Adelina’s Point of View "Hindi na mataas ang lagnat mo," sambit ni Sir Amadeo nang tingnan niya ang thermometer. "Mabuti at mabilis kang naka-recover," dagdag niya pa at matamis na ngumiti sa akin. "Magaling kasi ang nag-alaga sa akin," tugon ko sa kanya at matamis ding ngumiti. "Thank you, sir," sinserong pasasalamat ko sa kanya. Walang palya siya sa pag-aalaga sa akin—sa pagbigay ng gamot, sa pagpunas sa katawan ko, at sa pagpapakain sa akin. "You're welcome, Adelina. But you still need to take your meds para hindi na bumalik ang lagnat mo," striktong sabi niya. Tumingin siya sa mga mata ko na para bang pasyente niya ako. "Got it?" "Yes, sir." Akala ko'y magtatagal ang lagnat ko, pero hindi ito umabot nang dalawang araw dahil sa atensyon at alagang ibinigay sa akin ni Sir Amadeo. A

