KABANATA 2: MERCADO DEL RIO

1669 Words
MAKALIPAS ang kalahating oras ay lumabas si Arthur ng mansion upang magpahangin. At nang pagdating niya sa terrace ay pansin niya ang supot ng pera na pinambayad niya kay Luna. “Teka, ano ‘to? Ito ang perang binayad ko sa babae kanina, ah!” aniya sa sarili. “Huh! Iba rin ang paninindigan ng babaeng iyon, ah! To the highest level din ang ‘ego’, pera na nga tinanggihan pa!” singhal na sambit niya sabay iling ng kaniyang ulo. “Ah, sarap talaga ng hangin dito sa pinas!” sambit niya sarili. Habang tahimik na pinagmamasdan ni Arthur ang kulay asul na kalangitan ay biglang tumunog ang kan’yang cell phone. Agad naman niya itong sinagot. “Hey, Arman! How are you, Bro!” “Yes, I’m good!” “Kararating ko nga lang din, eh! Nandito ako ngayon sa mansion!” “O course! Ikaw ang bahala, basta promise mo sa akin, pa-birthday gift mo na ‘yan sa akin, ha!” halakhak na sambit ni Arthur sa kausap. “Talagang kilalang-kilala mo na ako, ha! Sige, mag-usap nalang tayo after ng Birthday Party ko, bye bro!” masayang bigkas ni Arthur sa kausap niyang nasa kabilang linya. Kinagabihan, habang binibilang ni Luna ang mga perang kaniyang kinita sa paglalako ng mga ulam ay siya namang pagdating ng lasing niyang nanay. Nagulat si Luna ng bigla nalang sinipa ng kan’yang ina ang kanilang pinto. “Luna! Bakit gising ka pa, ha?! Hindi ba kabilin-bilinan ko sa ‘yo na matulog ka ng maaga!” sigaw na sambit ni Sonia. “Binilang ko lang po ang kinita ko kanina sa paglalako ng ulam, ‘nay,” mahinang boses na wika ni Luna. “Sige na! Umakyat ka na sa taas at matulog ka na!” bulyaw ni Sonia. At nang paakyat na si Luna ng hagdanan ay agad siyang tinawag ni Sonia. “Hoy, Luna! Iwan mo na rito ang mga perang binilang mo kanina, akin na, bilis!” lasing na boses na bigkas ni Sonia. “Pero ‘nay, itatabi ko po ito para sa darating na exam nina Fino at Sheena,” paliwanag ni Luna. “Akin na sabi! Hoy Luna, makinig kang mabuti! Total, ikaw naman ang may gusto na pagtapusin sa pag-aaral ang mga kapatid mo, ngayong darating na Lunes sumama ka sa akin dahil malaki ang kikitain mo ro’n!” bulyaw na sambit ni Sonia. “Kaya akin na ang perang binibilang mo kanina!” sigaw ulit niya. Walang nagawa si Luna kung ‘di sundin ang sinabi ng kaniyang ina. Pahikbing inakyat ni Luna ang hagdan patungong kuwarto ng kan’yang nakababatang kapatid na si Sheena. Dahil dalawa lang ang kanilang kuwarto sa itaas, sina Luna at Sheena ay nag-se-share lang sa iisang kuwarto at sa kabila naman nito ay si Fino. Pagpasok ni Luna sa kanilang kuwarto ni Sheena ay agad niyang nilapitan ang kapatid na mahimbing nang natutulog. “Sheena, pagpasensyahan mo na si Ate, ha? Hindi ko ulit nagawang itago ang pang-tuition ninyo ng kuya Fino mo. Hindi ko naman alam na uuwi pala si nanay ngayon, eh,” hagulgol na sambit ni Luna, habang nakasandal sa paanan ng kapatid. “Basta ito ang tatandaan n’yo, hinding-hindi ako papayag na magiging katulad ninyo si Ate na hindi nakapagtapos ng High School. Kaya gagawin lahat ni Ate para makatapos kayo ng pag-aaral,” hikbing wika ni Luna. Habang umiiyak si Luna, lingid sa kaniyang kaalaman ay palihim din palang nakikinig si Sheena sa kaniya, at palihim din itong umiiyak, habang yakap-yakap ang unan niya. “Pasensya ka na rin Ate, alam kong nahihirapan ka na dahil sa amin. Magkaiba man tayo ng tatay pero ramdam ko pa rin ang pagpapahalaga mo sa amin ni Kuya Fino,” hikbing wika ni Sheena sa sarili. Dahil sa pagod ng katawan ni Luna sa pagtitinda ng kan’yang mga ulam buong araw, hindi na niya namalayan na nakatulog na pala siya sa paanan ng kapatid. Kaya hindi nalang siya ginising ni Sheena at hinayaan nang matulog sa ganoong posisyon. Kinabukasan, alas singko ng umaga ay nilisan na ni Luna ang kanilang bahay para mamalengke sa Mercado Del Rio. Ang nag-iisang palengke sa bayan ng Del Rio. Dahil nakasanayan na ni Luna ang maglakad patungong palengke, kaya palaging na-se-save ang kan’yang pamasahe. Habang binabagtas niya ang daan papuntang palengke ay inaaliw nalang niya na kausapin ang kaniyang sarili. “Panibagong hamon nanaman para sa ating dalawa, self! Kaya ito ang tatandaan natin, bawal ang mapagod at higit sa lahat, bawal ang magkasakit! Maliwanag?” aniya sa sarili. “Good! Fight, fight, fight!” pangiting wika niya sa sarili habang itinataas nito ang kan’yang kamao. Palundag-lundag na binabaybay ni Luna ang daan papuntang palengke. Kumakanta at may pasipol-sipol pang kasama. Mula sa ‘di kalayuan ay tanaw na ni Luna ang palengke, ngunit bago niya marating ang palengke ay kinailangan muna niyang tawirin ang unti-unti nang nasisirang kalsada. Maingat na tinatawid ni Luna ang mga butas-butas na kalsada na napapalooban ng mga nabubulok na tubig, nang biglang dumaan ang isang magarang ranger ford na kulay pula. Walang patawad na minamaniho ng driver nito ang maputik na daan hanggang tumalsik ito sa buong katawan at mukha ni Luna. “Anak ng putakte, king-ina mo naman mamang driver, oh!” pagmumurang sambit ni Luna. “Hoy! Bumaba ka nga rito hinayupak ka!” sigaw ni Luna habang nakaharang sa harapan ng magarang sasakyan. “Lumabas ka sabi!” aniya, habang pinupukpok ng kan’yang kamay ang sasakyan. “What the hell are you doin’?!” galit na bigkas ng driver. Sabay pindot sa busina ng sasakyan. Hindi narinig ni Luna ang mga sinasabi ng driver dahil nakasarado ang mga bintana ng kaniyang sasakyan. Dahil sa nakabibinging busina ng kan’yang sasakyan, lumapit si Luna sa bintana sa may bandang driver’s seat at sinilip ang mukha ng driver. Ngunit walang maaninag na anino si Luna sa loob nito. Kaya iwinaksi ni Luna ang mga putik na nasa mukha niya at ipinunas sa bintana ng sasakyan. Agad pinaharurot ng driver ang kaniyang sasakyan nang makita ang mga putik na nilagay ni Luna sa kan’yang kotse. Dismayado si Luna sa nangyari sa kan’yang umaga. “Ahh!” bulyaw ni Luna. “Ang aga-aga ito agad ang sumalubong sa akin! Makita lang kitang muli, hindi na putik ang ipupunas ko sa kotse mo! Maganda nga ang sasakyan mo, ang pangit naman ng pag-uugali mo! Wala kang kasing sama sa apo ng may-ari ng Del Rio!” hikbing sambit ni Luna. “Paano na ngayon ‘to! Kailangan kong pumunta ng palengke. Kailangan kong bumili ng mga sangkap para sa ulam na lulutuin ko,” aniya sa sarili. Bago nagtungo si Luna sa palengke, pumunta muna siya sa malapit na car wash para linisin ang mukha at katawan. At nang malapit na si Luna sa car wash ay tanaw niya ang isang pamilyar na sasakyan na naka-parking habang nililinis ng carwash boy. Kaya binilisan ni Luna ang kan’yang mga hakbang. “Boy! Alam mo ba kung saan nagpunta ang may-ari ng sasakyang ito, ha?” galit na boses na sambit ni Luna. “Pasensya na po, Ate. Pero kabilin-bilinan po kasi ni Boss na huwag daw ipaalam kung nasaan siya kung sakaling mayro'ng magtatanong tungkol sa kan’ya,” pangiting wika ng binata. “At ano naman ang nginingiti-ngiti mo riyan, ha?! Batang ito! Sapakin kita riyan, eh!” gigil na sambit ni Luna. “Mamaya mo na linisin iyan, pahiram muna ng hose mo para malinis ko na itong katawan ko!” ani Luna, sabay agaw sa hose ng binata. Walang nagawa si Luna kung ‘di basain ng tubig ang buong katawan dahil sa dami ng putik na tumalsik sa kan’ya. Dahil sa manipis na puting t-shirt na suot ni Luna, litaw ang mahuhubog na porma ng katawan nito. Habang patuloy na tinatanggal ni Luna ang mga putik sa kan’yang mukha, lingid sa kan’yang kaalaman ay palihim din pala siyang pinagmamasdan ng driver ng Ford Ranger na si Arthur. Si Arthur Del Rio at ang tinutukoy ni Luna na apo ng Bilyonaryong Del Rio ay iisa. Habang nakasandal sa isang malambot na sofa na nasa loob ng kan’yang sasakyan ay aliw na aliw si Arthur habang palihim na pinagmamasdan ang basang-basa na si Luna. “Wow! Hindi ko lubos akalain na ang isang katulad niyang babae ay mayroon din palang maipagmamalaking katawan. Sabagay, matangkad naman siya,” pangiting wika niya. “Teka! Bakit parang pamilyar ang mukha ng babaeng ito?” aniya, habang tinititigang mabuti ang mukha ni Luna. “Tama! Siya ang babaeng naglalako ng ulam kahapon sa mansion!” wika niya sa sarili. Makalipas ang kalahating oras ay natapos ding linisan ni Luna ang kan’yang sarili, kaya agad niyang ibinalik ang hose sa binata. At dahan-dahan namang binuksan ni Arthur ang back seat nito. “O, ayan ang hose mo!” galit na sambit ni Luna. “Hoy! Kapag bumalik ang may-ari ng kotseng iyan, sabihin mo sa kan’ya na huwag magpapakita sa akin, dahil kapag nagkataon dudurugin ko ang mga buto niya!” gigil na sambit ni Luna. Biglang napatawa si Arthur nang marinig ang sinabi ni Luna. “Aba! At ako pa talaga ang hinahamon niya, huh!” singhal na sambit ni Arthur. Matapos ibinalik ni Luna ang hose ay agad na siyang nagtungo sa palengke. Kaya nang pag-alis niya ay agad namang binuksan ni Arthur ang bintana ng kan’yang sasakyan at agad tinawag ang carwash boy. “Boy! Saan daw pupunta ang babaeng iyon?” aniya sa binata. “Sa palengke raw po, Boss. Parang galit na galit nga sa inyo, eh! Panay kasi ang pagmumura habang tinatanggal ang putik sa kan’yang mukha” pangiting wika ng binata. “Ikaw talaga! Oh ito ang bayad ko, sa ‘yo na rin ang sukli,” ani Arthur. Pagkatapos inabot ni Arthur ang bayad ay agad na niyang pinaharurot ang sasakyan. Sa ‘di kalayuan ay tanaw niya ang basang-basa na si Luna, habang pinagtitinginan ng mga kalalakihang kan’yang nadadaanan patungong palengke.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD