KINABUKASAN Alas Sais nang umaga ay nagising si Luna dahil sa lamig na nanunuot sa kaniyang balat na dulot ng Aircon.
At nang paglingon ni Luna sa bandang kaliwa niya, laking gulat niya ng makita ang mukha ng lalaking nakasiping niya.
“Teka! Ano ang ginagawa ko sa loob ng kuwartong ito? At bakit katabi ko ang sira ulo na lalaking ito?!” gulantang na sambit ni Luna.
At nang bababa na sana si Luna mula sa inuupuang kama ay pansin niya ang hubo’t-hubad niyang katawan, kung kaya't dali-dali niyang kinuha ang kumot at saka ito ay kaniyang tinakpan.
“Ano ba talaga ang nangyari kagabi, bakit wala akong maalala? At saka bakit pareho kaming walang saplot?!” hagulgol na sambit ni Luna habang nakahawak sa ulo.
Sa halip na umiyak ay pinilit na lang niyang tumayo at dahan-dahang isinuot ang kaniyang mga damit.
Habang tahimik na nagbibihis si Luna ay pansin niya ang likidong tumutulo na nagmumula sa kaniyang hita.
“Ano ito? Bakit may dugo, hindi naman ngayon ang buwanang dalaw ko, ah! At ano itong kirot na nararamdaman ng masisilang bahagi ng aking katawan?” Patuloy sa paghikbi si Luna habang iniinda ang kirot sa masisilang bahagi ng kaniyang katawan.
Pagkatapos nagbihis ni Luna ay dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at paika-ikang naglalakad palabas ng VIP room ng resto bar dahil sa kirot at pananakit ng kaniyang buong katawan. At dahil walang perang dala si Luna ay pinilit niyang binagtas ang daan pauwi ng kanilang bahay.
Dalawang oras ang lumipas bago narating ni Luna ang kanilang bahay. Sa pintuan pa lang ay rinig na ni Luna ang malalakas na halakhak ng kaniyang ina at nobyo nitong si Waldo.
Sa halip na pumasok si Luna ay agad siyang nagtungo sa bahay ni Lola Bening. Ang kaniyang no.1 na customer sa mga panindang ulam.
“Tao po! Lola Bening! Nandiyan po ba kayo sa loob? Si Luna po ito,” nanghihinang boses na sambit ng dalaga.
Maya-maya ay biglang bumukas ang pinto ng bahay ni Lola Bening.
“Oh, Luna! Bakit ang aga-aga mo yata, mukhang mapapaaga ako ng almusal ngayon, ah!” pangiting wika ng matanda.
Walang boses ang lumabas sa bibig ni Luna, kung ‘di ang yakapin na lang ng mahigpit si Lola Bening.
Laking gulat ng matanda dahil sa nakikitang pagiging matamlay ni Luna, dahil nakasanayan na nito ang pagiging palangiti at masayahin ng dalagita.
“Ayos ka lang ba, apo? Bakit parang nanghihina yata iyang katawan mo?” nag-aalalang wika ni Lola Bening.
“Pagod lang po ako, lola. Puwede po bang dumito muna ako, magpapahinga lang ako sandali,” malungkot na tugon ni Luna.
Dahil sa awang nararamdaman ng matanda sa dalagita, agad naman niya itong pinahintulutang matulog sa kaniyang kama. At dahil sa pagod ng buong katawan ng dalagita ay agad na siyang nakatulog.
Habang mahimbing na natutulog si Luna sa kuwarto ni Lola Bening, si Arthur naman ay kunot-noong nagising dahil sa nararamdamang init ng buong kuwarto, dahil sa aircon na pinatay ni Luna.
"Ahhh! Sino ba kasi ang nag-off nito!" padabog na wika niya.
Dahil sa mga pawis na dumadaloy sa kaniyang dibdib ay agad na siyang dumiretso sa banyo para maligo. Habang patuloy sa pagsa-shower si Arthur ay pansin niya ang humahapdi niyang balikat, kung kaya ay agad niya itong sinilip sa salamin na nasa loob ng banyo.
"Ano 'to?! Bakit may mga kalmot sa likod ko?" nagtatakang wika ni Arthur.
Dahil sa pagiging womanizer ni Arthur at halos gabi-gabing pakikipaglaro sa ibat-ibang mga babae ay naging normal na sa kaniya, na sa tuwing gigising sa umaga ay parang walang nangyari sa buong magdamag. Dahil para sa kaniya, ang mga babae ay tanging libangan na lang niya.
