NAKATITIG lang si Maximo sa screen ng cellphone niya at paulit-ulit na binabasa ang text sa kanya ni Adelina. 'Hindi ko na magagawa ang gusto n'yo. Tapos na akong makinig sa mga utos n'yo. Ayoko na.' Bawat sandaling binabalikan niya ang mensahe ng babae ay umiinit ang kanyang ulo at kumukulo ang kanyang dugo. Paulit-ulit niya itong binabasa para makasiguradong tama nga ang pagkakabasa at pagkakaintindi niya. Huminga siya nang malalim at pilit na kinontrol ang galit niya. It's way too early in the morning to be mad. Ayaw niyang maging pangit ang simula ng araw niya, but Adelina's really testing him. "Have you reached her?" tanong niya kay Heidi. "It seems like she blocked all possible connections, boss. I couldn't reach her number. I've tried all the means I have," sagot nito. "What?

