“LAKAS talaga tama ng utak ng babaeng ito, ah!” singhal na sambit ni Arthur sa sarili.
“Sabagay talamak nga naman ang mga bayarang babae ngayon! Isa rin siguro ang babaeng ito kaya ganoon nalang kadispedara ang maglakad sa kalsada na halos nakalutang na ang buong kaluluwa!” wika niya habang iiling-iling ang ulo.
Habang patuloy sa paglalakad si Luna ay bigla siyang nilapitan ng mga lalaking tambay sa kanto.
“Miss, ang aga mo naman yata, ah!” halakhak na sambit ng lalaki.
“Oo nga naman, Miss! Pero ibahin mo kami, tumatanggap naman kami na customer kahit maaga pa, eh!” sabi naman ng isa pang kumag na tambay.
“Ano bang pinagsasabi ninyo, ha! Mga bastos kayo, ah! Mga walang galang sa babae!” galit na bigkas ni Luna.
Dahil sa sinabing iyon ni Luna, sa halip na layuan siya ng mga ito ay biglang hinawakan ang kan’yang kamay at pinasa-pasa nilang tatlo. Dahil sa nakikitang pangyayari ni Arthur ay agad niyang pinahaharurot ang sasakyan papalapit sa kanila habang pinapatunog ang busina nito.
“Hayop ‘to, ah! Hoy! Bumaba ka rito kung ayaw mong masaktan!” galit sa sambit ng isang tambay na lalaki.
Agad namang binuksan ni Arthur ang bintana ng sasakyan at galit niyang hinarap ang tatlong tambay.
“Sa susunod na makikita ko pa ang mga pagmumukha ninyo na tatambay-tambay rito, hindi na busina ng sasakyan ang maririnig ninyo, kung ‘di ito!” gigil na bigkas ni Arthur, habang nakatutok ang baril sa tatlong lalaki.
“At ikaw!” sigaw niya, na ang tinutukoy ay si Luna.
“Hoy, Ikaw! Pumasok ka loob ng sasakyan, bilis!” aniya.
Sa sobrang takot ni Luna dahil sa baril na itinutok sa kan’ya ni Arthur ay hindi na siya nagdalawang-isip na sumakay sa kan’yang sasakyan.
At nang nakapasok na si Luna sa loob ng sasakyan ay agad pinaharurot ng driver ang sasakyan palayo sa Mercado Del Rio.
Habang nagmamaniho si Arthur, pansin niya ang nanginginig na katawan ni Luna. Kaya agad niyang pinatay ang aircon sa loob ng kan’yang kotse.
Pansin ni Luna na halos kalahating oras na nilang nilibot ang buong bayan ng Del Rio kaya naglakas loob na siyang kausapin ang driver.
“Mawalang galang na po, puwede niyo na po akong ibaba riyan sa may kanto,” mahinahong bigkas ni Luna.
“At para ano?! Para pagpepyestahan ka nanaman ng mga tambay sa kanto? Kaya maraming nagliliparang mga manyak dito sa Del Rio dahil sa mga katulad ninyo, eh!” seryosong wika ni Arthur.
Hindi alam ni Luna kung ano ang ibig ipahiwatig ni Arthur pero isa lang ang nasisiguro niya, iyon ay ang kulang nalang na ipamukha sa kan’ya na isa siyang babaeng bayaran. Maya-maya ay biglang lumiko ang kan’yang minamanihong sasakyan.
Laking gulat ni Luna kung bakit sa isang malaking hotel na pag-aari ng mga Del Rio siya dinala ng driver.
“Sandali! Bakit dito mo ako dinala, ha?!” sigaw na sambit ni Luna.
“Miss, huwag kang mag-alala! At kung ano man ang iniisip mo, hindi mangyayari iyon! Ibahin mo ako sa mga sira ulong tambay na mga customer mo!” malakas na boses na sambit ni Luna.
Wala pa ring ka-ide-idea si Luna na ang lalaking kan'yang kasa-kasama sa kasalukuyan ay ang kinamumuhian niyang apo ni Señora Guada. Hindi niya namumukhaan dahil nakatalikod ito at dahil na rin sa suot nitong ray ban.
