DEATH on Arrival nang dumating sa hospital ang nanay nina Luna na si Sonia. Si Luna naman ay agad na dinala sa Emergency Room para gamutin ang tinamong sugat na nasa kaniyang ulo. Walang nagawa sina Sheena at Fino kung ‘di tanggapin ang sinapit ng kanilang ina.
Isang linggo na ang lumipas, mula noong ilibing nina Luna ang bangkay ng kanilang ina na si Sonia.
Habang unti-unting nililigpit ni Luna ang mga naiwang gamit ng kanilang ina ay bigla niyang naalala ang huling habilin nito tungkol sa pera na para sa pag-aaral ng kaniyang mga kapatid. Agad pinuntahan ni Luna ang aparador ng damit ng yumaong ina at tiningnan ang perang tinutukoy nito.
Isang kayumangging sobre ang nakita ni Luna na napailaliman ng mga damit ni Sonia. At nang buksan niya ito ay tumambad sa kaniya ang isang Manager’s Check na nakapangalan sa kaniya.
Manager’s Check of Arthur Del Rio
Pay to the order of: Luna Sherry Ramos
Amount: Twenty Million Pesos Only
Mga detalye na nababasa ni Luna sa isang tsekeng nasa loob ng isang brown envelop.
Habang tinititigan ni Luna ang tseke ay unti-unti namang nagsisilabasan ang kan’yang mga luha. Hindi dahil nami-miss niya ang kan’yang ina, kung ‘di dahil naaawa siya sa kan’yang sarili.
“Napakawalang hiya mo talaga! Kahit ilang beses pang sunugin ‘yang kaluluwa mo, hinding-hindi kita mapapatawad!” impit niyang daing habang yakap-yakap ang sarili.
“Kahit minsan hindi ko sinuway ang mga iniutos mo sa akin ‘nay, pero ano itong ginawa mo sa akin! Sarili mong anak ibenenta mo! Mga hayop kayo, mga baboy!” Walang tigil sa paghagulgol si Luna.
Habang nagsisisigaw si Luna sa loob ng kuwarto ng kan’yang ina ay siya namang pagdating nina Fino at Sheena, kaya agad nila itong pinuntahan.
“Ate!” sigaw ni Sheena habang papalapit kay Luna.
“Bakit Ate? Ayos ka lang ba, ha?” nag-aalalang sambit ni Sheena.
Habang pinupunasan ni Sheena ang luha sa mga mata ni Luna ay pansin naman ni Fino ang hawak-hawak nitong papel, kaya agad niya itong kinuha sa kamay ng kan’yang ate.
“Ano ito, ate? Teka! Kanino galing ito? Malaking pera ito, ah!” nagtatakang bigkas ni Fino.
“Akin na ‘yan, Fino! Ibalik mo sa akin ‘yan!” Biglang sigaw ni Luna.
At nang ibinalik ni Fino kay Luna ang tseke, walang pag-aalinlangan itong pinupunit ni Luna.
“Ate! Ano ba ang ginagawa mo, bakit mo pinunit?! Iyan ba ang perang sinasabi ni nanay, ha?!” bulyaw na sambit ni Fino.
“Kung hanggang ngayon ay galit ka pa rin kay nanay, huwag mo kaming idamay! Ano na ang gagawin natin ngayon, ha? Twenty Million ‘yong pinunit mo, alam mo ba ‘yon, ha?! Kahit kailan bwesit talaga itong buhay natin!” gigil na sigaw ni Fino, sabay labas ng kanilang bahay.
“Fino! Fino! Bumalik ka rito!” sigaw na sambit ni Luna.
Dahil sa narinig ni Sheena ay bigla siyang napaatras sa kinaroroonan ni Luna.
“Ate? Totoo ba ang sinabi ni Kuya? Iyon ba talaga ang perang sinasabi ni nanay bago siya namatay? hikbing bigkas ni Sheena.
“Sheena, makinig ka kay Ate, ha? Kahit noon pa man na wala tayong ganoon kalaking pera, binibigay naman ni ate ang mga gusto ninyo, ‘di ba? At saka---“ putol na sambit ni Luna.
Hindi na natapos ni Luna ang sasabihin dahil agad siyang sinapawan ni Sheena.
