Jade's POV
"Bukas may photoshoot ka para sa drama niyo."
Tumango ako habang nakapikit, "Anong oras?"
"2 pm,"
Pagkahatid sa akin sa condo ay sumakay agad ako ng elevator. Gusto ko na ulit matulog dahil sobrang puyat ako kagabi—nagguest pa kasi ako sa Gandang Gabi with AJ.
Pagkabukas ng pinto ng elevator hudyat na nandito na ako sa floor ko ay sumalubong sa akin si Shawn at ang isang babae na nakapiggyback ride kay Shawn.
"Hindi ka ba titigil?"
"Siraulo ka ba? Ikaw ang nauna!"
Mabilis akong napakurap ngunit agad ding ngumiti sa kanila.
"s**t, siya si Jade Madrid?"
Mula sa pagkakasampa sa likod ni Shawn ay bumaba siya at saka ako hinila papalabas ng elevator.
"Siraulo ka talaga Alonzo, hindi mo sinabi sa akin na magkapitbahay kayo ng girl crush kong artista." malakas na sabi nito
Naguguluhan akong ngumiti sa kaniya. Habang siya naman ay sinusuntok suntok pa ang dibdib ni Shawn.
"Naglunch ka na?" tanong nito sa akin, sasagot pa sana ako ng higitin niya muli ang kamay ko. "Tamang tama sumama ka na samin crush."
Hindi pa rin ako makapagreact sa nangyari kanina. Habang daldal nang daldal itong kasamang babae ni Shawn ay nilalaro kong cheesecake sa harapan ko.
"Ayan lang talaga kakainin mo?"
Napaangat ako ng ulo sa tanong ng secretary ni Shawn kaya tumango ako bilang tugon.
"Ganiyan ba talaga kumain ang mga artista?" tanong niya pa
I was taken a back. Magsasalita na sana ako.
"'Yang kain mo, walang wala pa 'yan sa kain niya."
"Paano mo nalaman Alonzo?"
Nagkibit balikat ito at saka nagpatuloy sa pagkain.
Naramdaman ko ang pagkislot ng puso ko. Para saan 'yun?
Pagkalabas namin ng restuarant na ito ay nagsipagdatingan ang mga tao. Kaniya kaniyang kuha sila ng litrato.
"s**t, baka madiscover din ako 'pag nakita pagmumukha ko." rinig kong bulong ng secretary ni Shawn
Sa sobrang daming tao ay hindi kami makausad. Siksikan, natatapakan na ang paa ko.
"Jade papicture!"
"Jade isang hi naman d'yan!"
"Jade, I love you!"
Mabilis ang pangyayari, muntik na akong matumba dahil natulak ako ng mga tao sa kanang bahagi ko.
Nag-init ang mukha ko dahil sa kamay niyang nakahawak sa bewang ko.
Mabilis akong tumayo at saka inayos ang sarili. Shemay, nakakahiya!
Nang makapasok na kami sa building ng condo unit namin ay nagpaalam na 'yung secretary ni Shawn.
Hindi ko alam kung bakit sa isang linggo ko pa lamang na pananatili dito ay etong elevator na 'to ang saksi sa lahat ng pangyayari sa buhay ko ngayon.
Ang sarap tuloy maghagdan.
"Salamat nga pala kanina."
"Okay lang." mahinang sabi nito kaya hindi ko na narinig pa ang mga kasunod na salitang binigkas niya
"Ano?"
"Nandito na tayo. Pahinga ka na."
Nauna itong lumabas ng elevator at pumasok sa unit niya.
Kinapa ko ang noo ko at pisngi pati na rin ang leeg ko. Feeling ko kasi magkakasakit ako—ang init ng pakiramdam ko.
Pagkapasok ko ay pabagsak akong humiga sa sofa.
Hindi pa nga nagsisimula ang taping ay drain na ako. Kinuha ko ang cellphone ko dahil tumunog ito.
Madalas akong makatanggap ng mga spam messages at calls pero kapapalit ko pa lang ng number ay may isang unregistered number na agad ang natawag.
Kahit na ayaw kong sagutin ay ginawa ko pa rin.
[Finally you answered.]
Kumunot ang noo ko dahil pamilyar sa akin ang boses pero hindi ko matandaan kung sino ang nagmamay-ari nito.
"Hello? Sino 'to?"
[So this is really your number? I thought Tita Eva's joking.]
Pumitik ako nang matandaan kung kaninong boses ito.
"Uhm, bakit ka napatawag?"
[I'm just checking, saka naiwan mo 'yung script book mo sa office kanina kinuha ko na rin para bukas maibigay ko sayo.]
"Ahh."
Tumayo ako mula sa pagkakadapa at nagtungo sa kusina at binuksan ang ref.
Wala ng nagsalita sa aming dalawa. Akala ko tuloy ay patay na 'yung tawag pero nu'ng tiningnan ko ay hindi pa.
"Hello?"
[Do you sing?]
Nagulat ako sa tanong niya.
