Mabilis ko lang ni-drive ang papunta sa Ihaws dahil madaling-araw na at wala nang traffic. Pagkarating ko doon, nasa harap pa lang ako ng Ihaws at hindi pa bumababa ng sasakyan ay kita ko na siya na umiinom doon. Tumulo kaagad ang mga luha ko dahil nakita ko kung gaano siya kamiserable ngayon. Sinungaling ka, Alexa. Kung totoo 'yung mga sinasabi mo sa akin kanina, hindi siya magkakaganyan ngayong wala ka na. Nakita ko kung paano niya inubos ang natitirang laman sa bote bago dumukmo sa lamesa. Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya nang makita ko kung paano gumalaw ang mga balikat niya habang nakadukmo sa lamesa. Bakit kailangan kong masaksihan ang lahat ng ito sa kaniya? Bakit kailangang ako pa, na sobrang nasasaktan kapag nakikita siyang nasasaktan? Nang mapakalma ko na ang sarili ko mula

