Mahigit dalawang linggo na ang nakakaraan simula noong pangyayaring iyon, at sa loob ng dalawang linggo na ‘yon, lagi ko siyang pinupuntahan para dalawin. Baka mamaya, magulat na lang ako na nakita ko siyang nakabitin na sa lubid. Baka mamatay ako kapag nalaman ko ‘yon. Kahapon ay nakatulog ako sa kuwarto niya, pero sa pagkakatanda ko ay sa couch lang ako nakatulog. Nagising na lang ako nang nasa kama na niya habang siya ay nasa couch. Hindi ko tuloy nai-check kung kumain ba siya ng dinner, ‘yun pa naman ‘yung lagi kong sinisigurado. Bago umalis ay kinumutan ko siya at pinakatan ng post-it note sa noo. Nang makauwi ako sa amin ngayon ay iginayak ko na ang mga isusuot at dadalhin ko sa trabaho, pero sa kalagitnaan no’n ay muli kong nakita ang singsing na hindi niya nagawang pakinabangan

