KUTOB

1708 Words
FRIDA'S POV. Hindi na ko sumama kay Axel at baka hanapin lang ako ni Liam. Mas priority ko ang aking anak kaya naman pagdating ko rito ay agad kong inasikaso siya. Narito kami sa kitchen. Alas otso ng gabi nang makaramdam siya ng gutom. Pinaghanda ko siya nang kan'yang makakain at gatas na kan'yang iinumin. Hindi raw siya makatulog kapag kumakalam ang kan'yang sikmura. "Oh, akala ko ba ay sumama ka kay Sir Hugo?" Tanong ni Prising. Ang alam niya ay sumama ako pero ang hindi niya alam na kanina pa ko nakarating. "Prising... Alam mo naman na mas priority ko si Liam. Hindi ko naman siya pwedeng iwan dito." Gaya ngayon, kung hindi ako dumating ay hindi ko magagawaan ng makakain ang aking anak. Hindi ko naman pwedeng ipabantay sa iba ang aking anak dahil mag-iisip lang si Liam kung bakit ko kasama si Axel. Marami pa naman itatanong sa akin si Liam kung bakit ko siya kasama. "Mama, pwede po bang idala ko na lang itong pagkain doon sa silid. Gusto ko pong manood ng movie habang kumakain eh." Singit ng aking anak. "Sure anak. Kaya mo bang idala yan doon?" "Opo mama, ako na po ang bahala." Saad ng aking anak at kan'yang dinala ang kan'yang makakain doon sa aming silid. Napatingin ako sa aking tabi na parang nakatingin pa rin si Prising kay Liam. " Prising, bakit?" Takang tanong ko. " Hmmm... Ang guwapo ng anak mo. Siguro guwapo rin yung tatay niya. Hindi mo ba talaga kilala kung sino ang tatay niyan?" Tanong sa akin ni Prising. Kahit kilala ko ang tatay niya ay wala akong pinagsasabihan. Sabi kasi ni Helen na kung mayaman yung isang tao ay kilala rin siya ng mga mayayaman. Pero try ko kayang itanong kay Prising kung kilala niya ba si Ibrahim. "Prising, may kilala ka bang Ibrahim?" Napatingin siya sa akin bigla. "Sinong Ibrahim? Siya ba ang ama ng anak mo? Guwapo ba siya? Mayaman ba siya? Ang daming nagngangalang Ibrahim sa mundo at paano ko makikilala si Ibrahim?" Parang ayaw ko na yata sabihin kay Prising dahil natatakot akong sabihin niya kay Senyora. Very close pa naman ang dalawa at baka mapag-usapan na naman nila ang tungkol kay Liam. Kinukulit din ako ni Senyora kung sino tatay ni Liam. Parang may naaalala daw kasi siya kay Liam. "Hindi siya yung ama ni Liam. Wala na yung ama niya. Hindi ko na rin alam kung nasaan na ngayon ang lalaking 'yon. Pero hindi ko alam eh. Kasi parang may mali eh. Hindi ko alam kung siya ba 'yon yung ama ni Liam. Kahit lasing ako ay naaalala kong iba yung boses niya. Pero alam kong siya lang naman yung lalaking naghatid sa akin sa hotel. Hindi kaya may ibang pumasok sa loob ng silid ko habang natutulog ako?" "Ha, anong ibig mong sabihin Frida? Kilala mo yung naghatid sayo sa hotel pero iba yung nakasama mo buong magdamag? Huwag mong sabihin na may ibang pumasok sa loob ng silid mo habang nasa kasarapan ka ng pagtulog?" Takang tanong ni Prising. "PARANG ganun na nga Prising. Parang may ibang pumasok sa loob ng silid habang natutulog ako. Hindi ko rin nakita ang mukha niya. Pero iba talaga ang boses ng dalawa kung paghahambingin silang dalawa." "So ibig mong sabihin, yung naghatid sayo ay kilala mo pero yung gumalaw sayo ay hindi mo kilala?" Tumango ako. " Oo Prising parang ganun na nga. Pero hindi ko alam kung bakit nagawa niya