WARNING: SPG SCENE — "So, kumusta ka naman?" tanong sa akin ni Lou dahil siya ang nagsundo sa akin sa company. Nakalibre tuloy ako ng sakay sa kanya. "Muntik na ako mapagalitan ng manager ko! Na-late kasi ako pumasok kanina dahil anong oras na 'ko hinatid ni Cristano." Pagkasabi ko ay napatingin siya sa akin pero agad naman niyang binaling ang tingin sa daan. Mag pa-park na rin kasi kami dito sa harap ng coffee shop. Pagpasok namin ay nag order na rin si Lou ng iinumin namin. After that, we seated on the corner. Ilang minuto lang ay nandito na ang mga order. "Don't tell me, kayo na?" seryoso niyang tanong sa akin. "Hindi 'no! Pero I have feelings for him and pinipilit ko naman na 'wag siyang magustuhan! Pero wala talaga." Mahinang sabi ko sabay inom ng matcha frappé na in-order niya

