ANGELA
"Besy, I need to go. thank you. Nag-enjoy ako!" malakas na boses na paalam ko kay Faye. Hindi kami magkarinigan at napakalakas naman kasi nang tugtug na pumapailanlang dito sa taas ng rooftop! Nagsasayawan narin ang ibang bisita at sumasabay sa indak ng tugtugin. Nagpaalam na ako na uuwi ay gabi na din naman. It's 9pm. I know naghihintay na si Mommy sa akin.
"Gano'n ba? Magpahatid ka nalang kay kuya," suhestyon niya at ayan na naman ang ngiti niyang hindi yata mapagkakatiwalaan. Tsk!
"Hindi na! mukhang busy siya, hayaan mo na. magta-taxi nalang ako."
Tumango naman siya at sa huli, Hinayaan din ako na makalabas ng rooftop. Nag offer siya na ihatid ako hanggang labas pero biglang may lumapit sa kanya na bisita at tinanguan ko nalang siya.
Mag isa akong lumabas ng rooftop. Binabaybay ko na ngayon ang isang mahabang pasilyo patungo sa elevator nitong building. hindi naman kasi p'wede na lakarin ko ito pababa at napakataas!
Nakarating na ako sa lift ng biglang may isang matangkad na lalaki ang mas nauna pang pumasok!
Napatingin ako sa lalaking 'yon. ngunit gano'n na lang ang inis ko nang si Hendrick lang ang mabungaran ko. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Bakit ka sumunod? 'di bAa sinabi ni Faye na uuwi na ako?"
"Sino nagsabi sa 'yo na sinusundan kita? assuming ka rin e, noh?"
napahiya naman ako sa sinabi niya. Oo nga, bakit ko ba naisip sabihin 'yon? Eh kasi nasanay ako na para siyang kabute!
kong saan-saan sumusulpot! sinamaan ko siya ng tingin.Ngumisi lang naman siya at sinandig ang likod sa dingding nitong elevator. Nanahimik naman ako sa gilid at sinadya kong lagyan ng space ang pagitan namin. Ayaw ko madikit sa kanya! mamaya niyan, mahawa ako sa ka abnormal niya!
Hindi kami nang-imikan buong sandali na nasa loob lang kami ng elevator.Ilang minuto bago nagbukas ang lift at agad na ako lumabas. hindi ko na hinintay ang pagsunod niya.
Nasa gitna na ako ng paglalakad nang makaramdam ako nang tila mainit sa likod ko. kaya wala sa sariling nilingon ko ito. At halos himatayin ako sa nabungaran kong mukha ni Hendrick!
"Ano ba?! papatayin mo ba ako?!" inis kong bulyaw sa mukha niya. Pinaghahampas ko din ang dibdib niya. pero imbes na siya ang masaktan, tila ako pa 'yata ang nasasaktan!
Parang sinasapak ko lang ang isang bato sa tigas nito! Sinamaan ko na lang siya ng tingin. what the- bakit ba napaka charming niya sa paningin ko ngayon? Hindi! Erase! Erase!
wag ka magpapahulog d'yan!
remember your own rule!
Pero bago pa ako makahuma nahawakan niya ang kamay ko at walang ano-ano na basta na lang ako ipinasok sa isang silid! Oh no!
"Bakit mo 'ko pinasok rito? kaninong silid 'to?!" sigaw ko.
"Can you please, shut up! naririndi ako sa 'yo."
Tila asar na siya. pero imbis na tumahimik gaya ng sabi niya mas nagsisigaw pa ako!
"Tulooong! Tulooong! Hmp--"
nanlaki ang mata ko nang agad niya takpan ng dalawang palad niya ang bibig ko!
"Sshh.. stop doing that! wala akong masamang balak sa 'yo! I just want to talk to you."
"Eh. bakit dito pa sa kwarto? p'wede naman sa labas tayo mag usap! Ang sabihin mo.balak mo talaga akong manyakin!"
Sabi ko pa. napangiti naman siya pero pansin ko na pilit lang 'yon.
Tumingin siya sa akin at saka hinawakan ang mukha ko. Hinaplos niya ang pisnge ko sa napakagaan na paraan.
halos gusto ko naman mapapikit sa ginagawa niya. Napatingin ako sa kanya ng ibaba niya ang kamay at huminga ng malalim.
"I like you. Angela, Sa 'yo ko lang unang naramdaman ang ganitong pakiramdam. nakakatakot..."
Aniya sa napakahinang tinig. na para bang sarili lang niya ang kausap niya pero umabot pa rin ito sa pandinig ko.
sasagot sana ako nang magsalita siya ulit.
"Hindi mo kailangam sagutin ang nararamdaman ko para sa 'yo. I need to ask you a permission Instead," sinalubong niya ang mata ko at tintigan ako nang napakalambing.
Hayss.. bakit ba ganyan 'to? paano ako hindi mahuhulog sa kanya n'yan!
"Can I court you... Officially? with the permission of your mommy...ofcourse."
"Mahal ako ligawan."
"I'm ready! just tell me what you want. I'll give it to you."
Napataas ang kilay ko . Talaga lang ha? isang kalokohan ang naisip ko. ngumiti ako sa kanya.
"Sige. papayagan kita manligaw...since makulit ka, basta susundin mo lahat ng gusto ko."
"What is it, then?"
napangisi ako.
"I need you to bring me flowers every time na pupunta ka sa bahay, but I want the expensive one. Kaya mo 'ba?"
sana lang hindi niya isipin ma materialistic ako. I need to see kong kaya ba niya akong pagtiisan. Tignan natin kong hanggang saan ang kaya mo. mostly, ang lalaki ay ayaw na ayaw nila sa demanding na babae. pero iba ako. Kailangan ko maging demanding sa kanya to prove na malinis ang intensyon niya sa akin. malay ko ba kong gusto niya lang pala ako ikama... d*amn!
nag init ang pisnge ko!
"Your blushing again."
"Tse!" napahalakhak naman siya. Kinurot niya ang ilong ko. Pero iniwas ko naman ito.
"When will I start to court you? wag mo naman sana patagalin ha, sagutin mo 'ko agad labs."
Sabi niya habang may pilyong ngiti sa labi niya.
Napangiwi ako sa tinawag niya sa akin. Ang baduuy!"Stop calling me that. I hate it!"
"Ang alin? Labs? maganda naman ah."
My god! stop!
pero parang sira na inulit-ulit niya lang itong sambitin habang inis na inis naako. Agad ko siya tinalikuran at lumabas sa kwarto. Pero parang gusto ko tumakbo pabalik sa loob ng makita ko ang dalawang tao na naglalampungan habang papasok sa loob ng isang kwarto na katabi lang ng kwarto ni Hendrick.
Bago mag sara ang pinto napatingin sa akin ang lalaki. bakas sa guwapo niyang mukha ang gulat.
marahil hindi niya inaasahan na makikita niya ako rito.
Akala ko lalabas siya at kakausapin ako. pero sinara niya ang pinto na tila walang nangyari.
Nagngitngit naman ang kalooban ko. Huh! Pati ba naman ang malditang 'yon pinatulan niya?
Napalingon ako nang lumabas si Hendrick. Hindi ko siya pinansin. bahala siya d'yan! nagbago ang isip ko. hindi ako magpapaligaw sa kanya! pare-pareho lang sila lahat!