Pasita's Point of View Tahimik ang paligid. Madilim. Wala akong ibang marinig kundi ang himig ng mga kuliglig at ingay ng mga dahon na hinihipan ng malamig na hangin—na para bang nasa ibang lugar ako na malayong-malayo sa kabihasnan. Pero sa harapan ko ay hindi kagubatan, kundi isang abandonadong factory na nagsisilbing pugad ng mga taong nasa listahan ng itutumba ko ngayong gabi. Nakasukbit sa aking likod ang dalawang lalagyan ko ng armas, habang sa magkabilang hita ko naman ang dalawang patalim. Mahigpit kong hinawakan ang kalibre 45 kong armas at inayos ang aking pulang maskara saka ako tahimik na lumapit sa gusali. Bawat hakbang ko ay puno ng katahimikan—walang kahit na anong bahid ng tunog na wari mo’y anino sa madilim na gabi. Buong pag-iingat akong gumalaw hanggang sa matunton

