Binitiwan niya ang kamay ko saka tumayo. "Ihahatid na kita sa inyo, It's late," tinalikuran niya ako at muling tinungo ang pinto. Nanatili naman akong nakaupo sa sofa. Napansin niya ang pananahimik ko kaya hinarap niya ako. "Get up. baka hinahanap kana ni Tita," malumanay niyang sabi. "Hindi ako uuwi," Sabi ko. "What?" "Bingi ka 'ba? Sabi ko, hindi ako uuwi. malaki naman 'tong condo mo. Kahit dito na lang ako sa sofa matulog," Nagsulubong naman ang kilay niya. pero s**t ang guwapo pa rin! "Hindi ka pwede rito," "Pero dinala mo ako dito?" Hinilot niya ang gilid ng kilay niya saka ako binalingan. "As long as kaya ko pang pigilan ang sarili ko, Tara na. Ihahatid na kita," Pinipigilan niya ang sarili? para saan? Binaba ko ang bag ko sa lapag ng carpeted niyang sahig saka ako h