Ngunit dahil sa mga bakas na iniwan ni Luna sa kaniyang balikat ay pilit niyang iniisip ang mga kaganapang nangyayari buong gabi. At pilit iniisip kung anong klaseng babae ang nakasiping niya buong magdamag. Dahil kahit na mukha nito ay hindi niya naaninag.
Pagkatapos nag-shower ni Arthur ay agad siyang bumalik sa kaniyang kama at umupo. Habang patuloy na iniisip ang nangyari buong gabi ay pansin niya ang kulay pulang mascara malapit sa kaniyang paanan. At nang kinuha ito ni Arthur ay nakita rin niya ang duguang kumot na nasa ilalim ng kama.
"Teka! Ito ang mascarang sinuot ng babae kagabi, ah! At itong kumot ang nagpapatunay na isa ngang virgin ang babaeng 'yon! Totoo ngang ako ang unang lalaking nakasiping niya!" gulantang na bigkas ni Arthur.
"Sino kaya ang babaeng iyon?" aniya.
Dahil sa natuklasang iyon ni Arthur ay tila nag-iba ang kaniyang pananaw pagdating sa mga babae. Dahil para sa kaniya, lahat ng babae ay pare-pareho lang ang mithiin at iyon ay ang paglaruan ang damdamin ng mga lalaki, at higit sa lahat ay ibenta ang puri magkaroon lang ng salapi.
Matamlay na umuwi sa mansion si Arthur, dahil hindi man lang niya nakita ang mukha ng babaeng nakasiping niya buong gabi.
Gabi na nang magising si Luna. Dahil sa awang nararamdaman ni Lola Bening, kaya hindi na niya nagawang gisingin ang dalagita. Pagdilat ni Luna ng kaniyang mga mata ay ramdam niya ang malamig na bimpo na nakapatong sa kaniyang noo.
"Apo, kumusta na ang pakiramdam mo?" nag-aalalang wika ni Lola Bening.
"Lola, bakit po? At saka bakit mayroong bimpo rito sa noo ko?" mahinang boses na bigkas ni Luna.
"Luna, nag-aalala ako sa 'yo. Ang taas ng lagnat mo kanina, ah!" wika niya.
"Hindi sa nanghihimasok ako, ha? Pero puwede mong sabihin lahat kay lola kung ano man ang bumabagabag diyan sa loob mo," wika ng matanda, sabay turo sa dibdib ni Luna.
Biglang napahagulgol si Luna dahil sa sinabing iyon ng matanda. Kaya agad niya itong niyakap.
"Sige lang apo, iiyak mo lang ang lahat kung 'yan ang makapagpagaan ng loob mo," mahinahong wika niya, habang tinapik-tapik ang likod ni Luna.
"Lola, natatakot po ako para sa bunsong kapatid ko," hikbing wika ni Luna.
Dahil sa sinabing iyon ni Luna ay biglang napahawak ang matanda sa kamay ng dalagita.
"Luna, sabihin mo nga sa akin kung ano talaga ang nangyari. Kapag nagkatutuo itong hinala ko, patawarin nawa ako ng Poon sa gagawin ko! Alam kong wala ako sa posisyon para mangialam sa inyo. Alam mo naman kung gaano kita pinapahalagahan 'di ba?!" Pagtitimpi ng matanda.
Kinse anyos pa lang si Luna ay labas-pasok na siya sa bahay ni Lola Bening kung kaya gano'n na lang kaapektado ang matanda sa pagiging matamlay ng dalagita. At dahil nag-iisa lang sa buhay kaya napamahal na rin si Luna sa kan'ya at parang tunay na apo na rin kung ito ay ituring ng matanda.
Minsan ng naging kapitana si Lola Bening sa buong Del Rio Seaside kung kaya hindi rin masisisi ni Luna ang matanda sa posibleng gawin nito kung sakaling malaman niya ang tungkol sa totoong nangyari sa kaniya.
Hindi na nagdalawang-isip si Luna at tuluyan na niyang inamin ang tungkol sa pambubugaw sa kaniya ng sariling ina.
"Ano?! Napakawalang hiya talaga ang Sonia na 'yan! Talagang gagawin ang lahat magkaroon lang ng pera! Hinding-hindi ko talaga palalagpasin ang kababoyang ginawa niya sa 'yo!" gigil na sambit ng matanda.
Lalabas na sana si Lola Bening sa kaniyang bahay upang sugurin si Sonia, nang biglang marinig niya ang isang boses ng babaeng nasa labas ng kaniyang pintuan habang ito ay nagsisisigaw.
"Luna! Luna!" galit na boses na sigaw ni Sonia. "Luna! Alam kong nandiyan ka sa loob! Punyeta kang babae ka, lumabas ka!" Patuloy niyang pagmumura.
