Habang papasok ako sa company ay antok na antok pa rin ako. Anong oras na rin ako nakatulog dahil anong oras rin kami nakauwi ni Cristano. Buti na lang bumawi siya kahapon at talaga binusog niya ako ng pagkain. Napaisip nga ako, hindi kami pero ganito na ang set up namin. "Late kana!" nagulat ako sa pagsalubong sa akin ni Tonet at mukhang hindi na maipinta ang mukha niya. "B-Bakit? Anong oras palang naman?!" sabi ko dahil ang text ni Ma'am Alyssa ay 9AM ang call time. "Hindi mo ba nabasa ang text ko? Nag adjust ang shoot mo!" nanlaki ang mata ko at kinuha ang cellphone ko. '8AM na ang shoot mo , 'accla!' Iyan ang text niya kaya naman nagulat ako! Ito ang napapala ng kulang sa tulog. Tumakbo na kami papunta sa area kung saan kami mag sho-shoot. Nakakapagod pero kailangan bilisan da