"Ba—"
[Wala wala, 'wag mo ng pansinin 'yun. I'm going to hang up now. See you Jade!]
Hindi na ako nakasagot dahil apat na sunod sunod na tunog ang tumapos sa tawag.
Inilapag ko ang cellphone ko sa bar counter. Nag-iisip kung anong kakainin ko dahil hindi ako nabusog sa cheesecake.
Habang nakasilip ang mukha sa ref at inililibot ang mata ay biglang tumunog ang doorbell.
Hawak hawak ko ang malaking ice cream nang nagtungo sa pinto, hindi na ako nag-abala pang tingnan ang cam sa may gilid ng pinto kaya binuksan ko na ito.
"Ba—"
"Let's go out on a—"
"Saan po ang unit ni Jade Madrid?"
Mabilis kong hinigit papasok si Shawn dahil may mga reporter sa hallway ng floor namin.
Tinago ko siya sa likod ko at sumilip sa mga reporter at interviewer na kinakausap 'yung isang babae.
"Jade..."
"Wait lang,"
"Jade..."
"Teka muna Shawn."
"Jade ma—"
"Sabing teka lang—"
"May natawag sayo." sabi niya at itinuro pa ang cellphone ko sa bar counter. Kapansin pansin din na bukas pa rin ang ref.
Sinarado ko ang pinto at kinuha ang cellphone. Nagtaka ako dahil natawag si Mela.
"Bakit Mela?"
[Ate Jade, ni-resched 'yung interview mo.]
"Ha?" malakas na sigaw ko at inilibot ang mata sa kabuuan ng condo ko.
Mabilis na kumilos at tinanggal ang mga nagkalat sa lamesa at sofa.
"s**t," bulong na usal ko at hindi na magkandaugaga.
[Ate Jade?]
"Yes?"
[House tour 'yun Ate Jade.]
"Ha?"
[House tour, papunta na kami—]
I ended the call. Agad kong chineck ang kwarto ko, kusina, banyo at kung saan pang sulok ng bahay nang mabunggo ko ang nakatayo na si Shawn.
Parehas kaming natumba sa sofa. Nakapatong ako sa kaniya at ang dalawang kamay niya ay nakapulupot sa bewang ko. Suminghap ako dahil narealize ko kung gaano kami kalapit sa isa't isa.
Agad kong iniwas ang mata ko sa kaniya at tumayo. Alam ko ring namumula ang mukha ko.
"Ah a-alis na lang a—"
"'Wag!" sambit ko at hinawakan ang pulsuhan niya. Muli akong napapikit dahil sa sinabi ko. "I mean 'wag, kasi nasa labas 'yung mga interviewer. Ano na lang ang iisipin nila kapag nakita ka nilang lumabas galing condo ko?"
Huminga siya ng malalim at saka ngumisi.
"Ano na lang gagawin natin?"
Kumurap ako sa tanong niya. Nang aakit ba siya?
*ding dong*
"Magtago ka!" sabi ko at itinulak siya sa loob ng kwarto ko.
Inipit ko ang buhok ko at saka inayos ang sarili.
"Ate Jade!" sigaw ni Mela habang bitbit bitbit ang isang dosenang damit kasama si Lucy.
"Magbihis ka na Ate Jade! Hindi ka na namin aayusan." segunda pa ni Lucy
Habang hila hila ko ang damit na nakasampay na dala dala nila papuntang kwarto ay napagtanto ko na nasa loob nga pala si Shawn.
"Paano ako magbibihis?" bulong ko sa sarili
Pagkapasok ko ay bumungad sa akin si Shawn na hawak hawak ang cellphone niya at kinukuhanan ng picture ang malaki kong portrait na ako mismo ang gumawa.
"Anong ginagawa mo?" mahina kong tanong pero may gigil.
Lumingon siya sa akin at ngumiti.
"Ikaw gumawa nito?" tanong niya
"Tumalikod ka," utos ko sa kaniya
"Ha?"
"Tumalikod ka, magbibihis ako."
Tatlong beses nitong kinurap ang mga mata habang nakaawang ang labi.
Mabilis kong inihagis sa kaniya ang isang t-shirt na nakita ko, nasalo niya naman ito at saka tinitigan.
"Itaklob mo 'yan sa mukha mo at tumalikod ka na. Magbibihis na ko."
Sumunod siya sa akin, umupo muna siya sa kama, pagkatapos ay ipiniring niya ang t-shirt na binigay ko at tumalikod.
"Tapos ka na ba?" tanong niya kahit na kakatalikod niya pa lang.
"Hindi pa."
"Okay,"
Kahit hindi ko siya nakikita ay alam kong nakangiti siya.
Binilisan ko na lang at pagbibihis dahil nakakairita, tanong siya ng tanong kung tapos na ba ako.
Marahan akong lumabas ng kwarto at iniwan siya doon na tanong nang tanong.
Palihim akong natawa. Bahala siya doon magsasalita mag-isa.