At nang marating na nila ang VIP Parking area na nasa pinakatuktok ng Del Rio Suits and Hotel ay agad nang pinababa ni Arthur si Luna.
“Sige na, mauna ka nang bumaba! Dumiretso ka lang at makikita mo na ang pintuan ng room ko,” he angrily commanded.
Maingat na bumaba si Luna sa sasakyan at iniwan ang sling bag sa back seat nito.
“Ano kaya nakain ng taong ‘yon! Bakit ang init-init ng ulo sa akin! Akala mo kung sino! Siya na nga itong may atraso sa akin, siya pa itong galit? Huh!” singhal na sambit ni Luna habang nilalakad ang daan papuntang room na sinasabi ni Arthur.
At nang marating na ni Luna ang room na sinasabi ni Arthur ay napamangha siya nang makita ang loob nito.
“Wow! Ang ganda! Room pa ba sa kan’ya ito? Kahit nga buong squatter kasyang-kasya rito!” pabulong na sambit ni Luna.
Maya-maya ay dumating na si Arthur. Pagpasok niya ay agad niyang isinarado ang pinto ng condo. At nang tinanggal na ni Arthur ang suot-suot nitong ray ban,
“Ikaw?!” gulat na bigkas ni Luna.
“Bakit? Hoy, miss! Wala akong utang sa ‘yo kaya huwag na huwag mong itutok ‘yang hintuturo mo sa mukha ko, kung ayaw mong baliin ko ‘yan!” sigaw na sambit ni Arthur.
“Bakit mo ba ako dinala rito?” wika ni Luna.
“Pumasok ka na sa kuwarto at magbihis ka, at nang makauwi ka na rin! May mga damit sa loob ng kuwarto na ‘yan, alam kong kasya sa ‘yo ang mga iyon!” ani Arthur sabay higa sa sofa na nasa sala ng condo.
Agad pumasok si Luna sa loob ng kuwarto, at nang pagpasok niya ay agaw pansin sa kan’ya ang mga mamahaling mga gamit na nasa loob. Branded na sapatos, tsenilas, sandals at mga magagarang mga damit na naka-hanger sa hanging cabinet na nasa loob ng kuwarto.
“Ang dami nito, ah! Siguro sa asawa niya ang mga ito,” ani Luna habang hinahawakan ang mga damit.
Habang sinusukat ni Luna ang isang red dress ay rinig niya ang sumisigaw na si Arthur.
“Hoy, ano ba! Bilisan mo riyan at nang makaalis na tayo! Mala-late ako sa ginagawa mo, eh!” sigaw na sambit niya.
“Oo na! Ito na!”sigaw na sagot ni Luna.
“Sasakalin na talaga kita kapag hino-hoy mo pa ako!” pabulong sa sambit niya sa sarili.
Matapos nagbihis ni Luna ay agad na siyang lumabas ng kuwarto. Paglabas niya ay agad siyang lumapit sa nakahigang si Arthur.
“Tapos na akong magbihis kaya puwede na tayong umalis,” simpleng wika ni Luna.
At nang tumayo si Arthur ay agaw pansin sa kan’ya ang natural na ganda ni Luna. At mas lalong tumingkad ang mapuputing balat niya dahil sa kulay pulang damit na suot niya.
“Bakit ‘yan ang sinuot mo?! Palitan mo nga ‘yan! Ang daming damit doon ‘yan pa talaga ang napili mo?” galit na sambit ni Arthur.
Walang nagawa si Luna kung ‘di sundin ang sinabi ni Arthur.
Itim na t-shirt at jeans na pants ang isinuot ni Luna. Paglabas niya ng kuwarto ay wala na roon sa sala ang nakahigang si Arthur. Kaya agad na siyang nagtungo sa parking area.
“Ano kaya problema ng taong ito, parang pasan lahat ng problema sa buong mundo. Palagi nalang nakasimangot!” padabog na sambit ni Luna sa sarili habang papasok sa loob ng sasakyan.
