CHAPTER 3: Try

1152 Words
ANGELA Itinabi na muna ni Hendrick ang sasakyan saka nagmamadaling bumaba para alalayan ako. Hindi alintana ang suka sa kanyang damit. Hiyang-hiya naman ako sa nangyare. Kung bakit naman kasi hindi pa umabot sa bahay hanggang makauwi ako samin. "Sorry. Lalabhan ko nalang 'yang damit mo." I said. he hand me a towel na kinuha niya sa compartment nang kotse niya. Binigyan niya din ako nang tubig.Tinanggap ko naman ito saka ininom. "Don't mind it. Are you ok?" he said. Ilang saglit pa akong nagmomog bago ko pinunasan ang bibig ng towel na bigay niya. Nakita ko naman na naghubad siya ng damit niya. Binuksan niya ang likod ng kotse at inilabas do'n ang isang maliit na bag. May kinuha lang siyang isang t-shirt ro'n. saka naman niya isinuot. Habang ginagawa 'yon, nakamasid lang ako sa kilos niya. Nakikita ko rin ang mapipintog niyang masel sa magkabilang balikat niya. Alaga seguro sa gym kaya ganyan kalaki 'yan. ang sarap segurong pisil-pisilin ang mga iyon. erase. erase.. Bumalik na kami sa sasakyan matapos makapag ayos. Nakaramdam naman ako nang antok sa byahe. malayo pa naman kami. nasa pasay palang. Hindi naman na nagsalita si Hendrick sa buong byahe kaya ibinaling nalang niya ang mata sa labas nang bintana. malaya naman niyang natatanaw ang naglalakihang gusali at liwanag ng siyudad. kahit madaling araw na, Marami parin ang mga sasakyan na kasabayan nila. Naalala niya tuloy sa probinsya ng kanyang Mommy. Tahimik lang ro'n. pagsapit ng gabi wala na masyadong sasakyan. kaya naman hindi ka pwedi umuwi nang ganitong oras. May mga p'wede naman sakyan special ngalang. Mahal ang pasahe pag gano'n. Inaantok na talaga siya. Naisipan na muna niya umidlip pero bago 'yon. pasimple niyang sinulyapan si Hendrick. Seryoso lang ito habang deretso lang ang tingin sa daan. kaya umidlip na muna siya. Isinandal niya pa ang kanyang ulo sa headrest nang sasakyan at pumikit. Hindi na niya namalayan ang pagbabago nang ruta ni Hendrick. *** NAPABALIKWAS si Angela ng bangon nang maalala na nasa sasakyan pa pala siya ni Hendrick. Pero laking gulat niya na imbes sa ang lalaki ang makita. Isang magandang kwarto ang kanyang nabungaran. Tuluyan na siyang bumangon. at gano'n nalang ang pagnganga niya nang ibang damit narin ang suot niya. Kaninong bahay 'to? Nasaan ako? Napapitlag ako nang bumukas ang pinto. Pumasok si-- Hendrick? bigla na lang nag akyatan ang dugo ko sa ulo ko. Sinugod ko siya at pinaghahampas sa dibdib. Nagulat siya kaya hindi siya naka-ilag sa mga atake ko. Saka ko lang natanto na may hawak pala siyang tray nang pagkain. at Basag-basag na ito ngayon. pati ang baso na may lamang juice wala na rin. Nagkalat na sila lahat sa sahig. Napahinto naman ako sa ginagawa kung pamamalo sa kanyang dibdib. "What a nice morning you have, napaka-amasona mo naman pala." sabi niya. may inilabas siya sa kanyang bulsa at saka ito pinindot. isang maliit na device 'yon. may ilaw iyon na pula. Itinapat niya ito sa bibig at nag salita. ha? cellphone ba 'yan? "Manang, pakidala po nang panglinis dito sa guestroom." utos niya sa kausap. "Bakit iho. mayroon bang nangyre d'yan? sagot nang kausap niya. "Yes po, manang. May pusa kasi rito at nagkalat." sinamaan ko naman siya ng tingin. pusa pala ha, kalmutin kita d'yan e. "Bakit ako nandito. kanino bahay 'to? Akala ko