Nag-init ang tainga ni Maximo sa narinig. Gumapang ang init na ‘yon sa buong ulo niya. Napahigpit ang hawak niya sa cellphone at kulang na lang ay ibato niya ito sa inis, pero pinigilan niya ang sarili dahil kausap niya pa si Adelina. “What did you say?” mahinang tanong niya dahil sa magkadikit niyang ngipin. Pinipigilan niyang magalit. He wants to stay composed as hard as he could, dahil hindi niya pa naririnig ang buong rason ng babae. “Uurong na po ako sa misyon.” “And why is that?” striktong tanong niya. Umiigting na ang kanyang panga sa galit. Ang dami na niyang iniisip at pinoproblema tapos dadagdag pa ito. “Tell me one good fúcking reason why you’re stopping. Siguraduhin mong maayos na rason ‘yan, Adelina. Siguraduhin mo.” Hindi ito sumagot kaya mas lalong nag-init ang ulo niya.

