CHAPTER 1

816 Words
RIGOR'S POV Ako si James Rigor Salvador, disi-syete anyos at tubong Tayabas, Quezon. Lumaki ako sa isang kilalang angkan dito sa aming bayan. Masakit para sa akin, harapin ang katotohanan na isa akong ampon. Ngunit, hindi ko rin magawang magalit sa mga nagpalaki sa akin, dahil kahit kailan, ay hindi nila ipinaramdam sa akin, na isa akong ampon. Saka ko na aalamin kung sino ang tunay kong mga magulang. Sa ngayon ay ipaparamdam ko sa mga nakilala kong magulang na mahalaga sila sa akin. "Mommy, Daddy, salamat—" Ngumiti ako sa kanila at muling nagsalita. "Salamat po sa inyo. Kasi minahal n'yo ako na parang tunay na anak," magalang na wika ko. Tumango si Daddy Joaquin. "Hijo, wala kang dapat ipagpasalamat. Para sa amin...tunay ka naming anak, dahil ikaw ang kumumpleto sa aming mag-asawa." Sabay tapik niya sa balikat ko. "Napakabilis ng panahon, binata ka nang talaga," malambing na sabi niya. Hinawakan ng kinikilala kong ina ang aking mga kamay. "Anak, mahal na mahal kita. Tatanggapin ko...kung hahanapin mo ang tunay mong mga magulang," saad niya. "Mommy, kung hanapin ko man sila. Kayo pa rin po ang pipiliin ko. Sapat na po sa aking malaman kung kanino ako nagmula." Sabay yakap ko sa kanila. Habang nakayakap ako sa kanila ay bumulong ako sa aking sarili. "Kakalimutan ko ang araw na ito, na nalaman ko na isa pala akong ampon."t  *** Kasalukuyang andito kaming magkakaibigan sa gym at nagpa-practice ng basketball, nang dumating ang mga cheering squad. "P're, ganda ng ngiti mo, ah!" puna sa akin ni Charles nang makita niya akong nakatitig kay Laya, siya ang kaibigan ni Abby na nililigawan ngayon ni Charles. "Ang ganda kasi ni Laya," pagtatapat ko. Ngayon lamang ako humanga sa babae, dahil para sa akin hindi dapat sineseryoso ang mga babae. "Don't tell me, p're, gusto mo si Laya?" seryosong tanong ni Alex. Ngumiti ako nang pilyo. "Siguro...pero hindi pa rin siya ang babaeng bibihag sa puso ko," seryoso kong sabi. Sa aming limang magkakaibigan, ako ang siyang tunay na maloko sa babae, at hindi si Charles. Ang mga kaibigan ko ay mas bata sa akin ng dalawang taon, naging ka-batch nila ako, dahil hindi agad ako nakapag-grade one, sa kadahilanang nagkaroon ako ng sakit sa puso noon at kailangan ko ng sapat na pahinga, kaya siyam na taon na ako nang pumasok ako sa grade school. "P're, okay lang naman siguro...kung ligawan ko rin si Laya? Para magkakaibigan ang maging girlfriend natin," pilyo kong sabi habang nakatitig ako kay Laya. "P're, kaibigan siya ni Abby. Baka kapag nalaman niyang hindi ka seryoso, baka pati ako mabokya," pagtutol ni Charles sa sinabi ko. Ngumiti ako nang pilyo. "Pareng Charles, malalaman lamang niya, kung may...magsasabi," katwiran ko. Kapag ginusto ko ang babaeng paglaruan, walang makakapigil sa akin, kahit kaibigan ko pa. Napabuntong-hininga na lamang si Charles, dahil alam niyang hindi ko siya papakinggan. "Siyanga pala, mga p're, nasaan si Pareng Nathan?" tanong ko sa aking mga kaibigan nang mapansin ko na wala ang isa naming kaibigan. "P're, tinatanong pa ba 'yon? For sure kasama niya si Lorraine. Remember, breaktime din nila," mabilis na tugon ni Carlo. Napailing ako, bakit nga ba nagtanong pa ako? Eh, alam ko naman na malimit puntahan ni Nathan ang kaniyang childhood friend, na secret love niya, na walang iba kung 'di si Lorraine Monteverde. Maya-maya ay lumapit na kami sa magkakaibigan nina Laya. Katulad nang inaasahan ko, partner-partner sila. Sina Abby at Charle, pagkatapos sina Alex at Clarice, ganoon din sina Carlo at Joyce. Habang abala ang mga kaibigan ko sa panliligaw ay nilapitan ko si Laya. "Hi, p'wedeng tumabi?" tanong ko kay Laya na halatang kinikilig sa akin. "Si—sige, Rigor," matipid niyang tugon habang nauutal. Sa edad kong ito'y mabilis kong mahalata sa babae kung may crush sa akin, dahil ilan na rin naman ang naging girlfriend ko. Ngumiti ako nang lihim, dahil mapapadali sa akin na mapaibig si Laya, lalo na't mas bata siya sa akin ng tatlong taon. Tinitigan ko siya at muli akong nagsalita. "Laya, may boyfriend ka na ba?" diretso kong tanong. Umiling si Laya bilang tugon. Mukang umaayon sa akin ang pagkakataon, dahil wala pa siyang boyfriend. "Talaga! Wala ka pang boyfriend?" paninigurado ko. Ngumiti si Laya. "Opo, kasi...bata pa po ako. Wala pa sa utak ko ang mag-boyfriend," diretso niyang tugon sa akin. Tumango-tango ako. "So, wala pa lang magagalit? Kung liligawan kita," pahayag ko na ikinagulat ni Laya. Napalunok siya nang dahil sa aking sinabi. Mukang hindi siya makapaniwala sa kaniyang narinig. "A—anong sabi mo?" nauutal niyang tanong sa akin habang namumula ang kaniyang mga pisngi. "Ang sabi ko...liligawan kita," seryosong sagot ko. "Hindi ka nagbibiro?" muling tanong niya sa akin. "Hindi po," Sabay tayo ko upang tumabi nang upo sa kanya. "Muka ba akong nagbibiro?" muli kong salita na lalong nagpamula sa kaniyang pisngi. Ngumiti siya at hindi na nakapagsalita pang muli.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD