“ARTHUR, Apo! Hindi ka pa ba tapos mag-impake ng mga gamit mo?” wika ni Señora Guada sa apo.
“Lola! Bihis na bihis kayo, ah! At saka bakit may mga malita kayong dala?” masiglang sambit ni Arthur.
“Bakit? Sa tingin mo ba hahayaan kita na pumunta ng mansion ng mag-isa, ha?” nakangiting tugon ni Señora Guada.
Abot tainga ang ngiti ni Arthur nang marinig ang sinabi ng kan’yang Lola.
“Thank You so much, señora! Kaya love na love kita, eh!” paglalambing na sambit ni Arthur sabay yakap sa matanda.
“Kaya hindi ka magkakaroon ng girlfriend, eh! Panay ang yakap mo sa akin,” nakangiting wika ng señora.
“Pero seryoso ako apo. Kailan ka pa ba mag-aasawa, ha?” malungkot na boses na wika ng matanda.
“Lola” ani Arthur, sabay hawak sa kamay ni Señora Guada.
“Pinag-usapan na natin ito ‘di ba? Ayaw mo ‘yon, mas lalo pa kitang maaalagaan dahil wala akong asawa?” Ngumiti si Arthur habang binibiro ang matanda.
“Arthur! Hindi ako nagbibiro. Alam ko kung gaano ka nasaktan sa paghihiwalay ninyo ni Amara. Pero Apo naman! Isipin mo rin ang sarili mo. Alam mo ba na walang saysay ang lahat ng mga kayamanan at pinaghirapan mong ito kung mag-isa ka lang sa buhay? Lalong-lalo na ngayong babalik ka na sa kompanya, ngayon mo mas kailangan nang kaagapay, apo,” seryosong wika ni senora.
“Sige na, tapusin mo na ang pag-iimpake, hihintayin na lang kita sa veranda.” Simpleng tugon ng Señora at tahimik na lumabas sa kuwarto ng apo.
Napabuntong-hininga na lamang si Arthur nang lumabas ng silid niya si Señora Guada.
Bago nilisan nina Arthur ang Villa Guada ay kinausap muna ni Señora Guada ang mga guard at caretaker ng buong Villa.
“O paano? Lahat ng mga inihabilin ko sa inyo kagabi huwag ninyong kalimutan, ha? Kung mayro’n mang mga problema rito, tawagan n’yo kaagad ako. At kayo naman Alma at Berting, pag-isipan ninyong mabuti ang sinabi ko sa inyo kahapon. Dito na kasi kayo tumira. Total wala namang tao rito, para naman makabuo na kayo ng anak,” nakangiting wika ni señora sa kanila.
Matapos niyang kinausap ang kan’yang mga tauhan ay agad na silang umalis.
Tanghali na ng marating nila ang G&A Del Rio mansion. Ang nag-iisang mansion sa bayan ng Del Rio na ipinatayo ni Arthur matapos siyang hiniwalayan ng kaniyang nobyang si Amara.
Ipinangalan ang buong City sa Del Rio noong araw na pinarangalan si Athur Del Rio bilang Top 1 Businessman sa buong Asya, at nangunguna bilang International Businessman na ginanap sa America.
Pagdating nina Arthur at Señora Guada sa mansion ay agad nang dumiretso si Arthur sa kaniyang silid.
“Hayy---“ He sighed deeply, sabay higa sa kaniyang kama.
“Limang taon na rin pala akong hindi nakabalik sa lugar na ito,” wika nito sa sarili.
~Five Years Ago~
Ang kuwento sa likod ng Del Rio City, at buhay ni Arthur Del Rio:
Isang simpleng negosyante sa bayan ng Natividad na ngayon ay isa ng The City of Del Rio. Malambing na apo at higit sa lahat ay mapagmahal na Boyfriend sa fiancée na si Amara.
Tanging kay Amara lamang umiikot ang mundo ni Arthur noon, lahat ng mga kinikita at savings niya sa banko ay nakapangalan kay Amara. Hanggang sa dumating si Alfred Suarez sa kanilang buhay.
Si Alfred Suarez ay isang negosyante at ang nag-alok kay Arthur na maging ka-business partner niya sa negosyong itatayo sa bayan ng Natividad. At dahil sa pagiging business minded ni Athur ay hindi siya nagdalawang-isip at agad niyang sinang-ayunan ang inalok ni Alfred.