Agad nilang nilisan ang Del Rio Suits and Hotel. Si Luna ay agad nang umuwi sa kanila at hindi na bumalik sa palengke. At si Arthur naman ay dumiretso na sa mansion ng Villa Guada Del Rio.
Pagdating ni Luna sa kanilang bahay ay kunot-noong naghihintay ang ina sa kan’yang pagdating. Nasa pintuan pa lang si Luna ay agad na siyang kinaladkad ni Sonia papasok sa kanilang sala.
“Ilang beses ko bang sasabihin sa ‘yo na bago ka umalis ng bahay ay mag-iwan ka ng pera sa akin!” sigaw na sambit ni Sonia.
“Pero ‘nay, kinuha n’yo na po ang pera kagabi ‘di ba?” hagulgol na sambit ni Luna.
“Akala mo ba hindi ko alam, ha! Alam kong marami kang itinatago riyan, Luna! At ‘yang mga damit na suot mo! Alam kong mamahalin ang mga ‘yan! Kaya akin na ang perang tinatago mo!” bulyaw niyang sigaw sa umiiyak na si Luna.
Habang tinatadyakan ni Sonia ang tagiliran ng anak ay agad niyang kinuha ang dala-dala nitong maliit na bag. At nang binuksan ito ni Sonia ay laking gulat niya nang makita ang perang nakalagay sa isang sobre.
“Ano ‘to, ha?! Saan galing ang mga perang ito! Sinong lalaki ang bumili niyang kaluluwa mo, ha?!” galit na bigkas ni Sonia.
“Susmaryosep, Luna! Nag-iisip ka ba? Sampung Libo lang ang pinambayad sa ‘yo at pumayag ka naman?!” gigil na sumbat niya.
“Itatak mo riyan sa kokorte mo, ha! Huwag kang lalabas bukas ng bahay hanggat hindi ko sinasabi! Maliwanag?!” ani Sonia.
Padabog na lumabas si Sonia ng kanilang bahay habang bitbit ang perang nasa loob ng bag ni Luna, dahil sa pambubogbog ni Sonia kay Luna ay bigla itong napasigaw.
“Ahh!” impit na daing ni Luna dahil sa kirot na nararamdaman.
Agad nang nagtungo si Luna sa kanilang kuwarto ni Sheena. Habang iniinda niya ang sakit sa kan’yang tagiliran ay napaisip si Luna tungkol sa perang nasa loob ng kan’yang sling bag.
“Paano nangyaring nagkaroon ng pera ang bag ko? Hindi kaya,” pangiwing wika ni Luna. Habang iniisip niya na si Arthur ang naglagay ng pera.
“Kahit kailan talaga, pahamak ka sa buhay ko!” hikbing wika ni Luna, na ang tinutukoy ay si Arthur.
Habang mag-isang nananghalian si Arthur sa mansion ay bigla niyang nabitawan ang hawak-hawak nitong tinidor.
“Hay!” aniya sa sarili.
Dahil sa pagkahulog ng kan’yang tinidor ay agad siyang nawalan ng ganang kumain, kaya tumayo nalang ito at nagtungo sa terrace ng mansion.
Habang tahimik niyang nilalasap ang malamig na simoy ng hangin ay bigla niyang naalala ang mukha ni Luna, habang suot-suot ang pulang damit na nasa condo niya.
“Bakit parang nakikita ko sa kan’ya ang katauhan ni Amara?” aniya sa sarili.
~Arthur’s POV~
Hays, hindi na ako magtataka kung magiging kamukha siya ni Amara, lahat naman yata ng babae lalo na’t katulad nilang bayaran ay iisa lang ang pagmumukha! Mabuti nga at hanggang maaga pa ay alam ko na kung anong klaseng babae ang Luna na ‘yon. Hindi katulad ng Amarang iyon, binilog lang ang ulo ko para sa sariling interest. Wala na talagang matinong babae sa panahon ngayon, papa-ibigin ka lang at kapag nakuha na ang kayamanan, saka ka iiwanan!