Prologue
ANGELA
I knew love has it's limit.
Bata pa ako naririnig ko na ang pag aaway nila Mommy at Daddy. Minsan galing akong school, I was in high school at that time.
Pagkapasok sa loob nang bahay naabutan ko si mommy na umiiyak habang nakaluhod sa paanan ni daddy. Nagmamakaawa siyang wag nitong iwan. Awang-awa ako sa mommy. yet, I still don't know what happen between them. Ang naalala ko lang noon,Basta na lang niya kaming iniwan. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko no'n time na 'yun. Isang bagay lang ang naintindihan ko that time. That my Father, Stop loving my Mother. He stopped doing it.
Ilang-taon nalaman namin mula sa tita Martha ko na nag asawa si daddy.
Si Mommy, Nag fucos lang sa akin. Nag tayo siya nang mini-grocery, bigasan, at kung ano-ano pa. Pinagbuti ko naman ang pag aaral ko. Galit kay daddy? Hindi ko naisip 'yan.He's still my father, after all.
Lumipas ang ilang taon na kaming dalawa lang ni Mommy.
Nakapag tapos ako nang College. Kitang-kita ko sa mga mata ni mommy ang saya.Nandito kami ngayon sa PICC. Dito ako gum-graduate nang journalism.
"Finally, Tapos kana.Anak," masayang bati ni mommy sa akin. Nasa loob kami nang function hall nitong PICC.
Niyakap ako ni mommy at hinalikan sa pisnge. Napangiti ako sa ginawa niya. It's like I'm still her baby, After all.
"This is for you, Mom.I love you," I said. Iniyakap ko din ang isang braso ko sa baywang niya. Abala pa din ang lahat. Excited na ako, I can't wait na makapag-traabaho ako nang kursong tinapos ko. This is my dream. Namana ko sa Daddy ko ang pagiging journalist. He is one of a known in that field. Magaling si Daddy, Naalala ko lagi kaming napupuyat ni Mommy just to see him in the television every night.
Mag aala-una na nang hapon kami nakauwi nang bahay. Halos dalawang oras din ang inilagi namin sa graduation ko.
Kakain dapat kami sa labas treat naman daw ni Mommy.
Tumanggi ako, Ayoko mag waldas nang pera si mommy just to please me. Alam ko na pinaghihirapan niya bawat sentimo na 'yun. I just don't like the idea on spending that much over a food. Though, She said it's alright. I said no.
Sinabi ko sa kanya na mag luto na lang kami sa bahay tipid pa. Inirapan lang naman ako ni Mommy. Tsk.
Papasok pa lang kami nang gate nang bahay nang biglang may tumikhim sa likuran namin.
Nilingon namin iyon.Si Daddy, may kasama siyang isang babae.Napatingin ako sa babae na kasama niya. Halos ka edad ko lang 'to. Maputi, mahabang buhok, maliit nga lang kumpara sa height ko na 5'7. sa edad kong 24. Maganda din siya, Mas maganda ngalang ako.
"Anong ginagawa mo dito, Frederico? " tanong agad ni Mommy.
"Bibisitahin ko lang sana si Angela. Nalaman ko na graduate na siya, bawal ba 'yun?" sagot din naman ni Daddy. may iniabot siya sa aking isang paperbag.
"Here is my gift, I hope you like it. Happy graduating, Angela."
Tinanggap ko ito. pero napatingin ako sa babaeng kasama niya nang makita kung umirap ito. Aba, Attitude 'to a. Sino ba siya?
"By the way, Hindi na kami mag tatagal at ihahatid ko pa si Savannah sa parent's niya."
"S-salamat, po."
"Tara na, Angela, pasok na sa loob," tinalikuran na kami ni Mommy at pumasok na sa loob nang bahay.
Alam ko na masakit pa din kay Mommy ang makita ang asawa na nanakit sa kanya. Maski ako, Ayoko naman na sana magkaroon nang ugnayan kay Daddy. Pero tatay ko parin naman siya, Hindi ko inaalis ang karapatan niya sa akin. Pero mas iniisip ko ang damdamin ni Mommy. Ayoko na nakikitang umiiyak siya dahil kay Daddy. Kahit naman ayaw niyang aminin, Alam ko, nararamdaman ko na mahal niya parin ito.
Agad na sila Daddy umalis. sila nang malditang babae na Savannah ang pangalan. Napaka-ganda, masama naman ugali.
Pumasok ako sa loob matapos ko maisara ang gate. Bitbit ang paperbag na bigay ni daddy.
Tinungo ko ang kwarto ni Mommy. Alam ko nando'n siya. At segurado ako magmo-mukmok na naman 'yun. Lalo't nakita niya ulit si Daddy. Nasa labas pa lang ako nang pinto nang kwarto niya nang marinig ko nanaman ang mahihinang pag iyak niya.