Isang taon ang lumipas, simula ng naging ka sosyo niya si Alfred ay mas lalong lumago ang kanilang negosyo. Ngunit, kasabay nang paglago ng kanilang negosyo, unti-unti namang lumamig ang pakikitungo ni Amara sa kaniya. Hanggang sa isang gabi---
Linggo noon, walang trabaho si Arthur. At iyon lang ang tanging araw na kan’yang inilalaan para sa pakikipag-bonding sa kan’yang lola na si Guada na noo’y nakatira sa Seaside Squatter. At nakasanayan na rin ni Amara ang hindi pag-uwi ni Arthur sa bayan tuwing araw nang linggo.
Alas onse na ng gabi nang umuwi si Arthur sa kan’yang bahay sa Natividad at lingid sa kaalaman ni Amara ang agarang pag-uwi ng kan’yang boyfriend.
Mula sa pintuan ay pansin ni Arthur ang isang pares ng sapatos pan’lalaki, at dahil sa kuryusidad niya ay dali-dali siyang pumunta sa silid nila ni Amara.
Tahimik at dahan-dahang binuksan ni Arthur ang pinto ng kanilang silid. At nang buksan niya ito ay laking gulat niya nang makitang hubo’t hubad ang fiancée na si Amara habang kagat-labing nakapatong sa ibabaw ni Alfred.
Tiklop ang mga palad, nanlilisik na mga mata at nanginginig ang buong katawan dahil sa galit na kan’yang nararamdaman sa dalawang taong kan’yang pinagkakatiwalaan. Dahil sa pangyayaring iyon, nalaman ni Arthur mula kay Alfred na isa pa lang bayarang babae ang kan’yang kinakasama at napag-alaman din niya na ginagamit lang pala siya ni Amara dahil sa kan’yang mga pera.
Tuluyang iniwan ni Arthur si Amara at nakipagtiwalag kay Alfred bilang kan’yang Business partner. Nag-umpisang nagsarili si Arthur at mag-isang itinayo ang G & A Del Rio Corporation (Guada & Arthur). Kasabay nang pag-angat ng kan’yang negosyo ay marami na rin siyang mga charity na natulungan sa bayan ng Natividad.
Dahilan upang pinarangalan siya bilang isang Most Outstanding Businessman sa bayan ng Natividad kasabay noon ay ang pagbibigay pugay sa kan’ya sa lahat ng mga naitulong at naging contribution niya sa buong bayan. At nang dahil sa kan’ya ay marami ng mga negosyante ang pumupunta at nag-invest sa kanilang lugar, kaya bilang parangal ay tuluyang ipinangalan sa kan’ya ang buong bayan at iyon ay ang Del Rio City.
Mula sa pagiging isang maliit na bayan hanggang sa naging malawak na lungsod at nagiging sentro ng atraksyon ng mga turista mapa-local man o abroad.
~KASALUKUYAN~
Mula sa pagkakahiga ni Arthur ay bigla nanaman niyang naalala ang kan’yang Aphrodite Babe.
“Hayyy--- Aphrodite Babe! Nasaan ka ba talaga! Hanggang kailan ka ba mabubura dito sa isipan ko!” palahaw na sambit ni Arthur, habang tinatapik-tapik ang kaniyang ulo.
Kinabukasan, araw nang Lunes. Maagang gumising si Arthur dahil ito ang unang araw niya sa kaniyang pagbabalik sa G&A Del Rio Corporation.
“Lola, ikaw ba ang nagluto ng lahat ng mga ito?” Ani Arthur, simultaneously sitting at the dining table.
“Bakit? Ano ba sa tingin mo hindi ako marunong magluto? Baka nakalimutan mo laking squatter ‘ata ito, huh!” pabirong wika ng señora.
“Kaya lab na lab kita, eh!” pangiting sagot ni Arthur.
“Pero kailangan pa rin natin nang alalay at cook dito lola, ha? Hayaan mo, maghahanap ako.” Patuloy ni Arthur.
“Naku! Hayaan mo na lang na ako ang maghanap! Batang ito!” wika ni Señora Guada.
“Apo, good luck sa yo, hmm?” nakangiting saad ng matanda.
“Lola, hindi po ako mag-a-apply ng trabaho. Sarili ko pong kompanya ang pupuntahan ko. Wala po kayong dapat na ipag-alala, kahit isang taon akong hindi nakapunta sa G&A Corp. pero araw-araw ko pa rin itong mino-monitor, okay po ba?” nakangiting wika ni Arthur, sabay hawak sa kamay ng kan’yang lola.
“Hindi naman iyon ang ibig kung sabihin. What I mean is, hanapan mo na ako ng apo na babae, hmm?” pangiting wika ng matanda.
“Sabi ko nga po, aalis na ako,” pagmamadaling bigkas ni Arthur.
Matapos niyang halikan ang noo ng kan’yang lola ay agad nang tumakbo si Arthur na animo ay isang bata na pinapagalitan ng isang ina. Dahil sa inasal ni Arthur ay napailing na lang ng ulo si Señora Guada.
~AT G & A DEL RIO CORPORATION~
Ang mahigit sampung libong empleyado ng G&A Del Rio Corporation ay halos nakaabang na sa pagdating ng kanilang Presidente na si Arthur Del Rio while wearing their respective uniforms. Ang bawat departamento ng G&A Del Rio Corporation ay may kani-kanilang mga uniporme, batay sa kung aling departamento sila nakatalaga.
Maya-maya ay dumating na ang kanilang pinakahihintay na boss at ang may-ari ng buong Del Rio Company.
Kasabay ng kaniyang pagpasok sa loob ng G&A Del Rio Corporation ay ang pagyuko ng mga ulo ng kan’yang mga empleyado bilang pagbibigay galang sa kan’ya bilang Presidente at may hawak ng pinakamataas na posisyon sa buong kompanya.
Ilang sandali lang ay sinalubong na si Arthur ng kan’yang Personal Assistant at kaibigang si Arman.
Si Arman na kan’yang P.A at ang Hot Babe Resto Bar owner na si Arman Fuego ay iisa. Nakilala ni Arthur si Arman noong gabing naghiwalay sila ng fiancée na si Amara. At si Arman din ang tumulong sa kan’ya para tuluyan niyang makalimutan si Amara.
Bilang pasasalamat ni Arthur kay Arman, pinalawak at pinalaki niya ang Resto Bar nito gamit ang kan’yang sariling pera. At the same time, ginawa niya itong Personal Assistant sa kan’yang kompanya.
“Good Moring, Boss!” masiglang wika ni Arman.
“Hey, men! Kumusta?” nakangiting wika naman ni Arthur, sabay tapik sa bawat balikat nila.
“Ladies and Gentlemen! Sa lahat ng hindi pa nakakikilala sa ating Presidente. I want to introduce to all of you, the President of G&A Del Rio, Mr. Arthur Del Rio.” Pagpapakilala ni Arman kay Arthur.
Kasunod ng pagpapakilala sa Presidente ay ang nakabibinging palakpak na nanggagaling sa lahat na mga empleyado, bilang pagtugon sa sinasabi sa kanila ni Arman.
Sabay nang tinungo nina Arman at Arthur ang kani-kanilang mga opisina na nasa pinakatuktok ng G&A Building. At agad na rin nagsisibalikan ang mga empleyado sa kani-kanilang mga departamento.
“Sigurado ka ba na hindi mo kailangan ng Personal Secretary rito? Marami pa namang mga magaganda at sexy na nandito sa kompanya mo!” pangiting wika ni Arman, sabay upo sa Executive Chair ni Arthur habang nakapatong ang dalawang paa sa ibabaw ng mesa nito.
“Sa tingin ko hindi Personal Secretary ang kailangan ko, eh! Kung ‘di bagong Personal Assistant! Walang hiya ka, inupuan mo na nga ang silya ko, pati ba naman iyang mga paa mo pinatong mo na rin sa ibabaw ng mesa ko, huh!” singhal na sambit ni Arthur.
Habang patuloy sa pagkukulitan ang dalawa ay siya namang pagpasok ni Mildred, ang HR Manager ng G&A Del Rio Corporation.
Si Mildred Lapaz, 50 years old. Ang pinakamatagal ng empleyado ni Arthur, parang isang ina na rin kung ito ay ituring niya.
“Cómo estás, Arthur?!” nakangiting saad ni Mildred sabay yakap kay Arthur.
“Soy bueno, my beautiful Mildred! Na-miss kita, alam mo ba ‘yon?” malambing na boses na bigkas ni Arthur.
“Ehmm!” igham na sambit ni Arman.
“Iyan na nga ba ang sinasabi ko! Kaya hindi nagkaka-jowa dahil puro matatanda ang inuuna.” Pagpaparinig nito kay Arthur habang sumisipol-sipol pa.
“Arman! Bakit ka pa nandito, natapos mo na ba ang mga reports na ipinagawa ko sa ‘yo, ha!” bulyaw na sambit ni Mildred.
“Ito na po, lalabas na ako! Paano Boss, tawagan n’yo na lang ako kapag may kailangan kayo, ha?!.” ani Arman, sabay kindat kay Arthur.
Kasabay nang pagkindat ni Arman kay Arthur ay pansin pala ito ng ibang empleyado na nasa department ni Arman na kanina pa nanunuod sa kanilang dalawa. Mula sa opisina ni Arthur ay matatanaw ng mga empleyado ang bawat sulok at kabuoan nito, sapagkat ang kan’yang opisina ay nasa itaas at tanging salamin lang ang pumapalibot dito.