ba iuuwi mo ako sa amin?" "Yes I know. pero mahimbing masyado ang tulog mo, so naisip ko na dito ka nalang dalhin. mas malapit 'to. Gusto ko kasi makapag-paghinga ka muna." he said. "Ang sabihin mo balak mo lang akong manyakin." "If that's my intentions, sa hotel sana kita dinala." Paliwanag pa niya. napahiya naman ako do'n. Bakit ba ako nag iisip nang masama lagi sa kanya. mabait naman siya. "Eh, S-sino nag bihis sakin?" tanong ko. "Don't worry. It was manang." "P'wede na ba ako makauwi? mag tataxi na lang ako. Para hindi na kita maabala." "Sinabi ko bang abala ka?" sasagot pa sana ako pero pumasok dito sa loob nag isang may edad na babae. Ito seguro ang kausap niya kanina. Ngumiti ito sakin. sinimulan naman nito linisin ang mga kalat. "Salamat sa paghatid. Pasok ka, baka gusto mo mag kape muna," yaya ko sa kanya matapos niya ako ihatid dito sa bahay . Pero sabi niya saka na lang daw pag p'wede na umakyat. Ano naman 'yon. mga sinasabi no'n di ko maintindihan minsan. Pumasok na ako sa loob. Nasa pinto palang ako nang marinig ko ang mommy. "Jusko! Angela, saan ka ba nagpupunta? tawag ako nang tawag sa cellphone mo, ayaw mo sagutin. Saan ka galing?" Sermon agad ni mommy. Nakonsensya naman ako. alam ko nag aalala ito sakin. baka hindi pa nakatulog. Bakit ba kasi hindi ko naisip tawagan na hindi ako makakauwi. Kasalanan talaga 'to nang Hendrick na 'yon! kung hindi niya ako dinala-dala sa bahay niya, baka nakauwi na ako agad. "Sorry, Mommy. Naka-off po kasi ang phone ko." "Saan ka galing Angela?" "Sa bahay ng kapatid ni Faye mom." "Sinong kapatid?" Ayoko mag lihim. isa 'yan sa mga rules ni Mommy sa bahay . Para daw alam niya ang lahat na nangyayare sakin. Nang sa gano'n raw malaman niya kung sino daw ang pagbibintangan niya. Hays. Isipin mo nasa gano'n level na si Mommy sa pagiging OA. but I love her, Alam ko inalala niya lang ako lalo pa't babae. "Sa kuya niya po." napanganga naman si mommy sa sagot ko. "Anak. may nobyo kana pala, Bakit naman hindi mo sinabi," "No. hindi ko po siya nobyo. Ihahatid niya sana ako pauwi. Kaso mi, Nakatulog kasi ako kaya dinala niya muna ako sa bahay niya para makapag-pahinga." "Sus, totoo ba 'yan? Ipakilala mo ako anak. malay mo magustuhan ko para sa 'yo." "Wag na, Hindi ko naman din gusto makita 'yon." "Ayan ka nanaman sa pagiging man-hater mo. Itigil mo 'yan Angela, Paano mo ako mabibigyan ng apo kung hindi ka mag aasawa?" Pangungulit parin ni Mommy sakin. Nasa kusina na kami at hinahanda na ni Mommy ang niluto niyang ulam. Linggo ngayon kaya nasa bahay lang si Mommy. "Mi, wag niyo na po ako pakialaman sa lovelife ko. Ayoko lang matulad sa inyo ng Daddy," tapat kung sabi. Natigilan naman si mommy sa pag sandok nang ulam mula sa mangkok. at bumuntong-hininga. hinawakan niya ang kamay ko sa ibabaw ng mesa. "Anak, pasensya kana sa nangyare sa amin ni Fredericko. Pero gusto ko malaman mo na, Masarap ang magmahal at mahalin.Anak, Wag mong hayaan na diktahan ka nang nakaraan namin ng Daddy mo para hindi mo naisin na magmahal. Subukan mo lang buksan ang puso mo," "Susubukan ko po, Mommy. Ayaw ko lang muna pumasok sa isang relasyon na alam ko, masasaktan lang ako sa huli." "Wag mo kasi pangunahan. Hintayin mo lang ang para sa 'yo, dadating 'yan sa tamang oras, at tamang tao."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD