PUNO ng hinagpis, poot at galit sa ina ang nararamdaman ni Luna sa mga oras na iyon dahil hindi niya lubos akalain na magagawa ng sariling ina ang pambababoy sa sarili nitong anak.
Kinabukasan, maagang nagising si Sheena. Ang bunsong kapatid ni Luna.
Habang tinitiklop ni Sheena ang kanilang kumot ay pansin niya ang mga mantsang nasa paanan ni Luna.
“Ate! Bakit hindi ka nagsuot ng napkin, tingnan mo ang bed sheet natin, oh!” paismid niyang bigkas.
“Sige na Sheena, maligo ka na baka ma-late ka pa sa klase mo niyan. Ako na ang bahalang magligpit dito,” mahinang boses na sambit ni Luna.
“Pagkatapos mong maligo bumaba na kayo ng Kuya Fino mo, ha? Ipaghahanda ko lang kayo ng almusal,“ wika ni Luna sa kapatid.
Dahan-dahang bumaba si Luna sa hagdan ng kanilang bahay dahil sa kirot na naramdaman sa masilang bahagi ng kaniyang katawan.
Makalipas ang kalahating oras ay naihanda na ni Luna ang kanilang agahan, maya-maya ay agad namang bumaba ang kaniyang mga kapatid.
Habang kumakain sila, siya namang pagdating ni Lola Bening.
“Luna! Kumusta na ang pakiramdam mo apo, ha? Nilalagnat ka pa ba? Nag-alala ako sa ‘yo, kaya pinuntahan na kita rito,” nag-aalalang wika ng matanda.
“Ate? Bakit hindi mo sinabi na may lagnat ka pala? Eh ‘di sana hindi ka na lang bumangon ng maaga,” wika ni Sheena.
“Oo nga naman, ate. At saka paano n’yo po nalaman Lola Bening na mayroong lagnat si Ate Luna?” nagtatakang tanong naman ni Fino.
“Teka! Ibig mong sabihin hindi mo pa sinabi sa kanila ang kahayu---“ putol na bigkas ni Lola Bening.
Hindi na natapos ni Lola Bening ang kan’yang sinabi dahil agad nilihis ni Luna ang kanilang usapan.
“Nadulas kasi ako kahapon sa tabi ng creek, sakto namang nandoon si Lola Bening kaya nagpamasahe na rin ako sa kaniya. Pero huwag ninyong alalahanin si ate,ha?” Pilit na mga ngiti ang ipinakita ni Luna sa kaniyang mga kapatid.
“Sige na, bilisan n’yo na Seven Thirty na, oh!” pautos na bigkas niya.
At nang makaalis na sina Sheena at Fino ay agad namang kinausap ni Luna si Lola Bening.
“Lola, huwag n’yo po akong alalahanin, ha?” pilit na mga ngiting bigkas ni Luna.
“At saka hindi n’yo na po kailangang pumunta rito sa bahay, hayaan n’yo na lang po na ako ang pumunta sa inyo, hmm?” wika niya habang hinahaplos-haplos ang kamay ng matanda.
“Sabihin mo nga sa akin ang totoo Luna, may ginawa nanaman ba ang nanay mo, ha?!” galit na bigkas ng matanda.
“Wala po, lola. Ayaw ko lang kayong makitang nag-aalala ng dahil sa akin,” simpleng tugon ni Luna, sabay yakap sa matanda.
Dahil sa sinabing iyon ni Luna ay mahinahong umalis si Lola Bening sa bahay ng dalagita. At ang mga luhang pilit pinipigilan ng dalaga ay unti-unting nagsisilabasan.
“Pasensiya na po kayo Lola Bening. Ayaw kong mapahamak ka ng dahil lang sa akin. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng mga sinabi ng Waldo na iyon, pero ramdam ko na may masama siyang binabalak kapag patuloy akong lumalapit sa inyo.” Walang tigil na hagulgol ni Luna.
Gabi na nang umuwi si Sonia sa kanilang bahay kasama ang nobyong si Waldo.
“Mahal, puwede bang dito na ako matulog sa sala? Masarap kasi ang hangin dito, presko sa katawan.” Ngiting nakaloloko habang kinakausap si Sonia.