“So, totoo nga! Totoo ngang pera ni nanay ang pinunit mo! Bakit ate? Sa tingin mo ba sapat na ang kinikita mo sa pagtitinda ng mga ulam mo para matustusan lahat ng pangangailangan natin, ha?! Kahit napkin mo nga inuutang mo pa sa tindahan, eh! Mga pangangailangan pa kaya namin?!” galit na sabi ni Sheena kay Luna.
Isang malakas na sampal ang pinakawalan ni Luna sa pisngi ni Sheena nang marinig nito ang mga sinasabi ng nakabababatang kapatid.
“Sheena…” utal na bigkas ni Luna.
“Patawarin mo si ate, hindi ko sinasadya, nabigla lang ako,” wika ni Luna.
Hindi na nakapagsalita si Sheena, agad na siyang tumalikod at tumakbo paakyat ng hagdan papunta sa kaniyang kuwarto.
Kinabukasan, araw nang linggo.
Kinagawian na ni Luna ang gumising nang tanghali tuwing araw nang linggo dahil para sa kan’ya ito lang ang tanging araw na makakapagpahinga siya. Ngunit, simula noong araw na binugaw siya ng kan’yang ina, madaling araw pa lang ay dilat na ang kan’yang mga mata.
Tahimik na nakaupo si Luna sa kanilang sala habang hinihintay ang pagsikat ng araw. Ngunit sa katahimikang iyon ay agad nanaman niyang naalala ang bangungot na nangyari sa kan’ya noong gabing ibenenta siya ng sariling ina.
“Mahigit isang linggo na ang lumipas inay, simula noong ibenenta ninyo ako! Kahit ilang milyon pa iyang pera na binayad sa iyo, hinding-hindi kayang bayaran ang sakit na idinulot ninyo rito,” hikbing wika ni Luna, sabay turo sa bandang dibdib nito.
“Alam mo ba na habambuhay kong dadalhin ang sakit na iyon inay, ha?!” palahaw niyang bigkas.
Habang iniisip ni Luna ang mga bangungot na dulot ng kasakiman sa pera ng sariling ina, hindi niya namamalayang nakatulog na pala siya.
“Tao po! Tao po!” Isang malakas na boses ng lalaki ang gumising sa natutulog na si Luna.
Mabilis na tumayo si Luna at agad n'yang binuksan ang pinto.
“Magandang araw po sa inyo. Dito po ba nakatira si Luna Ramos?” wika ng lalaki.
“Bakit po? Sino po sila?” nagtatakang sambit ni Luna.
“Ako nga pala si Nestor, tauhan po ako ni Mama Sang ang manager ng Hot Babe Resto Bar" pagpapakilala niya sa sarili.
"Pinabibigay po niya ito kay Luna, kunting tulong daw para sa mga anak na naiwan nang namayapang si Sonia” seryosong wika ni Nestor, sabay abot ng isang sobre kay Luna.
“Nais din pong ipaabot ni Mama Sang ang kan’yang pakikiramay sa nangyari kay Sonia, sabi rin niya baka gustuhin daw ni Luna na bumalik sa bar kontakin lang daw ang numero na nasa loob ng sobre,” nakangiting wika ni Nestor.
Habang nakikipag-usap si Luna kay Nestor ay pansin niya ang mga matutulis nitong tingin sa kan’ya. Mga tingin na tila ay mayroong halong pagnanasa. Dahil sa inasal ng lalaki ay hindi naiwasan ni Luna ang mangamba.
“Sorry po Mang Nestor, pero nagkamali po kayo ng bahay na pinuntahan. Wala po akong kilalang Sonia. May kilala akong Luna pero sa kabilang squatter nakatira,” pPagsisinungaling na saad ni Luna.
Kaya ibinalik ni Luna sa lalaki ang isang sobre at agad niyang isinara ang pinto ng kanilang bahay.
Para tuluyang makalimutan ni Luna ang mga bangungot sa kan’yang nakaraan at takasan ang mga taong naging dahilan ng pagwasak ng kan’yang pagkatao ay napagdesisyonan niya na lisanin ang kanilang lugar at doon sa isang siyudad manirahan.
Maaaring maging mahirap makipagsapalaran sa isang lungsod, lalo na sa isang baguhan na katulad ni Luna, ngunit kailangan niyang magsikap dahil mayroon siyang mga kapatid na kailangan niyang suportahan. Gayunpaman, kasabay ng kanilang paglipat sa siyudad ay siya ring naging sanhi nang pag-rerebelde ng kan'yang dalawang kapatid.