Nadudurog ang puso ko sa sandaling ito. Kailan ba si Mommy mapapagod na mahalin ang Daddy, Kahit na alam naman niya na hindi na siya nito mahal?
Napaisip ako. Talaga bang pagnagmahal ka, nakakapagod 'yun?
Eh, bakit mo pa pinili mahalin ang isang tao? Bakit mo siya niligawan, pinakasalan, Tapos iiwan mo lang pala sa huli. Ayaw ko magmahal!
Ayaw ko masaktan katulad ni Mommy!
Ayaw ko umiyak, Pero possible ba 'yun?
Lahat naman tayo magmamahal kahit ayaw natin.
Sana lang pag nagmahal tayo. Piliin natin iyong hindi sa atin mapapagod. Kahit hindi na tayo kamahal-mahal.
I considere my self as a man-hater, pero lahat ng akala ko tungkol sa lalaki. Lahat 'yon, pinatunayan ng isang Hendrick Saavedra na mali. Na kaya mag stick ng isang lalaki sa babaeng mahal nila. At siya 'yon.
He loves me, more than anything. and I'm willing to submit myself to him as his Innocent brat. Forever.
***
Mabilis ang kalabog ng puso ni Angela habang unti-unti niyang tinatalunton ang pasilyo patungo sa kanilang kwartong mag asawa.
Dalawang taon na silang kasal at sa loob ng mga panahong 'yon ay naging masaya naman sila kahit papaano.
He loved her.
Sa kanya lang umikot ang mundo ng asawa. Simula ng ligawan at alukin siya ng kasal. She gave in. Kahit na ba ay wala siyang balak na mag settle down sa isang lalaki.
She consider herself as a man-hater. It was all started when her father leave them for her mistress.
It crushed her soul everytime she hears her mother cries in their room. .
Wala siyang magawa para sa ina.
She promised na hindi siya tutulad rito na nasasaktan dahil sa pagmamahal lang. Never.
But that's all she thought. It didn't. She feel in love with her husband. hard.
Nasa punto na siya ng buhay niya na sa sobrang pagkahulog rito ay naging bulag at sobra siyang inosente sa lahat.
Huli na ng marealized na iyon lahat. Huli na. Nasaktan na siya, at patuloy pa ring nasasaktan....
Nasa tapat na siya ng pinto ng kanilang kwarto ng matigilan siya.
Tila siya itinulos sa kanyang kinatatayuan at parang may sibat na bigla na lang tumarak sa dibdib niya!
Did she hear it right?
"Aaaahh! f*ck, go faster...deeper!"
"Like this, huh?"
Napatakip siya sa kanyang bibig upang pigilan ang hikbi na muntik ng umalpas sa kanyang bibig!
Hanggang kailan ba niya kayang tiisin marinig ang bagay na 'to?
Hanggang kailan niya ba tatanggapin ang ganitong set up para lang hindi mawala ang asawa sa kanya?
Hanggang kailan??
It's been two years.... pero parang kahapon lang nangyari ang lahat.
kung paano ang masaya nilang pagsasama ay nauwi sa ganitong sitwasyon.
Ang kanyang asawa, At ang kabit nito...
Nasa iisang silid habang mainit na nagtatalik!
habang siya ay narito sa labas at umiiyak, at pinipigilan ang sarili na pumasok sa loob ng kanilang silid mag asawa para sugurin ang mga ito.
Hindi niya magawa, bakit? kasi wala siyang laban sa kabit nito.
Wala siyang laban sa taong sumira sa kanilang dalawa.
Paano niya sasabihin sa asawa na siya ang totoong asawa at legal. At ang katalik nito ay ang kabit at sumira sa kanila?
Paano niya ipaglalaban ang karapatan niya dito kong wala itong maalala sa nakaraan nilang dalawa?
Siya ang asawa..pero iba ang katabi nito sa kama..
Siya ang may karapatan pero iba ang sinisipingan.
"That was awesome, babe."
Narinig niya ang tinig ng babae. Hindi na niya hinintay na sumagot ang asawa at kaagad na umalis sa tapat ng pinto ng kanilang silid.
Malamang tapos na ang mga ito sa kanilang ginawa.
Mabigat ang loob niyang pumasok sa loob ng guestroom.
Kailangan na niya magawa ang plano bago pa mahuli ang lahat.
Hindi siya papayag na tuluyang maangkin ng babaeng 'yon ang asawa niya!
Humanda ka, dahil ito na ang huling beses na matitikman mo ang asawa ko.
At sisiguraduhin ko na gagapang ka sa putikan.Stella!