Normal lang sa tao ang mangarap at maghangad. Siguro ito na ang sakit ng tao ang hindi pagiging kuntento.
Ako sa Derick , 20 taong gulang, nasa 2nd year na ng kolehiyo sa kursong engineering. Simple lang ako at walang pakialam sa sasabihin ng tao tungkol sa susuotin ko . Mabait sa katunayan sabi nga ng iba swerte na nga daw si Alex dahil nakilala at naging kami sa sobrang tino ko. Hindi ako masamang tao pero 'di ko sadyang maghangad at mag-hanap ng kalinga sa iba. Oo swerte siya sa akin pero ako parang hindi dahil lagi kasi siyang may ginagawa at nawawalan na ng oras sa tulad ko.
Mayroon ngang karelasyon kulang naman sa atensyon dahil doon nabaling ang oras ko sa taong nagparamdam sa akin ng mga inasam ko si Pao.
Nasa 1st year college naman si Pao sa pareho kong kurso. Kahit unang taon palang niya sa campus agad siyang nakilala dahil talented siya, cute , at friendly din. Unang beses ko siyang makita kapag nagkakasalubong kami sa pathway ang cute niya kasi kaya napansin ko siya madaming humahanga at nagkakagusto sa kanya isa na ako.
Alam ko namang mali na maghanap na agad ng kapalit sa kasalukuyan kahit na kami pa naman noon. Kaso medyo nawala na siguro ko sa katinuan dahil sa gutom kong puso sa mga inaasam ko nagawa ko ng mangloko.
Isang araw parang may kung ano nalang na nagtulak sa mga daliri ko para mag-type ng reply sa myday niya. Ewan ko ba basta nagawa ko nalang kahit hindi naman kami talaga magkakilala personally. Nung una nga hindi ko na itutuloy balak balak ko na sanang iremove agad kaso huli na pero okay din kasi diko yun pinagsisihan sa huli.
"Sana all pinapansin " sabi ko.
"Hahaha" tugon naman niya.
Kahit ganoon lang ang reply niya noon sobrang sumaya ko kasi kahit papano napansin na niya ko matagal tagal na rin na kasi akong nag-rereact sa mga story niya pero hindi ako napapansin.
Minsan lang ako mapansin ni crush kaya hindi ko na pinalampas yung pagkakataon na yun. Kaya sinamantala ko na makausap at makilala pa siya ng lubusan. Binibiro biro , inaasar at nagyayabang din ako. Parang ginagawa ko lahat noon para sana di na matapos ang convo namin.
Kami pa noon ni Alex pero nagkakachat na kami ni Pao. Walang kasalanan si Pao hindi ko naman sinabi na may jowa ako natatakot kasi akong di na niya ko pansinin at kausapin. Araw-araw nagkakausap kami ni Pao kulang na nga lang pati oras ng pagtulog eh gamitin na . Dahil doon unti unti nahuhulog na ako sa kanya.
Lumipas pa ang mga araw at linggo hindi parin ako nakakatanggap ng messages mula kay Alex nakalimutan na ata ako samantalang si Pao minu-minuto may oras siya sa akin. Kaya tuluyan ng sa kanya na napunta lahat ng atensyon ko.
Patuloy lang ang pag-uusap namin ni Pao . Hanggang sa isang beses may sasalihang competition ang aming institute at siyang sinalihan ko noong una nga 'di pa kasama di Pao pero kunalaunan sumali din ng dahil doon lalo ko pa siyang nakilala. Hindi nalang sa chat kami nakakapagkwentuhan pati sa personal dahil dumalas kaming magkasama. Asaran, kwento , at pagpapasaya sa akin iyan ang ginawa niya.
Sa araw ng kompetisyon ang saya ko ng mga oras na yun kasi bukod sa nanalo kami eh nakatabi ko po siya ng ilang minuto daig ko pa ang nanalo.
Ilang linggo pa ang lumipas nagsimula ko na siyang ihatid sundo sa dorm papuntang school , sinasabayan ko na rin siya laging kumain at doon nako nagsimula na ipakita ang nararamdaman ko at ang halaga niya sa buhay ko.
Siguro napansin na din ni Pao yung mga ginagawa ko kaya isang beses tinanong niya ko .
" Nanliligaw ka ba?" na parang nagtataka .
" Ano pa bang ginagawa ko." pabiro ko namang tugon.
At doon na nagsimula ang love story namin ng taong mas gwapo pa sa akin si Paolo.