Lisandra's POV Andito na si Althea sa bahay, ang ganda niya at halos mataray nga siya. Pati sila Manang Cecil natarayan niya eh kadadating niya lang. "You are the new maid?" tanong niya sa akin, "Yes Mam." magalang kong sakot sa kanya, akala ko kung ano na at bigla niya akong tinaasan ng kilay. Wow nemen. Umakyat na siya para magpahinga. Nakahinga kami ng maluwag pati din si Aira natarayan niya. "Pasensya na, ganon si Althea. Masungit talaga yang batang yan." sabi ni Nanay Nancy sa akin. Hinanap ko si Red, halos libutin ko lahat ng kwartong pweding buksan. Nakarating ako sa Library na bukas. Isasarado ko sana ngunit narinig ko ang boses ni Red at ni Althea. " I miss you so much, baby. " napatakip ako ng bunganga. Anong nangyayari? "I miss you too, baby." biglang hinalikan ni Red si

