"NAPAPIKIT at napailing-iling si Angela habang hinahagod ang likod ng umiiyak na kaibigan na si Faye. Tatlong araw na itong ganoon. "I want to die, Angela! I want to die now," anito habang umiiyak. "You're crazy, Faye." Ayaw niyang isipin na seryoso ito sa sinabi. Marahil ay dala lang iyon ng labis na depression nito sa kinahinatnan ng love-life nito. "Yes, I think I'm going crazy, Angela." madramang sabi nito. "Sshh... stop saying that, okay?" Umupo ito sa paanan ng kama nito at isinubsob ang mukha sa unan. "Bakit niya nagawa sa akin ito? Wala naman akong ginawang masama sa kanya. Minahal ko siya ng sobra-sobra." Nahagulgol ito. Awang-awa naman ako dito. pero hindi ko alam paano aluin ang kaibigan ko pagdating sa ganitong problema. Paano? Hindi pa naman ako nagka-boyfriend!

