Adelina's Point of View Halos mapaluhod ako sa labis na panghihina ng mga tuhod ko dahil sa magkahalong kaba at sakit ng katawan. Naglalakad ako ngayon papunta sa garden kung saan namin napagkasunduang mag-usap ni Manang Pasita. Hindi ko alam kung bakit parang gusto kong umurong; kung bakit tila umaayaw akong kausapin siya. May kung anong boses na bumubulong na 'wag akong tumuloy. Ayoko mang mag-isip nang negatibong bagay, pero hindi ko mapigilang mapaisip na baka may alam na siya sa tunay kong pagkatao. Nitong mga nagdaang araw kasi ay pansin ko ang panay na pagtitig niya sa akin na para bang inoobserbahan niya ako. Pumasok din sa isipan ko ang posibilidad na baka may pagkakataong kinalikot niya ang cellphone ko na basta-basta ko na lang iniiwan sa quarters namin, o 'di kaya'y may taw