Ang dating mahinhin at masunuring si Sheena ay naging pasaway at palasagot kay Luna. At ang dating magalang at responsableng si Fino ay naging palabarkada, mabisyo at minsan lang mahagilap ni Luna sa kanilang bagong tinitirhang bahay.
~TWO YEARS LATER~
“Limang daan lang ang baon ko?! Ate naman! Ano ba mabibili ko sa limang daan? Hindi ka kasi nakapag-aral kaya hindi mo alam ang mga gastusin sa loob ng paaralan!” padabog na sambit ni Sheena.
Habang nakikipagtalo si Sheena kay Luna ay siya namang pagdating ni Fino.
“Kuya!” masiglang bigkas ni Sheena.
“Kuya pahingi naman ng baon, oh! Ito kasing si ate limang daan lang ang binigay.” Paglalambing ni Sheena kay Fino.
Agad binuksan ni Fino ang kan’yang maliit na handbag at tumambad kina Luna at Sheena ang mga perang nasa loob nito.
“Wow, kuya! Ang dami mong pera, ah!” nakangiting wika ni Sheena.
“Pahingi ako ng Two Thousand, please.” Patuloy na paglalambing ni Sheena kay Fino.
Hindi na nagdalawang isip si Fino at agad niyang ibinigay sa kapatid ang hinihingi nitong pera.
Pagkaalis ni Sheena ay agad kinausap ni Luna si Fino.
“Fino!” sigaw na sambit ni Luna.
“Sabihin mo nga sa akin. Saan nanggagaling ‘yang mga pera mo, ha?!” bulyaw ni Luna.
“Kumuha ka na lang ng pera sa bag kung gusto mo, pagod ako at kailangan ko munang magpahinga! Ang aga-aga ang ingay nang bunganga mo!” padabog na sambit ni Fino, sabay talikod papunta sa kan’yang kuwarto.
Simula nang lumipat sina Luna sa siyudad ay huminto na si Fino sa pag-aaral, hindi niya itinuloy ang pag-aaral sa kolehiyo. Si Sheena naman ay kasalukuyang nag-aaral sa Guada de University sa kursong Economics.
~AT VILLA GUADA DEL RIO~
Mahigit dalawang taon na ang nakalipas, simula noong may nangyari kina Luna at Arthur. Si Arthur Del Rio, ang bilyonaryo na bumili sa puri at unang lalaki na umangkin sa p********e ni Luna.
Kung para kay Luna ay isang bangungot ang nangyari sa kaniya, para kay Arthur naman, iyong ay isang napakagandang ala-ala.
Habang iniimpaki ni Arthur ang kan’yang mga gamit na dadalhin sa Del Rio City ay nakita nanaman niya ang isang box na kulay pula na may nakaukit na pangalang ‘Aphrodite Babe’. Isang box kung saan nandoon ang mascarang naiwan ni Luna, noong gabi na mayroong nangyari sa kanila.
“Aphrodite Babe, alam mo ba na mahigit dalawang taon na kitang hinahanap?” wika ni Arthur habang nakaharap sa mascara.
“Siguro masaya ka na ngayon. Sa laki ba naman ng perang ibinayad ko sa ‘yo, huh!” singhal na wika niya.
“Pero iba ka rin, ha! Sa dinami-rami ng mga babaeng dumaan sa akin, ikaw lang yata ang nakakuha nang atensyon ko! Alam mo ba kung bakit? Dahil mahigit dalawang taon mo rin akong hindi pinapatulog nang maayos!” palahaw n'yang bigkas.
“Pero ito ang tatandaan mo, Miss Aphrodite! Sa oras na mahanap kita, hinding-hindi ka na makakawala pa sa akin, kahit may asawa ka pa! Kahit ilang bilyon pa ang halaga mo, paulit-ulit pa rin kitang bibilhin!” seryosong wika ni Arthur.
Tanging ang pangalang Aphrodite Babe, mascara at ang hugis pusong balat na nasa gitna ng dibdib ni Luna ang tanging naiwan niyang mga ala-ala kay Arthur matapos ang isang gabi na mayroong nangyari sa kanilang dalawa.
"Isang gabi nga lang kitang nakasama, ngunit habambuhay ko itong daramhin sa aking ala-ala!" seryosong wika ni Arthur, sabay higa sa kan'yang kama habang yakap-yakap nito ang nasa box na mascara.