PROLOGUE

711 Words
RIGOR'S POV Andito ako ngayon sa isang bar at nagpapakalasing sa piling ng isang babae. Ang babaeng matagal ko nang kinabaliwan, na walang iba kung hindi si Nicole. "Kung hindi ka umalis. Malamang tayo ang magkakatuluyan," sabi ko. Si Nicole ang unang babaeng minahal ko. Naging mapaglaro ako sa babae simula ng iwan ako nito patungong America. "Rigor, kaya nga bumalik na ako dito. Upang ipagpatuloy natin ang ating relasyon," sabi nito. Ngumiti ako na parang aso. "Alam mo ba ang sinasabi mo? May girlfriend na ako! At mahal ko siya," sabi ko. Ngumiti ito at hinaplos nito ang aking mga labi. "Talaga? Mahal mo siya? Ang alam ko, hindi mo siya mahal. Dahil ikaw mismo ang nagsabi sa akin noon," pilyang sabi nito sabay halik sa aking mga labi. Alam ni Nicole na wala akong pagtingin kay Laya. Ngunit noon 'yon dahil nahulog na ang damdamin ko kay Laya. "Rigor, alam kong ako pa rin ang mahal mo," pang-aakit nito sa akin. Halos mabaliw ako sa ginagawa nitong paghalik sa akin. Ngunit ang kabaliwan ko ay napalitan ng takot nang makita ko ang babaeng nakatitig sa akin, dahilan upang itulak kong palayo sa akin si Nicole. "Love," tanging nasabi ko. Lumapit ako kay Laya upang magpapaliwanag. "Huwag kang lalapit! Hanggang diyan ka na lang! Narinig ko ang lahat!" galit nitong sabi. "Love, makinig ka muna sa a...." Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang muli itong magsalita. "Ang kapal ng mukha mo! Alam ko na ang totoo!" galit na sabi sa akin ni Laya habang umiiyak. Aminado ako noong una na hindi ko siya mahal. Ngunit natutunan ko na siyang mahalin nang higit sa buhay ko. "Laya, magpapa....." hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang isang malakas na sampal ang dumampi sa pisngi ko. "Hindi ko kailangan ang mga paliwanag mo! Ginawa mo akong tanga!" galit na sabi ni Laya. Niyakap ko ito nang mahigpit. "Laya, please. Pakinggan mo naman ako. Oo, aminado ako, na hindi kita minahal noon. Pero ngayon! Mas mahal kita nang higit sa buhay ko," pagtatapat ko. Naging maloko ako sa aming relasyon ni Laya. Niligawan ko siya, dahil alam kong may crush din siya sa akin at Wala akong balak na seryosohin siya. Ngunit iba na ngayon. Hindi ko kakayanin na mawala siya sa puso ko. "Mahal?! Alam mo ba ang sinasabi mo, Rigor?! Kung mahal mo ako?! Hindi mo ko lolokohin!" galit na sabi ni Laya at itinulak ako. "Magsama kayo ng babae mo!" sabay tingin nito kay Nicole. Halos hindi ako magsalita si Nicole. "Hoy! Babae! Panahon na para makilala mo ako! Ako ang matagal ng girlfriend ni Rigor, kaya hindi niya ako babae!" galit na sabi ni Nicole. "Laya, hindi totoo ang sinasabi niya! Ikaw ang mahal ko." Tumingin ako kay Nicole. "Pwede ba, Nicole?! Pabayaan mo na kami?! Matagal na tayong tapos!" galit kong sabi. Lumapit ako kay Laya at niyakap ko ito nang mahigpit. "Laya, maniwala ka naman sa akin," sabi ko na may kasamang pagsisisi. "Rigor, tama na. Sapat na sa akin ang malaman ko ang totoo. Na hindi mo ako mahal." Itinulak ako nito, kasunod ang pagtanggal sa singsing na ibinigay ko sa kanya. "Hindi ko kailangan ito. Dahil isang kasinungalingan ang ating relasyon!" sabi nito na punong-puno ng galit at ibinigay sa akin ang sing-sing. "Laya, please. Ayusin na ito. Mababaliw ako, kapag nawala ka sa buhay ko," sabi ko at lumuhod ako sa harapan niya. Tumulo ang mga luha mula sa mga Mata nito. "I love you, but this is good bye," sabi nito kasunod ay iniwan na ako. "No! Please, Laya, bumalik ka sa akin. Hindi ko kaya mawala ka buhay ko," sabi ko habang umiiyak. Ibinato ko ang sing-sing na hawak ko at hinarap ko si Nicole. "Pagbabayaran mo ang pagsira sa aming relasyon!" galit na sabi ko at iniwan ko na ito. Nagdesisyon akong habulin si Laya, ngunit nahuli ako dahil nakasakay na ito ng sasakyan. Halos mabaliw ako nang malaman kong umalis na si Laya at hindi nila alam kung nasaan. Simula ng iwan ako ni Laya ay nagpakalulong na ako sa alak. "Hahanapin kita, kahit saan," bulong ko sa aking sarili habang nakatitig sa picture ng babaeng tunay kong minahal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD