CHAPTER 1: Man-hater

535 Words
ANGELA "Ouch much lang... " Narinig ni Angela ang boses ng kaibigan si Faye pero hindi siya nag-abalang lingunin ito. Segurado, may pinapanood na naman ito sa cellphone na naka-touch sa damdamin nito. Iyon kasi ang hilig ni Faye, Ang manood nang kung ano-ano sa YouTube kahit yata ipis na naglalakad ay papanoorin nito. Dedma parin si Angela sa kaibigan, Busy siya sa pag- susulat nang article para sa ilalabas nilang interview sa isang sikat na personalidad.Isang billionaire ang nakatakdang i-feature nang TV Network na kung saan siya ngayon kasalukuyan nag ta-trabaho. Three months na siya sa Bangon Pilipinas, At isang malaking oportunidad para sa kanya ang makapasok rito. Isa si Faye sa mga kaibigan niya at kasundo sa ilang buwan niya rito. Nung una kasi, wala sa kanyang pumapansin. Minsan pa nga ay narinig niya sa cubicle ang tatlong babae na kasamahaan niya. Hindi naman daw siya fit para sa trabaho nang isang Journalist, masyado naman kung maliitin siya nang mga ito. Imbis na mainis at kumprontahin ang mga ito, Hinayaan niya na lang, Mas pinagbuti niya pa ang mga binibigay na trabaho sa kanya. Sa isang field trip nakilala ni Angela si Faye, at si Carol, mababait ang mga ito kahit alam niyang anak mayaman si Faye. Isang Saavedra si Faye, kilala at talaga namang mayaman sa larangan nang pagnenegosyo ang angkan nito. Pero kahit gano'n, Hindi ito ginamit ni Faye para makapasok sa Bangon. Seguro sa iba iyon ang iniisip, Madali naman para sa iba ang manghusga nang kapwa. D'yan yata sila magaling e, Pero sabi nga ni Faye. Hayaan lang daw at nakaka pangit daw ang stress. Isa sa mga bagay na gusto ko sa kanya. Possitive lagi. "Iyan ang hirap sa mag BFF na naglilihim ng tunay na feelings." Doon na napahinto si Angela sa paggalaw-galaw niya sa mouse ng Laptop. Hindi na siya nakatiis, Tinignan niya ito. Agad naman itinago ni Faye ang cellphone sa likod niya. "Nami-miss mo nang makutusan?" nakataas ang kilay kung tanong. "Ito naman, nilalayo ko nga para hindi mo makita," Aniya. tumayo ako para sana abutin ang cellphone na pilit niya itinatago sa likod. "Anu ba kasi 'yan?" "Wala 'to," "Anong wala? Ba't mo tinatago? Anu ba yan?" Agad naman niya itong isinilid sa bulsa niya. Hindi na ako nagpumilit pa. mukhang wala rin akong mapapala sa kanya. Anu ba kasi 'yon? Itong babae talaga na 'to ang daming alam. Baka mamaya niyan, Nakikipag-transaksyon na naman ito sa mga kilalang lalaki. Ibina-blind date na naman 'ata siya. Noong nakaraan kasi wala siyang kaalam-alam na naka set pala para sa kanya ang date na buong akala niya para rito. Para pala iyon sa kanya, Para naman daw magka-lovelife na ako. Kung di lang talaga kami ang tao ro'n, Makukutusan ko talaga siya. Wala siyang nagawa kundi ang tapusin ang blind-date na 'yun. nakakahiya sa ka-date niya, Mukha namang gentleman. Hindi naman naulit 'yun. Sinabi ko kasi sa kanya na ayaw ko makipag relasyon kahit kanino. I'm a man-hater, ayaw ko lang matulad sa Mommy. Mabuti na ang nag iingat. Hindi pa ako ready sa bagay na yan. Saka na seguro pag nakatagpo ako nang bukod-tangi. And I don't think that day will come.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD