Chapter 5

1177 Words
Shawn's POV Mahigit isang oras na rin akong nakatayo dito sa tapat ng elevator. Walang pake kung malate sa meeting o sumakit ang dalawang paa ko sa kakahintay. Sunod-sunod na rin ang mga tawag at text na natanggap ko mula kay Keegan. Kung hindi puro angry emoticons ay may kasama ng mura—siraulo. "Sir may hinihintay po ba kayo?" Napalingon ako sa isang crew dito. Nakangiti ito kaya mas lalo akong naasar. Tangina, ang pangit na nga nang gising, ang pangit pa nitong ngumisi. Hindi ko ito sinagot at tumingin na lang sa relos ko. Magdadalawang oras na. Bakit hindi pa siya nalabas? Mag-aala siyete na at alam kong ganitong oras ito naalis. Hindi ko rin alam ang cellphone number niya kaya hindi ko ito magawang i-text. Dapat pala ay hiningi ko kay Ace. Tangina, nagsisimula pa lang ako pero parang olats na. Sunod sunod na ang mga taong sumasakay sa elevator. Isang pamilyar na mukha ang nakita ko. "Sino gang hinahantay mo diyan Shawn apo?" tanong ni Mrs. De Viña—ang may-ari ng building na ito. Kilala na ako ni Mrs. De Viña dahil mahigit dalawang taon na rin akong nakatira dito, wala na ang asawa ni Mrs. De Viña at wala rin silang mga anak kaya kapag Pasko at Bagong Taon ay lumalabas kami nito. "Wala po—" "'Yung artista ba kamo na si Jade?" nakangiting sabi niya, "Nako, napakabait na bata non apo. Tama ka nang napili pero nakita ko du'n sa hagdan dumaan, e." patuloy niya "Hagdan?" Tumango si Mrs. De Viña kaya napakurap ako. Iniiwasan niya ba ko? Bakit siya naghagdan? Dali-dali akong sumakay ng elevator at nagpasalamat kay Mrs. De Viña. Saktong alas-otso ako narating sa opisina, agad na mura at mahihinang suntok ang natanggap ko kay Keegan.  "Kanina pa naghihintay ang board!" naiinis na bulong nito "As they should." sagot ko kaya naman muling lumapat ang kamao niya sa kaliwang braso ko, mas masakit kaysa sa mga nauna nitong suntok. Pagkapasok sa meeting room ay agad na nagtayuan ang mga miyembro at tumango ako bago sila senyasan na umupo. Inayos ko ang suot kong suit bago rin umupo. "So what we got here?" tanong ko at binuklat ang nakahain na dokumento sa harap "As of now Sir, we are having trouble casting our model for this month's collection."  Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi nito dahil noong isang linggo lang ay nakasettle na ang kinuha naming model.  "What do you mean?" pagkumpirma ko rito "The model that we've cast had an issue with her company. It's all over the internet, Sir and I think that continuing working with them will affect us." sagot nito sa akin na naging dahilan upang matahimik kaming lahat "Any back up plans?" tanong ko makalipas ang ilang minuto "I think Sir, to make this month's collection possible we should cast someone who's talk of the town today." suhestiyon ni Keegan  Napaisip ako sinabi ni Keegan, halos hindi ako kumurap dahil doon bago magsalita ay malalim muna akong nagpakawala ng hininga.  "Make a list of all the models and actors that are in the limelight today, then submit it to me this afternoon, 3 pm. " tugon ko at tumayo na sa kinauupuan, sabay sabay namang nagsitayuan ang mga ito bago ako umalis ng silid. Napahawak ako sa aking sintido, naalalang hindi pa pala ako kumakain ng almusal. I clicked my intercom device na nakabuild-in sa aking opisina. "Let's have lunch."  "Alonzo kung hindi lang din ito ang ibibili mo sa akin mas mabuti pang 'wag ka na lang din kumain." matigas na sambit ni Keegan habang tinuturo ang combo meal na gusto niya.  Saglit akong lumingon dito bago muling ibalik ang tingin sa aking telepono na kanina pang hinihintay ang mensahe ni Ace na hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sine-seen kahit na online naman ito.  "Here's your order Sir." muling naalis ang mata ko sa aking telepono nang inilapag ng waiter ang aming order, bago magsimulang kumain ay muli kong sinulyapan ang ngayo'y nakalapag na sa aking gilid.  "Kumain ka muna mamaya mo na tingnan kung na-send na ba ni Ace ang number ng ex mo." sabi ni Keegan bago ako irapang muli Kahit na labag sa loob ay malalim na butong hininga ang aking inilabas bago nagsimulang kumain na aking tanghalian. Hindi nagustuhan ni Keegan ang kaniyang combo meal na inorder kaya naman ngayon ay 'yung pagkain ko ang pinupunterya niya, pasimple simple itong kunyaring natikim lamang ngunit wala pang isang saglit ay nakipagpalit na ito sa akin. Walang pang isang oras nang matapos kaming mag-lunch ni Keegan, kasalukuyan ko siyang hinihintay dito sa labas ng Starbucks dahil bumibili ito ng kape naming dalawa at ng kaniyang dessert.  "Please make sure that all of the information is detailed and complete." sabi ko  "No problem Sir."  Tumango ako nang hindi inaangat ang ulo dahil patuloy lamang ako sa pagsusuri ng mga dokumento na hindi ko natapos trabahuhin. Habang iniisa-isang binabasa ang mga nakasulat dito ay sa hindi inaasahang oras ay tumunog ang cellphone ko, ang kanina ko pang hinihintay na mensahe mula kay Ace ay dumating na.  Mabilis akong napatayo sa aking kinauupuan, hindi ginagalaw ang nakapatong na telepono sa ibabaw ng mga mahahalagang dokumento na para bang mas mahalaga pa kaysa sa mga ito. Mahalaga talaga at nakasasalay diyan ang buhay at pag-ibig ko.  Lumayo ako sa aking lamesa sa kadahilanang hindi ako makahinga ng ayos, na para bang sa isang sandali lamang ay hindi ko mapipigilan ang sarili ko na makagawa ng mga bagay na sobrang implusive at maging sanhi pa ng kapalpakan. Mahigit ilang minuto na rin akong nakatitig dito, ayokong galawin muna. Kailangan kong pag-isipan nang mabuti kung anong mga dapat kong sabihin sa kaniya. Hinubad ko ang suit na suot ko at inihagis iyon sa couch na malapit sa akin at diretsong niluwagan ang neck tie ko dahil nakakaramdam ako ng init. Ni hindi pa nga rin bumabalik sa normal na t***k ang puso ko. Mukhang mali na nagkape ako kanina bago bumalik dito sa kumpanya.  "Should I call her?" bulong ko sa sarili at saka lumapit sa aking lamesa. Muling napailing sa aking nasabi, kung tatawagan ko siya ano namang sasabihin ko?  Hindi ko pa nabubuksan ang mensahe nang mapabalik ako sa aking kinauupuan dahil may nagbukas ng pinto ng aking opisina. Mabilis akong nagpanggap na nakatutok sa pagbabasa habang mahinang umuubo ubo.  "Is that the list that I need?" tanong ko dito  "A-ah yes Sir." awkward itong ngumiti sa akin at saka inilapag ang mga isang folder sa aking harapan Marahan ko iyong kinuha at binuksan, marami rami ring mga models ang available ngayon. Tumatango ako dahil kumpleto ang mga detalyeng hinihingi ko, nakalagay na rin dito ang mga schedule at mga number ng agency ng bawat modelo, habang patuloy na sinusuri ang mga nakalista ay pumukaw ng atensyon ko sa akin ang isang pangalan.  Malawak akong ngumiti at pinitik ang folder na hawak hawak ko. Ibinaba ko iyon at hindi na muling binuklat pa ang mga kasunod pang mga papels. "Bingo!" 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD