bc

30 Days Pleasure (R18)

book_age18+
22.6K
FOLLOW
127.0K
READ
possessive
one-night stand
forced
boss
maid
sweet
straight
office/work place
servant
Romantic-Suspense Writing Contest
like
intro-logo
Blurb

[R18]

There are things we never want to do, but sometimes life leaves us with no choice. No matter how much we resist, if it’s what we need to survive or move forward, we find the strength to do it. No matter what happened.

My name is Lisandra Guzman, and this is my story.

chap-preview
Free preview
Chapter 1: Finding
Nagising ako sa mahina ngunit pamilyar na boses ng kapatid ko. “Ate…” Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at agad siyang nakita sa tabi ng kama. Nakangiti siya kahit halatang nanghihina na naman ang katawan niya. Napangiti rin ako, pero mabilis ding napalitan iyon ng sakit. Hindi ko kayang titigan nang matagal ang kapatid ko. Si Jeremy ay limang taong gulang pa lamang, pero ilang buwan na siyang lumalaban sa cancer. Sa murang edad niya, dapat naglalaro siya kasama ang ibang bata, nag-aaral magsulat, at nag-eenjoy sa buhay. Hindi iyong nakahiga siya sa hospital bed at dumaraan sa napakasakit na gamutan. Minsan, naiisip ko na sana ako na lang ang nagkasakit. Sana ako na lang ang nasasaktan at hindi ang kapatid ko. Mas kaya kong tiisin kaysa makita siyang nahihirapan araw-araw. “Ate, okay ka lang?” tanong niya. “Oo naman. Bakit?” mabilis akong ngumiti. “Parang malungkot ka kasi.” Napakagat ako sa labi. Kahit limang taong gulang pa lang siya, napaka-observant niya. “Ano ka ba. Hindi ako malungkot.” Ngumiti siya at yumakap sa akin. Mahigpit. Parang natatakot siyang mawala ako. At sa totoo lang, natatakot din akong mawala siya. Habang yakap ko si Jeremy, bumukas ang pinto ng hospital room. Pumasok si Tita Rissa dala ang ilang pagkain at tubig. Pagod na rin ang mukha niya. Ilang buwan na siyang tumutulong sa amin. Mula nang mawala sina Mama at Papa, siya na ang naging katuwang ko sa pagpapalaki kay Jeremy. “Magandang umaga,” bati niya. Ngumiti kami ni Jeremy at pagkatapos ay umupo siya sa tabi ko. Napansin kong parang may gusto siyang sabihin. At nang magsalita siya, iyon nga ang kinatatakutan ko. “Anak, saan tayo kukuha ng pambayad natin sa susunod na gamutan?” napapikit ako. Para akong sinampal ng katotohanan. Pera. Palaging pera ang problema. Hindi naman libre ang pagpapagamot. Lalo na ang chemotherapy at lalo na ang mga gamot. Tapos ang mga laboratory tests. Minsan pakiramdam ko, kahit ibenta ko ang lahat ng meron kami, hindi pa rin sapat. Tahimik akong napabuntong-hininga. Hindi ko alam ang isasagot. Wala na akong malapitan at wala akong mautangan. Tapos wala rin akong mapagkukunan. Maagang nawala ang mga magulang namin. Namatay si Mama nang isilang niya si Jeremy. Araw iyon na dapat sana ay masaya. Pero naging araw iyon ng pinakamalaking pagkawala namin. Si Papa naman ay sumunod makalipas ang ilang taon dahil sa sakit sa puso. Simula noon, ako na ang naging ate, nanay, at tatay ni Jeremy. Ako ang lahat para sa kanya, hindi ko hahayaang mawala siya. Kahit anong mangyari. “Tita,” mahina kong sabi. “Aalis muna ako. Maghahanap ako ng paraan.” Nag-aalala siyang tumingin sa akin. “Saan ka pupunta?” tanong agad niya. “Kahit saan. Basta makahanap lang ng trabaho.” Hindi na siya nagsalita dahil alam niyang desperado na rin ako. “Ate!” Napalingon ako kay Jeremy. Nangingilid na ang mga luha niya. Gaya ng dati. Ayaw niyang umaalis ako. Lumapit ako sa kanya at hinaplos ang buhok niya. “Huwag kang mag-alala. Babalik agad si Ate.” Sabi ko at ngumiti. “Totoo?” pag aalinlangang tanong niya. “Totoo.” Sagot ko. “Babalik ka talaga?” ngumiti ako kahit parang gusto ko nang umiyak. “Oo naman.” Sagot ko. “Tapos?” ganito siya sa tuwing umaalis ako. Kaya gusto ko na lang na kapag umaalis ako tulog siya. “Tapos bibili ako ng paborito mong prutas.”Lumawak ang ngiti niya. “Apple…ubas….tapos orange?” Napatawa ako. Masaya siyang yumakap sa akin. Mahigpit. Parang ayaw akong pakawalan. “Huwag kang magtagal, Ate.” Paalala niya. “Hindi.” Hinalikan ko siya sa noo. “Promise.” Pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto. Narinig ko pa ang boses ni Tita Rissa. “Mag-ingat ka, anak.” Tumango ako bago tuluyang umalis. Paglabas ko ng ospital, parang biglang bumigat ang mundo. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Wala na akong malapitan. Halos lahat ng kakilala ko nautangan ko na. Kahit ang best friend kong si Rose, nautangan ko na ng tatlumpung libong piso. Buti na lang at naiintindihan niya ang sitwasyon ko. Pero kailangan ko ring mabayaran iyon sa lalong madaling panahon. Habang naglalakad ako, may tumawag sa akin. “Sandra!” napalingon agad ako. At nakita ko si Rose. Parang nakahinga ako nang maluwag. “Rose!” lumapit siya agad sa akin. “Saan ka pupunta?” tanong niya. “Naghahanap ng trabaho.” Hindi ko na kailangang magpaliwanag pa. Alam na niya agad kung bakit. “Hala, tara muna.” Bigla niya akong hinila. “Saan?” nagtataka kong tanong. “Sa canteen.” Hindi na ako nakatanggi. Ilang minuto lang ay nasa canteen na kami. Pagkaupo namin, diretsahan siyang nagsalita. “May magandang balita ako.” Napataas ang kilay ko. “Talaga?” tumango agad siya. “May isang mayamang pamilya na naghahanap ng kasambahay.” Napakurap ako. “Kasambahay?” ulit kong tanong. “Oo.” Tahimik akong nakinig. “Kilala nila ang pamilya namin kaya sa amin sila humingi ng tulong sa paghahanap.” Sabi niya. “Tapos?” tanong ko. “Ikaw agad ang naisip ko.” Napatingin ako sa kanya. “Sigurado ka?” nag aalangang tanong ko. “Oo. Isang buwan lang naman daw.” Isang buwan. Hindi man permanente, malaking tulong pa rin iyon. “Magkano naman ang sahod?” Napangiti siya. “Malaki.” Sagot niya. “Lahat naman para sa’yo malaki.” Napatawa siya. “Seryoso ako.” Unti-unting nabuhay ang pag-asa sa dibdib ko. Kailangan ko ng pera. Para kay Jeremy at para sa gamutan niya. Para sa buhay niya. “Sige,” sabi ko. “Tatanggapin ko.” Lumawak ang ngiti niya. “Talaga?” tanong niya pa. “Oo.” Mabilis niyang inilabas ang isang calling card mula sa bag niya. “Ingat-ingatan mo ’yan.” Kinuha ko iyon. “Naku, Rose. Maraming salamat.” Bigla akong naiyak. Hindi ko napigilan. Agad niya akong niyakap. “Ano ka ba? Best friend tayo.” Lalo akong naiyak. Hindi ko alam kung paano ko siya mababayaran sa lahat ng tulong niya. “At saka…” bigla siyang ngumisi. “Ano?” tanong ko dahil ngisi pa lang niya iba na. “May anak daw iyong may-ari.” Napataas ang kilay ko. “Eh ano ngayon?” tanong ko. “Gwapo raw.” Napalo ko siya sa braso. “Ano ba!” Napatawa siya nang malakas. “Trabaho ang kailangan ko, hindi lalaki.” Sagot ko. “Malay mo naman.” Napairap na lang ako. “Sure ka?” muli pa niyang tanong. “Oo.” Sagot ko. “Sayang.” Pareho kaming natawa. Kahit sandali, nakalimutan ko ang problema ko. Makalipas ang ilang minuto ay tumayo na siya. “Kailangan ko nang umalis.” Tumango ako. “Salamat ulit.” Sabi ko at hinawakan ang kamay niya. “Walang anuman.” Sagot niya. “Titingnan mo si Jeremy kapag may oras ka?” sabi ko dahil namimiss nagsalita rin niya si Tita Rose niya. “Siyempre naman.” Ngumiti ako. “Salamat.” Muli kong sabi. “Ngayon, pumunta ka na roon bago may mauna sa’yo.” Tumango ako. At pagkatapos naming magpaalam sa isa’t isa, agad akong lumabas ng ospital. Sumakay ako ng taxi at ibinigay ang address sa driver. Habang nasa biyahe, paulit-ulit kong tinitingnan ang calling card. Ito na siguro ang sagot sa problema ko. Kailangan ko lang makapasok. Pagkalipas ng halos isang oras, nakarating na rin kami. At halos malaglag ang panga ko. Napakalaki ng bahay. Ay, hindi pala bahay. Mansion na ‘to dahil sobrang laki. Para akong nasa pelikula, pati bakuran nila sobrang laki! Napakataas ng gate at halatang sobrang yaman ng mga nakatira rito. “Sino ang hinahanap mo?” mataray na tanong ng guard. Napalunok ako. “Mag-aapply po sana bilang kasambahay.” Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Parang sinusuri kung karapat-dapat ba akong pumasok. “Saglit.” Tumawag siya sa loob. Ilang minuto rin akong naghintay. “Sige. Pasok ka.” Tahimik akong sumunod. Habang naglalakad kami, hindi ko maiwasang mamangha. Parang walang katapusan ang daan. Napakalawak ng lupain. Mas malaki pa yata ito kaysa sa buong barangay namin. Sa wakas ay nakarating kami sa loob. Dinala ako sa isang opisina. May babaeng naghihintay doon. Maganda siya, elegante, at mukhang mabait. Pagkakita niya sa akin ay ngumiti siya. “Good morning po,” bati ko. “Good morning.” Sagot niya. “Ikaw ba si Lisandra Guzman?” tanong naman niya. “Opo.” Tumango siya. “You want to work here for one month?” tanong niya at tumango ako. “Yes po.” Ngumiti siya. At parang nagustuhan niya ang sagot ko. “Your salary will be ten thousand pesos every week.” Parang tumigil ang mundo ko. “S-sampung libo po?” tanong ko baka nagkamali lang ako sa narinig ko. “Yes.” Hindi ako makapaniwala. Sa loob ng isang buwan, maaari akong kumita ng apatnapung libo. Malaking tulong iyon para kay Jeremy. Sobrang laki. “Okay lang po sa akin.” Napangiti siya. “Alam kong nangangailangan ka ng pera.”Tumango lang ako. Ayaw kong ikuwento ang lahat. Baka maawa lang siya. “I’m Jenny Imperial.” Inilahad niya ang kamay niya. “Nice to meet you.” Agad ko iyong kinamayan. “Nice to meet you too, Ma’am.” Ganoon lang ‘yon? Tanggap na ako? “Welcome to the Imperial Residence.” Pakiramdam ko ay nananaginip ako. “Mag-start ka bukas.” Napangiti ako nang malaki. “Maraming salamat po.” Tumango siya. At sa unang pagkakataon matapos ang mahabang panahon, nakaramdam ako ng pag-asa. Hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa akin sa loob ng mansyong ito. Hindi ko alam kung sino ang mga taong makikilala ko rito. At lalong hindi ko alam na ang pagtanggap ko sa trabahong ito ang tuluyang magbabago sa buhay ko. Habambuhay.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Sexytary |SPG|

read
569.6K
bc

The Ex-wife

read
239.5K
bc

Their Desire (Super SPG)

read
1.0M
bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
2.0M
bc

Abducted (R-18) (Erotic Island Series #1)

read
554.7K
bc

Her Innocent Slave (R-18) (Erotic Island Series #3)

read
592.8K
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
2.0M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook