Pasita's Point of View "Your last mission was a mess, Pasita..." Iyon ang bumungad sa akin pagkapasok na pagkapasok ko sa silid ni boss. Masama ang tingin niya at bakas ang pagkadismaya. "Po? Paano?" kunot-noong tanong ko. "I made sure to leave clean. Wala akong iniwang bakas," pagdepensa ko sa sarili ko. "Yes. You eradicated all your targets, but there were witnesses," aniya saka humalukipkip. "And now, those witnesses are about to tell the world about you," dagdag niya. "Witnesses?" Mas lalong kumunot ang noo ko. Pero agad akong natigilan nang mapagtanto ko kung ano ang tinutukoy niya. "By that...did you mean those victims I saved?" Marahan siyang tumango. "It seemed like the parents of the targets pressured them. Maya-maya lang ay isisiwalat na nila ang mga nasaksihan nila." "Per