Maya-maya ay biglang lumabas si Lola Bening habang hawak-hawak nito ang matatalim na itak.
"Sige! Subukan mo lang na lumapit dito, puputulin ko talaga 'yang ulo mo!" sigaw na sambit ng matanda habang iwinawasiwas ang itak na dala-dala nito.
"Ang kapal ng pagmumukha mo, ikaw pa itong may ganang pagsabihan ang anak mo na punyeta! Ikaw ang punyeta, Sonia!" sigaw ng matanda.
"Hoy, tanda! Ano ba ang pinagsasabi mo riyan, ha?!" bulyaw na sambit ni Sonia.
"At ikaw babae ka, halika ka rito!" Nanggigigil sa galit si Sonia habang patuloy na minumura ang anak.
Akmang susugurin na sana ni Sonia ang anak, ng bigla naman siyang hinarangan ng itak ng matanda.
"Sonia! Hindi ako nagbibiro! Isang hakbang pa, matatanggal talaga iyang ulo mo!" nanginginig sa galit na sambit ng matanda.
Hindi nagawang kaladkarin ni Sonia ang anak na si Luna dahil sa mga sindak ni Lola Bening sa kaniya. Kaya galit na umuwi si Sonia.
Habang patuloy sa pagtatalak si Sonia ay siya namang pagdating ni Waldo, ang kaniyang nobyo.
"O, mahal! Gabi na, ah! Bakit ang init-init pa ng ulo mo?!" nakangiting wika ni Waldo.
"Paanong hindi iinit ang ulo ko! Ang matandang Bening na iyon, ubod nang pakialamera!" galit na bigkas ni Sonia.
"Bakit? Ano ba ang ginawa ng matandang iyon? At saka kailan ka pa naging interesado sa kaniya?" ani Waldo.
"Paanong hindi ako magagalit? Eh, tinago niya si Luna sa akin!" bulyaw niyang sambit.
Biglang uminit ang tainga ni Waldo nang marinig ang sinabi si Sonia dahil palihim na pinagpapantasyahan nito si Luna.
"Lintik na matandang iyon! Tingnan lang natin kung hanggang saan aabot 'yang katapangan mo! Baka akala mo hindi ako pumapatol sa matanda! Huh!" singhal nito habang palihim na kinakausap ang sarili.
Alas Onse nang gabi, umuwi si Luna sa kanilang bahay upang alamin ang sitwasyon ng kaniyang mga kapatid lalong-lalo na si Sheena.
Maingat na binuksan ni Luna ang pinto ng kanilang bahay, ngunit lingid sa kaniyang kaalaman ay nandoon pala si Waldo sa kanilang sala. Kaya pagpasok niya ay agad siyang hinatak nito at agad tinakpan ang kaniyang bibig.
"Tumahimik ka kung ayaw mong baliin ko itong leeg mo!" mahina ngunit galit na bigkas ni Waldo.
Dahil sa mga masasamang nangyari sa buong araw ni Luna, hindi na niya iniisip ang kahalagahan ng kaniyang sarili. Ang dating maingat at matakutin na Luna ay kasalukuyang nagiging desperada at palaban na.
Agad kinagat ni Luna ang mga daliri ni Waldo na nasa bibig niya, dahilan nang pagbitaw nito sa dalagita.
And when Luna was about to run, Waldo immediately grabbed her hair and immediately dragged the pitiful Luna back to him.
"Ito ang tatandaan mo, Luna! Sa oras na babalik ka pa sa bahay ng matandang iyon, sinasabi ko sa 'yo, hindi mo na siya makikita pang muli!" pananakot na bigkas ni Waldo habang kinukuwelyuhan si Luna.
Maya-maya ay biglang lumabas si Sonia sa kaniyang kuwarto. At agad namang kumalas si Waldo sa pagkahawak kay Luna.
Abot tainga ang mga ngiti ni Sonia nang makitang muli ang anak na si Luna, kaya agad niya itong nilapitan.
"Kunwari ka pang malungkot, alam ko naman na nag-e-enjoy ka rin habang pinaglalaruan ng bilyonaryong iyon ang katawan mo!" nakangising bigkas ni Sonia habang hinihithit ang sigarilyo.
"Siguro matigas at mahaba ang daks ng bilyonaryong iyon, katawan pa lang niya, eh---mukhang masarap na!" malademonyong halakhak na bigkas niya, sabay labas ng pinto habang inaakbayan ni Waldo.
"Ahhh!!!" malakas na sigaw ni Luna, habang tinatakpan ang kaniyang mga tainga.
"Napakahayop mo! Sarili mong anak binubugaw mo!" hagulgol na sambit ni Luna habang ito ay nakahandusay sa sahig.