kong gahasah*n eh. Nasa loob naman ako ng silid at hindi ko rin alam kung bakit nagawa niya kong pasukin sa loob. Kung binalak man niya sa akin na gawin iyon. Gusto kong malaman sa kan'ya kung bakit niya ginawa ito sa akin. Gusto kong malaman kung sino ang taong inutusan niya para gawin sa akin ito." Napatingin ako kay Prising. Lahat ng bagay na gumugulo sa isipan ko noon ay hindi ko pinaalam kay Helen. May tiwala kasi ako kay Helen eh. Tanging kay Prising ko nasabi ang lahat. ng bagay na ito. Hindi ko maintindihan kasi na parang may something si Helen na tila may tinatago sa akin. Nagtataka rin ako kung saan siya kumukuha ng pambili ng mga mamahaling gamit niya. Hindi na ko nagtanong pa sa kan'ya dahil may trabaho naman siya saka nasa ibang bansa naman ang papa niya. "Saan mo ngayon hahanapin yung lalaking 'yon? Sa lawak ng mundo ay malabong makita mo pa siya." "Mahahanap ko siya Prising. Narito na siya sa Pilipinas. Alam iyon ng kaibigan ko. Siya yung sinasabi ko si Helen." "Ano? Bakit ang kaibigan mo ay alam niya pero ikaw ay hindi? Naku, parang may love triangle na naganap sa inyo ah." "Love triangle?" Takang sabi ko. "Prising! Mukhang tama ka nga. Hindi kaya may ginagawa ang kaibigan ko na hindi niya sinasabi sa akin?" Nanlalaking mga mata ko sabay hawak ko sa mga braso niya. "Wait nga... Paano ba kasi nag-umpisa ito bago mangyari 'yang one night stand na 'yan? Sino ba yung lalaki at ano rin ang kinalaman ng kaibigan mo?" Tanong ni Prising at unti unti rin akong nakakakuha ng kaalaman mula sa pagtatanong niya. "Ganito kasi 'yan. Sinabi ko kasi sa kan'ya na marami kaming utang noon. Eh 'yon, tinanong niya ko kung gusto kong mag-ka sugar daddy para makaahon sa kahirapan. Sumagot ako ng oo. Niloko ko lang naman siya at hindi ko alam na totohanin niya yung sinabi ko. Tapos iyon, gumawa na siya ng account sa dating site at sinabi niya sa caption ng bio ko na NEED SUGAR DADDY. MEET ME NOW. Hindi namin akalain na may darating agad na email. Nakilala namin si Ibrahim. Ang maganda roon ay nagpapadala siya sa amin ng malaking halaga. As in buwan buwan siya nagpapadala sa amin ng pera. After one year ng pagtatawagan at pagchachat namin parang may nararamdaman na ko sa kan'ya. Inaya ko siyang magkita kami dahil gusto kong mag-confess sa kan'ya kaya lang.." "Kaya lang ano?" Takang tanong ni Prising. "Nagkita kaming dalawa. Inamin ko sa kan'ya kung ano ang nararamdaman ko. Pero hindi niya ko kayang tanggapin dahil parang anak ang turing niya sa akin. Hindi naman problema sa akin ang edad niya noon dahil 43 siya noon at ngayon ay 49 years old na siya." "Pero mahal mo pa rin siya?" Umiling ako. "Hindi na Prising. Ni-reject niya ang pag-tatapat ko sa nararamdaman ko sa kan'ya kaya iyon nagpakalasing ako sa bar para kalimutan na siya pero naroon din siya sa mismong gabing iyon. Nagkita kaming dalawa tapos nagalt siya sa akin. Tinatawanan ko lang siya noon dahil nasaktan nga ko." Pagtatapat ko. "What if magkita kayo? What if may kinalaman si Helen sa mga nangyari sayo? What if may love triangle na naganap nang palihim? Alam ba ni Helen ang tungkol sa nararamdaman mo kay Ibrahim?" Sunod sunod na tanong ni Prising na parang kinutuban ako. "Prising mukhang tama ka nga. Parang may kinalaman nga si Helen dito. Hindi kaya silang dalawa ni Ibrahim noon kaya niya ko nireject?" Kutob ko. Simula niyon na mareject ako ni Ibrahim ay hindi na kami gaanong nagkakausap ni Helen noon dahil palagi siyang busy. Minsan na lang kami magbonding pero gusto ko talagang malaman kung tama ang lahat ng aking kutob at kung may kinalaman din ba siya sa one night stand noon. "Incase nga na may kinalaman si Helen dito sa nangyari sayo. Siya ang mas nakakaalam kung sino ang ama ng iyong anak. What if kung may kinalaman nga siya? Matatanggap mo kaya ang ama ni Liam?" Muling tanong ni Prising. Umiling ako. "Kung pinag-sabwatan man nila itong nangyari sa akin. Kailanman ay hindi ko mapapatawad ang lalaking umangkin sa akin. Parang pinagsisihan ko pang naghanap noon ng mayaman para makaahon sa kahirapan. Prising kung totoo ang lahat ng ito, niloko lang nila ako. Sinamantala nila ang pagka-inosente ko. Galit ako sa kanila. Mas gugustuhin ko pang gumapang sa hirap kaysa sa traydurin ako ng kaibigan ko. Anong nagawa ko para lokohin niya ko Prising?" Naluluhang saad ko. Hindi ko na talaga mapigilan ang emosyon na nadarama ko ngayon dahil sa pangloloko nila. Niyakap ako ni Prising habang lumuluha sa kan'yang balikat. "Tama na Frida. Kailangang alamin mo muna ang katotohanan sa kaibigan mo. At kung totoo man ang lahat ng ito, huwag kang mag-alala. Narito lang ako na handa kang damayan. Gan'yan talaga ang buhay Frida. Gagawin at gagawin ang lahat para lang makuha ang nanaisin. Ganun siguro ang kaibigan mo. May rason kaya siguro niya nagawa 'yon. Hindi naman pwedeng walang rason 'yon kung hindi niya gugustuhin ang nangyari." "Hindi ko alam Prising. Dapat inamin na lang niya para hindi na ko humantong sa ganito. Ang ayaw ko lang yung trinatraydor ako ng kaibigan ko. Matatanggap ko naman kung inamin niya ng mas maaga na may nararamdaman siya kay Ibrahim. Hindi yung nilagay niya ko sa alanganing sitwasyon. Pero masaya na ko sa buhay ko Prising dahil biniyayaan ako ng isang anak at hindi ko pinagsisihan na naging anak ko si Liam. Mas nagsisi pa ako sa taong pinagkatiwalaan ko ng husto at sa bestfriend ko pa." Hagulhol na iyak ko rito. Lahat kasi ng tungkol sa amin ni Ibrahim noon ay pinapaalam ko kay Helen. Pero hindi ko alam na may gusto na rin pala si Helen kay Ibrahim. Kaya pala Minsan magkwento ako ay umiiwas ito kung tungkol lamang kay Ibrahim ang pinag-uusapan namin. Ang tanga tanga ko talaga noon kung bakit hindi man lang ako nakakahalata na may ginagawa na pala si Helen na hindi ko nalalaman noon. Sobra akong nagsisi dahil sa pananamantala niya sa kabaitan ko. "Tama na Frida. May kasalanan din naman si Ibrahim dahil sa paglilihim niya sayo. Hindi niya sinabi sayo ang tungkol sa kanila ng kaibigan mo kung totoong sila ngang dalawa. Pero ito lang ang payo ko. Wala pang kasiguraduhan ang lahat ng ito. Pero atleast may alam ka na kung paano mo malalaman kung sino ang ama ni Liam." Turan ni Prising at salamat sa kan'ya dahil maliliwanagan na ko sa nangyaring nakaraan ko. "Tama ka Prising at alam ko.. Pero uunahin ko muna si Helen. Ang kaibigan kong traydor." Nanggagalaiting saad ko rito at hindi ko papalagpasin ang pagtratraydor niya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD