Shawn's POV
Napangiti na lang ako habang nakaupo dito at nakatingin sa t-shirt na binigay niya. Lakas talaga ng trip ng babaeng 'yon at ang lakas din naman ng tama ko don.
Salita ako nang salita wala na pala siya. Sa nakalipas na walong taon at isang linggo ngayong araw lang ulit ako naglakas loob.
Muli kong inilibot ang mata ko sa kaniyang kwarto. Masasabi ko nga talagang kaniya itong kwarto.
Natigil ako sa pagtingin tingin nang makarinig ako ng mga boses.
"Now let's go to my room." malakas na sabi ni Jade, medyo kumatok pa ito para siguro ipaalam sa akin na papunta sila.
Lumingon lingon ako upang maghanap ng tataguan. s**t, walang CR dito sa kwarto niya.
Mabilis kong binuksan ang isang pinto, mukhang walk-in closet ito. Mukhang papasukin din nila ito kaya nagtago ako sa likod ng mga gown at mahahabang dress niya.
Nangangapos na ako sa hininga, nasakit na rin mga tuhod ko dahil nakaluhod ako.
"s**t!" mahinang usal ko
Umabot ng fifteen minutes ang itinagal nila dito sa kwartong 'to. Napupuno na ako ng pawis at mukhang bibigay na rin ata ang tuhod ko.
Pagkasara ng pinto ay agad akong lumabas sa pinagtaguan ko. Ramdam ko na ang pagtagaktak ng pawis ko sa noo at dibdib.
Hinubad ko kaagad ang t-shirt na suot ko at hinilot hilot ang tuhod na sumasakit sa pagkakaluhod kanina.
Pagkalabas ko sa walk-in closet ay umupo ako sa kama at inihiga ang kalahati ng katawan ko.
Nakangiti akong pumikit at inalala ma naman ang mukha niya. Langya, hindi ko inakala na magiging ganito siya kataas.
Parang dati magkaholding hands lang kami, ngayon marami ng nakakahawak sa kamay niya. Parang dati niyayakap ko pa siya mula sa likuran, ngayon nagkakandarapa lahat mayakap lang siya. Parang dati nahahalikan ko pa siya—
Napabangon ako sa ideyang pumasok sa isip ko. Tangina, artista na nga pala siya. Ibig sabihin may naging kissing scene na siya?
Nanlalaki ang mata at tumitibok na ng mabilis ang puso na parang gusto nang kumawala.
"Bakit ngayon ko lang naisip 'yon? Tangina naman talaga!" inis kong sinabunutan ang sarili ko
Saktong bumukas din ang pinto kaya napatitig ako.
Nanlaki ang mata niya pero agad ding nakabawi. Kaya naman kumunot ang noo ko.
"Bakit?" tanong ko
Hindi ako makatingin sa mga mata niya, nasa mga labi niya ako nakatitig. Parang gusto kong ipatumba ang lahat ng mga lalaking nakasama niya sa drama.
"'Wag ka munang lumabas, nasa salas pa sila. Tatawagin na lang kita kapag wala na sila."
Ibubuka ka pa lamang 'yung bibig ko nang lumabas na siya ng pinto.
Hindi alam kung matatawa o maiinis sa ginawa niya.
Habang nanggigil akong nakahawak sa cellphone ko dahil sinearch ko ang lahat ng mga drama ni Jade. Inisa isa ko simula sa mga pinakauna niyang mga naging drama hanggang ngayon.
Akala ko ay makakahinga na ako ng maluwag nang mabasa ko ang isang article na kakarelease lang kahapon.
Aktres na si Jade Madrid, pumayag na nga ba sa kauna-unahang kissing scene niya sa panibagong drama kasama ang aktor na si Chaos Avenido?
"Tangina, sino ba 'tong Chaos na 'to? Literal na panggulo." malakas na sigaw ko
Huli na upang maalala na may mga tao nga pala sa labas. Magtatago na sana ako nang bumukas ang pinto.
Salubong ang kilay niya, halata mong naiinis sa akin—baka sa presensiya ko rin.
"Wala na sila?"
"Pwede ka ng lumabas." sabi nito kaya nagtaka ako pero tumayo na rin at isinabit ang t-shirt sa kaliwang balikat.
"Wala na sila?" pag-ulit ko papalabas sa kwarto niya na nakasilay sa kaniya na kasunod ko lamang.
"Eh kayo wala na?"
"Gago, matagal na silang wala."
Automatikong pumihit ang ulo ko pakanan nang makarinig ng mga boses.
"Anong ginagawa niyo dito?"
"Ikaw, anong ginagawa mo dito?" natatawang pabalik na tanong ni Ace kasama ang kaniyang misis.
Nakasimangot akong nakatingin sa lahat—mga nagtatawanan. Langya, mga istorbo.
Habang nakahalukipkip ay may tumapon na t-shirt sa mukha ko.
"Tang—"
"Wala ka sa photoshoot para i-display 'yang katawan mo."
Nagtawanan ang mga loko. Muntik ko ng masuntok si Ace kung wala lang ang asawa.
Hindi ko na naman alam kung matutuwa ba ako o maiinis sa ginawa niya sa akin. Gusto kong umiling pero pinigilan ko dahil baka asarin na naman ako ng mga gago.
Napagdesisyunan ng lahat na magmovie marathon at mamaya ng alas-sais ang uwian.
Hindi magkandaugaga ang mga babae kung anong palabas. Ang gusto kasi ni Jade at Robi ay action samantalang si Bea ay romance.
Lumapit sa akin si Trick at inabutan ako ng bote ng Tanduay Ice since 'yun lang ang alcohol na nasa ref ni Jade.
"Ganda ng ex mo 'no?" asar nito sa akin. Hindi ko siya pinansin, dahil busy ang mga mata ko na nakatitig kay Jade.
"Mahal mo pa ba?" tanong naman ni Jake
"Ang obvious ng sagot Jake." sabi ni Sid
"Kung mahal mo dude,"
Naalis lang ang mata ko kay Jade nang magsalita si Ace sa seryosong tono. Bihira lang 'tong magseryoso kaya sigurado akong matino ang sasabihin nito.
Lahat kami ay nag-aabang sa sasabihin niya. Hinihintay ang muling pagbuka ng kaniyang bibig. Natigil ako sa paglunok ng laway.
"Kung mahal mo dude, anakan mo."
Humalakhak ang apat sa katarantaduhan ng gago. Kahit may asawa na wala pa ring pinagbago.
Kahit na nakatingin ang misis nito ay sinuntok ko. Namumuro na, buminggo na ang gago.
Natawa pa rin kahit na pinagsasapak ko na, akala ko ay susugurin na ako ni Robi pero wala itong ginagawa at bumalik sa pagtingin sa mga bala na hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos magtalo.
Umayos kaming lima na nakaupo sa sofa. Nag-iba bigla ang aura ni Ace.
"Pero seryoso dude, kung mahal mo talaga suyuin mo ulit—mali, paulit ulit hanggang sa magsawa siya at bumigay ulit. Alam mo kasi kapag wala kang ginawa, maniwala ka sa hindi dude, pagpikit mo pa lang ng mata mo may kaagaw ka na sa pantal mo."
Tumingin ako kay pantal saka kumurap ako ng dalawang beses. Bigla akong napalunok.
Huminga ng malalim si Ace, "Sa walong taon na ang nagdaan na hindi mo nasilayan 'yung mukha niya tiniis mo lahat. Paano pa kaya kapag abot kamay mo na ulit, hindi mo pa mahawakan? Parang ganito lang 'yan eh dude, para hindi na makawala, subukan mong higpitan. 'Wag mong hintayin na maluwag na nga 'yung pagkakatali, tinanggal pa ng iba 'yung pagkakabuhol mo."
Kumunot ang noo ko sa mga sinabi ni Ace.
Hanggang pagtulog ay palaisipan pa rin ang mga salitang sinambit ng gago.
Anong klaseng higpit ba ang kailangan kong gawin para hindi tanggalin ng iba ang pagkakabuhol ko sa tali?