya ng ganito at bukod tanging si Frida lang ang unang babaeng pinagsalitaan siya ng ganito maliban na lang sa dating nobya niya na manloloko. Pero natamaan talaga siya ng husto. Lahat kasi kay Axel ay nasusunod at kayang kaya nitong pasunurin kahit sinuman. Habang tumatagal ang titigan nila ay nanggagalaiti sa galit si Axel dahil nakikita lang niya kay Frida ang kan'yang dating kasintahan.
"You will regret what you said to me Frida." Saka niya inilapit ang mukha nito. "Ikaw na ang isusunod ko Frida. Mas mahilig ako sa babaeng palaban." Bulong nito. Nangilabot si Frida sa sinabi ni Axel dahil hindi niya maunawaan ang sinabi nito sa kan'ya.
"Pinagbabantaan mo ba ko?" Kinakabahang saad ni Frida.
"Nope, this is a warning my sweetie Frida."
Napalabas naman ng silid si Liam dahil dinig niya ang ingay mula sa pinanggagalingang boses. Nagsalubong ang mga kilay niya nang makita niyang hawak ni Axel ang braso ni Frida.
"Hey man! Bitawan mo ang mama ko!" Matapang na saad naman ni Liam na agad naman napalingon ang dalawa kay Liam kaya naman inalis agad ni Frida ang kamay ni Axel sa braso niya. "Don't hurt my mama if you don't want me to kick your ass!" Singhal nito na kinagulat na lamang ni Axel sa sinabi ni Liam sa kan'ya. Sakto namang narinig iyon ni Senyora Eleonor at napapitlag na lamang ito na kinatulala niya. Halos walang masabi ang mga ito habang kay Liam sila nakatingin.
Naalala ni Axel noong siya'y bata pa lang kung paano niya rin ito sabihin sa kan'yang ama nang makita niyang sinasaktan dahil sa selos. Parang nakikita ni Axel ang sarili niya sa bata at hindi niya alam kung paano nangyari ito. Hindi naman pwedeng nagkataon lang dahil sa nakita ng bata ang mga pangyayari.
Lumapit si Liam at kan'yang hinawakan ang kamay ng mama niya at tiningnan niya ito. "Mama, ayos lang po ba kayo?" Nag-aalalang tanong ni Liam.
Tumingin si Frida kay Axel. Gustong humingi ni Frida ng paumanhin sa masamang sinabi ni Liam dahil naging bastos siya rito. Walang anumang reaksyon nang makita niya si Axel at tila natahimik lamang. Muling ibinaling ang tingin nito kay Liam.
"Oo anak. Okay lang si mama. Hindi naman ako nasaktan eh." Sagot ni Frida. "Kumain ka na muna ng breakfast mo sa silid. May inihanda akong pagkain para sayo. Halika na," tawag ni Frida sa kan'yang anak habang tulala pa rin si Senyora Eleonor sa mag-inang papalayo.
"Anong nangyari apo at bakit humantong sa ganun ang sitwasyon niyo ni Frida? Hindi ka pa ba tapos sa paghihiganti mo at pati sa bata ay nadadamay mo na." Nasa loob sila ng living room habang nag-uusap ang mga ito.
"Lola, wala akong ginagawa sa kanila. Pinakialaman nila ang pananahimik ko. What's wrong with that? Ako pa ba ang kailangang mag-adjust dito? So, I need to go. If you don't want me here. Aalis na lang ako lola," paalam na saad ni Axel na tila hindi nagustuhan ng kan'yang Lola na aalis ito.
"Axel come back here!" Tawag ni Senyora Eleonor. Kinakabahan siya dahil hindi niya kayang pigilan ang kan'yang apo kaya naman agad na tinawagan niya si Frida sa kan'yang cp. Sinagot naman agad ni Frida ang tawag ni Senyora. At nang malaman ang pakay nito sa kan'ya ay dali daling tinungo niya ang garahe ng mga sasakyan. Halos hingalin na siya nang marating ito.
Nainis na naman si Axel nang makita niyang nakaharang si Frida sa harapan ng sasakyan nito. Natatakot lang kasi siya dahil kasalanan naman nya itong nangyari kay Axel. Dapat siya na lang ang nag-adjust at hindi si Axel.
Galit na lumabas si Axel mula sa kan'yang sasakyan. Matalim ang mga mata niya rito habang nanginginig naman sa takot si Frida.
"Pwede bang umalis ka sa harapan ng sasakyan ko? Get out of my way!" madiing utos nito.
"Sir, hindi po pwede." pagmamatigas nito. "Isipin niyo po ang pwedeng mangyari sa Lola niyo. Isa pa matanda na po siya. Huwag na kayong umalis sir. Alam kong kasalanan ko ang nangyari kung bakit humantong sa ganito ang sitwasyon. I'm sorry sa nasabi ko at sa nasabi ng aking anak." Higing tawad nito.
"Okay, pwede ka ng umalis sa harapan ng sasakyan ko at sa susunod na humarang ka pa sa dinadaanan ko, sasagasaan na kita." Pananakot nito.
"Sir hindi nga ho pwede dahil magagalit si Senyora. Kung sasagasaan mo naman ako sa panghaharang ko sa sasakyan mo. Alangan naman hindi ako tatabi? Saka hindi ko sasayangin ang buhay ko para lang sayo noh." Napangusong saad ni Frida na kinakunot ng noo ni Axel.
"Frida tell me about this. Binabayaran ka ba ni Lola para bantayan ako sa lahat ng mga ginagawa ko? Umamin ka nga!"
"Hindi!" Sabay iling nito. "Bakit ko naman gagawin 'yon sayo? Narito ako para magtrabaho kay Senyora hindi para bantayan ka. Ganito kasi 'yan. Inutusan lang ako ni Senyora para pigilan ka sa pag-alis mo. Siyempre nataranta ako at hinabol kita rito. Ayaw mo ba iyon? May humahabol sayo na maganda at sexy?" Sabay ngiwi ni Frida at hindi ba niya alam kung saan siya humugot ng lakas ng loob para sabihin 'yon kay Axel.
"Sexy at maganda ha?" Saka nito pinasadahan ng tingin mula dibdib niya hanggang sa ibaba habang napapatango. "Pwede na, approved ka sa taste ko. Pero ang totoo niyan, hindi kita kailangan. Kaya pwede bang umalis ka na rito sa harapan ng sasakyan? You made my day so bad. Nasira nang husto ang araw ko. You don't know me Frida so you shouldn't approach me like this."
Napasinghap ito. "Alam ko naman 'yon sir pero kasalanan ko naman iyon. Nang dahil sa akin kaya ka aalis. Kaya nga ako humihingi ng sorry eh."
"Pinipilit mo ba kong huwag umalis?"
Tumango si Frida.
" But why Frida? Who are you to stop me? You are nothing right?"
"Sir, alam ko naman po iyon. Kahit nothing lang ako sayo. Pero sana bigyan niyo rin ng halaga ang mga taong nag-aalala sayo." Malungkot na saad ni Frida. " At isa na rin ako roon sa mga taong nag-aalala sayo." Dagdag pa nito habang nakayuko.
Walang sagot na narinig si Frida kay Axel. Paano ba naman kasi ay hiyang hiya siya sa amo niyang ubod ng guwapo. Titig pa lang niya ay kinikilabutan na siya. Paano pa kaya kung lamunin na siya ng mapupulang labi nito. Eh di laglag na agad ang panty niya.
"Bakit ka nakayuko? Nasa semento ba ang kausap mo?"
Hiyang napatingin naman si Frida kay Axel. Pigil hininga siya rito dahil sobrang kaba talaga ng kan'yang dibdib. Ito ang kinaiinisan niya minsan dahil umiiwas talaga siya sa mga ganito. Pero trabaho lang ito at walang personalan.
"Wala sir, nasa harapan ko yung kausap ko. Pasensiya na talaga sir. Kaya huwag ka ng umalis."
Ngumisi lang si Axel at kan'yang tinalikuran si Frida. Agad na sumakay sa loob si Axel kaya naman sumakay rin agad si Frida sa loob ng sasakyan na kinatingin sa kan'ya ni Axel.
"What the hell you are doing? Get out of my car!" Nanggagalaiting saad nito.
"Sir hindi nga pwede eh. Magagalit ang lola niyo." Giit ni Frida.
"Okay, fine!" Galit na saad ni Axel kaya naman tuluyan na ngang pinaandar ni Axel ang sasakyan nito na kinagimbal ni Frida. Natahimik siya dahil sa pag-andar ng sasakyan nang mabilis na pinaharurot niya ang sasakyan pagkalabas nila ng gate.
"So natahimik ka." Sabay ngisi ni Axel.
Oh maygad! Ano ba itong nagawa ko? Isasama ba talaga niya ko sa pag-alis niya? Sa loob loob ni Frida.
"Saan tayo pupunta sir?"
"Doon tayo sa hotel. We stay there for one week." Na halos masiraan na nga si Frida ng ulo dahil sa hotel na sinabi ni Axel.
No!!!!!!! Nagsisisi na kong sumama pa sa kan'ya! --- Frida