Kabanata 55 Adelina's Point of View Dama ko ang lamig na gumagapang mula sa aking talampakan paakyat sa aking mukha. Tila binuhusan ako nang malamig na tubig sa aking narinig. Alam kong hindi nagbibiro si Boss Maximo sa sinabi niya. Naramdaman ko na lang ang pag-init ng mga sulok ng aking mga mata kasabay ng paninikip ng aking dibdib. Huminga ako nang malalim para sana pigilan ang aking emosyon, pero hindi ko na nagawa. Nayakap ko na lang ang aking mga tuhod kasabay ng pagpatak ng aking mga luha. Hindi ko na alam ang gagawin. Hindi ko kayang ituloy ang misyon ngunit hindi ko rin kayang mapahamak ang mga bata. Alam ng Diyos kung paano ako nagsakripisyo masagip lang sila at mabigyan ng maganda at maayos na buhay; buhay na malayong-malayo sa kinagisnan ko. Tahimik akong umiyak saka tum