Walang nagawa si Sonia kung ‘di ang pagsang-ayonan ang sinasabi ng kaniyang nobyo.
Hating gabi, tulog na ang lahat maliban lamang kay Waldo. Ang hindi mapakaling si Waldo ay palakad-lakad sa kaniyang kinatatayuan. Balisa habang hawak-hawak ang kan’yang ulo. Hindi mapakali sa kan’yang kinatatayuan na wari ay mayroong masamang binabalak.
“Natutulog na kaya ang mga kapatid ni Luna ngayon?” Humanda ka Luna dahil sa gabing ito, sisiguraduhin kong magiging akin ka!” kagat-labing bigkas ni Waldo, habang puno ng pagnanasa ang kaniyang mga nanlilisik na mga mata.
Tahimik at dahan-dahang inakyat ni Waldo ang hagdan patungo sa kuwarto ng magkakapatid na Luna at Sheena. Pagdating niya ng pintuan ay pansin niya ang isang Electric Breaker, agad niya itong nilapitan at dahan-dahang ibinababa. Lingid sa kaalaman ni Waldo na ang kuryenteng dumadaloy sa breaker na kan’yang pinatay ay nanggagaling sa loob ng kuwarto ni Fino. Matapos niyang naibaba ay agad na siyang nagtungo sa pintuan.
At nang marating na niya ang dungawan ng pinto ng dalawang dalagita ay maingat niya itong binuksan. Tanging busol lang ang nagsilbing kandado ng kanilang pinto, kung kayat naging madali lang kay Waldo ang buksan ito.
Pagbukas niya ng pinto ay bumungad sa kan’ya ang mapuputi at nakasisilaw na mga binti ni Sheena, dahil sa lagnat ni Luna kaya nakasuot ito ng makakapal na jogging pants at jacket.
Ang mga nakalolokong pagnanasa ni Waldo ay biglang nabaling kay Sheena. At dahil malapit lang sa bintana ang kama ng dalawa, kahit walang ilaw sa loob ng kanilang kuwarto ay maaninag mo pa rin ang nasa loob nito dahil sa reflection ng ilaw na nagmumula sa street light na malapit sa kanilang bintana.
“Iba rin talaga itong mga anak ni Sonia, ang sasarap kainin!” kagat-labing bigkas niya.
Akmang susunggaban na sana ni Waldo ang natutulog na si Sheena nang biglang dumilat ang mga mata ng dalagita. Laking gulat niya nang makita ang isang tao habang nakatayo sa kan’yang tagiliran. Sisigaw sana siya ngunit agad natakpan ni Waldo ang kan’yang bibig. Hindi rin magawang makakilos ni Sheena dahil sa kutsilyong nakatutok sa kaniyang leeg.
“Subukan mo lang na sumigaw, puputulin ko itong leeg mo! O baka naman, unahin kong pagsasaksakin iyang Ate Luna mo, ha!” pangiting wika ni Waldo, habang nakadungaw ang mga dila nito.
Maingat na hinimas-himas ni Waldo ang dibdib ng dalagita pababa sa kaniyang tiyan, hanggang sa naipasok na nito ang kaniyang mga kamay sa loob ng panty ng dalagita. Dahil sa sobrang takot ni Sheena sa kutsilyong hawak ni Waldo, tanging ang umiyak na lang ang kaniyang nagawa.
Habang patuloy na hinihimas ni Waldo ang masisilang bahagi ng katawan ni Sheena, sa kabilang kuwarto naman na kinaroroonan ni Fino ay ramdam niya ang mga pawis na tumutulo sa kaniyang buong katawan, dahilan ng kaniyang biglaang pagbangon.
“Hay! Wala nanamang kuryente!” padabog na sambit ni Fino.
Kaya agad nang bumangon si Fino at binuksan nito ang bintana. At nang pagbukas niya ng bintana ay laking gulat niya nang makita ang mga poste sa kalsada na umiilaw.
“Bakit mayroong ilaw ang mga poste ng kalsada, tapos dito sa loob ng bahay ay wala?!” nag-tatakang bigkas ni Fino.
Dahil sa kuryusidad ni Fino ay agad siyang lumabas sa kan’yang kuwarto upang tingnan ang breaker ng kanilang kuryente. Paglabas ni Fino ng kan’yang kuwarto ay pansin niya ang nakabukas na pinto ng kan’yang mga kapatid.
“Wala nga sigurong kuryente, pati kuwarto ng dalawang ito nakabukas din” aniya sa sarili.
Babalik na sana si Fino sa kaniyang kuwarto nang makarinig siya ng mahinang kaluskos na nanggagaling sa loob ng kuwarto ng kan’yang mga kapatid. Kaya dahan-dahan niya itong sinilip.
At nang sumilip si Fino sa kuwarto ng kaniyang mga kapatid, laking gulat niya nang makita ang isang lalaki na nakaupo sa tabi ni Sheena.
Maingat na lumakad si Fino papalapit sa paanan ng kapatid. Akmang huhubaran na sana ni Waldo ang dalagita ng biglang hinatak ni Fino ang likod ni Waldo.
“Hayop ka! Napakababoy mong animal ka!” bulyaw ni Fino habang pinagsusuntok ang likod ni Waldo.
Dahil sa malakas na sigaw ni Fino ay biglang nagising si Luna. At agad namang lumapit si Sheena sa kan’ya habang yakap-yakap nito ang sarili.
“Ate..” hagulgol na sambit ni Sheena.
“Sheena? Bakit?! Anong nangyayari, ha?!” nag-aalalang bigkas ni Luna.
Dahil sa kadiliman ng buong kuwarto ay agad tumayo si Luna mula sa kanilang kama and she turn ON the light. At ng nakabukas na ang ilaw ay laking gulat ni Luna nang makita ang mukha ni Waldo, nagtataka siya kung bakit nakapasok ito sa loob ng kanilang kuwarto.
“Walang hiya ka! Anong ginagawa mo rito, hayop ka!” sigaw na sambit ni Luna habang hinahampas-hampas ng kaniyang kamao ang likuran ni Waldo.
Habang patuloy na pinaghahampas ni Luna ang likod ni Waldo, agad namang nahawakan ni Wando ang balikat ni Luna dahilan ng pagkabagok ng ulo ng dalaga sa paanan ng kanilang kama.
Nang makita ni Sheena ang kaniyang ate na nakahandusay sa sahig ay agad niya itong nilapitan at niyakap.
“Ate..!” malakas na sigaw ni Sheena.
At nang inangat niya ang ulo ni Luna ay bumugad sa kan’ya ang mga dugong umaagos na nagmumula sa ulo nito.
Mula sa kuwarto ni Sonia ay rinig naman niya ang malalakas na sigaw ng kan’yang mga anak, kaya agad na rin siyang bumangon at pinuntahan ang mga ito.
Tatakas na sana si Waldo nang maabutan siya ni Sonia habang hawak-hawak pa nito ang isang kutsilyo.
“Waldo! Anong nangyayari rito! Bakit may hawak-hawak kang kutsilyo?!” bulyaw ni Sonia sa kaniyang nobyo.
“Ang hayop mong kalaguyo pinagbabantaang baboyin ang anak mo, ‘nay!” sigaw na bigkas ni Fino habang tinuturo si Waldo.
“Hayop ka, bumalik ka rito, papatayin kita!” hikbing bigkas ng binatilyo.
“Waldo! Sabihin mo sa akin ang totoo, sabihin mo na hindi totoo ang ibinibintang nila sa ‘yo!” sigaw na bigkas ni Sonia.
“Inay! Ganiyan ka na ba ka disperada sa lalaking iyan, ha?! Muntikan nang ginahasa ng hayop na ‘yan ang anak mo, tapos siya pa ang pinapanigan mo?! Pare-pareho lang kayong dalawa! Mga walang kuwenta! Mga baboy!” Walang tigil na pagmumura ni Fino habang sinisigawan ang sariling ina at nobyo nito.
Kuyom ang mga palad habang nanginginig sa galit ang buong katawan ni Sonia dahil sa sinabing iyon ng kan’yang anak na si Fino. Ang pabayang Ina ay tila naging isang kandila na unti-unting nalulusaw sa kan’yang kinatatayuan.
Galit niyang hinarap ang nobyong si Waldo at pinagsasampal-sampal ang mukha nito.
“Hindi ko akalain na magagawa mo ito sa akin, hayop ka! Bakit sa anak ko pa, ha!? Hindi ka pa ba nakokontento sa mga babaeng binibigay ko sa ‘yo gabi-gabi, ha?!” bulyaw na sambit ni Sonia.
“Tumigil ka, Sonia!” ani Waldo, habang hinahawakan ang mga kamay ni Sonia.
Hindi na nagawang nagpa-awat ni Sonia dahil sa galit na nararamdaman niya sa nobyo. Kaya mas nilakasan pa nito ang paghampas ng kan’yang mga palad sa mukha ni Waldo, dahil sa galit na rin ng kan’yang nobyo ay aksidente niyang nasaksak ang tagiliran ni Sonia.
“Ayaw mong tumigil, ha!” gigil na sambit ni Waldo habang sinasaksak niya ang tagiliran ni Sonia.
At nang makita ni Waldo ang duguan niyang kamay ay agad na itong kumaripas ng takbo pababa ng hagdanan ng bahay nina Sonia.
Habang si Sonia naman ay unti-unting umupo sa sahig habang hawak-hawak ang kutsilyong nakasaksak sa kan’yang tagiliran.
“Inay! Nay!” sigaw na sambit ni Sheena.
“Kuya! Tulungan mo si nanay, nasaksak siya!” patuloy na sigaw ni Sheena.
Kaya agad nang tinawagan ni Fino ang Emergency Hotline. Samantalang dahan-dahan namang isinandal ni Sheena sa isang unan ang ulo ng kan’yang ate bago ito pumunta sa kinaroroonan ng kan’yang Ina.
“Inay, naririnig mo ba ako, ha? Huwag niyo pong ipikit ang inyong mata, okay?” hikbing tugon ni Sheena.
“Sheena, anak?” nakangiting wika ni Sonia habang hawak-hawak ang mukha ng anak.
“Dalaga ka na nga, pagpasensyahan mo si nanay, ha? Alam kong hindi na mabilang ang mga kasalanan ko sa inyo, lalong-lalo na sa ate mo,” pangiwing sambit niya.
“Fino, ito tatandaan mo, ha? Palagi mong poprotektahan itong mga kapatid mo. Kahit ganito si nanay, mahal na mahal ko rin kayo. Sana mapatawad ninyo si nanay, ha? Sabihin niyo rin sa ate ninyo na humihingi ako ng tawad sa kan’ya. Alam kong hindi sapat ang mga sorry ko. Pakisabi sa kan’ya na kaya kong maghintay, kahit ilang beses pa akong sunduin ni Lucifer hinding-hindi ako sasama sa kan’ya hanggat hindi pa ako napapatawad ng ate ninyo.” Nanghihina man ang boses ni Sonia, ngunit kaniya itong iniinda makausap lang ang mga anak.
“Nay, huwag po kayong magsalita ng ganiyan, oh! Parating na po ang mga rescuer, okay?” hikbing wika ni Fino.
“Mga anak, alam kong hindi na ako aabot ng hospital. Pakisabi sa Ate Luna ninyo, nasa ilalim ng mga damit ko ang mga pera niya, ha? Gamitin ninyo ang mga perang iyon sa pag-aaral ninyo, at sabihan niyo na rin si ate ninyo na ipagpatuloy ang kan’yang pag-aaral,” nakangiting wika ni Sonia. Mga ngiti na may halong pananabik sa kaniyang mga anak.
Habang patuloy sa pagsasalita si Sonia ay palihim din pa lang nakikinig si Luna sa kan’ya.
Tahimik itong humahagulgol habang niyayakap ang kaniyang sarili.
Gustuhin man ni Sonia ang manatili sa kan’yang katawan, ngunit wala na siyang magagawa dahil huli na ang lahat. Ang tanging magagawa lang niya ay ang harapin ang parusa ng kamatayan na nag-aabang sa kan’ya.